IKA-DALAWAMPO'T PITO NA KABANATA

2129 Words

Para sa isang maliit na baryo ay naging mabilis ang pagkalat nang nangyari kay Diana. Kaya naman ang Tatay nito na tanging kasama sa buhay ay kamuntikan na ring mamatay kung hindi lang din naagapan ng mga kakilala nito. "Kawawa naman ang mag-ama. Kung bakit ba kasi may mga masasamang tao. Sa bait ng mag-ama ay sila pa ang biniktima ng mga halang ang kaluluwa," malungkot na wika ng isa nilang kapitbahay. "Iyon na nga eh. Pinipilit na nga lang din ni Diana na makatapos sa pag-aaral ganyan pa ang dinanas," saad din ng isang kapitbahay. Dahil sa kahirapan, hindi na rin pinatagal ng mga taga San Nicholas ang lamay ng dalagitang si Diana. Sa tulong ng mamamayan sa naturang lugar ay naipalibing ang dalagita ng maayos. "Mang Pepito, ano po ang plano mo ngayon?" tanong ng kapitan sa kanilang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD