Sa kabilang banda, sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang nabitawan ni Vince Ethan ang hawak na baso. Kasalukuyan silang nagmemeryenda kasama ang mga tauhan niya sa kanilang destino.
"Sir, pambihira naman sa ayos nang pagkahawak mo baso nahulog pa ito. What's wrong with you, Sir?" kunot- noong tanong ng isa sa mga tauhan niya.
"Hindi ko alam, Llanes. Basta na lang nahulog," sagot ng binata saka akmang tatayo pero para siyang ang baso na basta na lang nabasag. Kung hindi pa siya nahablot o nahawakan ng pinakamalapit niyang tauhan ay tuluyan na rin siyang nabuwal.
"Si mama," aniya sa maliit na boses. Hindi niya maunawaa ang sarili kung bakit siya nagkaganoon.
"What's happening to you Captain Aguillar?" dinig niyang tanong ng tauhan. Subalit imbes na sagutin niya ito ay mas minabuti niya ang nagpaalam.
"Excuse me guys and I'm sorry for the little up mess. Tatawag lang ako sa bahay. Just continue your snack," aniya na lamang sa mga ito at bahagyang lumayo sa lamesa kung saan nakahain ang meryenda nila.
Pero halos mabulunan ang mga ito ng narinig ang malakas na boses ng kanilang head.
"ANO?! BAKIT BA SIYA DINALA SA HOSPITAL? KUMUSTA NA SI MAMA?!" malakas niyang tanong. Kaya't halos mabulunan ang mga kasama dahil sa pinaghalong gulat at pag-aalala. Kaya naman ay nagsilapitan pa rin ang mga tauhan.
"Anong nangyari, Boss?"
"Sino ang nasa hospital?"
Sabay nilang tanong sa kaniya nang nakalapit. Subalit itinaas lamang niya ang isang palad dahilan upang muli silang nanahimik.
"Nandito pa naman kami sa *****. Yes, Lolo. Ilang linggo na kami rito kaya't hindi na ako nakauwi sa bahay. Okay, Lolo. Kayo na lang muna ang bahala basta balitaan n'yo po ako. No, huwag po kang mag-alala, Lolo. Hinding-hindi po sumagi sa isip ko ang gumawa ng hakbang laban sa taong walang kalaban-laban. Salamat po. Sige grandpa tawag na lang ulit ako mamayang after work para makibalita. Regards po sa inyong lahat diyan," mga salitang binitawan ni Vince Ethan sa abuelo. Dahil ito rin ang nakasagot sa tawag niya.
Sa pagbaba niya ng kaniyang cellphone ay ang nalulungkot niyang damdamin ay muling nagulat dahil sa style ng mga tauhan. Nakatingin silang lahat sa kaniya na parang naghihintay ng paliwanag. Sabagay hindi niya rin sila masisisi. They are his loyal men and most of all, his family in the battlefield.
"I know what you mean guys at salamat sa moral support ninyong lahat. Ang Mama ko nasa hospital at nasa kritikal na kalagayan," pahayag na lamang niya sa mga kasamahan.
"All we need is to pray for her recovery, Sir. Iyan lang din ang maitutulong namin sa iyo, Sir," aniya ng isa na sinang-ayunan ng lahat.
"Maraming salamat guys." Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ng binata dahil sa suporta ng mga kasamahan. They are really great support to him. They never fail to lend their helping hands specially when it comes to praying.
Ilang sandali pa lamang ay nagsibalikan na silang lahat sa kani-kanilang trabaho. Naudlot lamang ang snack nila but then they continue. Ayaw din naman nilang masibak sa trabaho dahil doon.
Samantala, agad na nagtungo sa chappel ng pagamutan and dalaga nang mnipasok sa emergency ang kaniyang ina. Para sa isang tulad niya na alagad ng simbahan in the near future ay hindi mahirap para sa kaniya ang lumuhod mula sa entrance ng chappel patungo sa mismong harap ng altar habang nagdarasal. Ilang buwan na lamang ay ganap na siyang madre kaya't mas pag-iigihin niya ang pakikipaglapit sa MAYKAPAL.
"Ama sa kailangitan ako po ay nandito ngayon at naninikluhod sa iyong harapan para sa aking pinakamamahal na ina. Lord, I pray Your emotional, physical, and spiritual protection for my mother. Keep evil far from her and help her to trust You as her refuge and strength. I pray that You will guard her mind from harmful instruction and grant her discernment to recognize the truth. I pray for her to learn to forgive and forget the past of her life. I pray You will make her strong and courageous in the presence of danger, recognizing that You have overcome and will set right all injustice and wrong one day.
Heavenly Father I come to you upon today with open arms and faith for my mother. For she is your child whom you love first and has blessed me with the honor to have her as my mother. She needs you Lord. I pray for her strength, faith, discouragement and joy. She loves you father and she needs you right now to touch and hold her. Speak to her build up her where she is weak lord. In your word you said if we ask we shall receive according to your will. I know all things are possible through you and by our faith you will provide. I stand in prayer for my Mom today because she prayed for me when I couldn't pray myself. Thank you Jesus in advance because I know it will be down. I ask all these things in The Father, The Son, and The Holy Spirit I pray. Amen." She prayed wholeheartedly.
Mahina man siguro o mas tamang sabihin na halos bulong na ito pero dinig na dinig niya ang buong panalangin nito. Yes! Sinundan ni Garreth ito dahil sa pag-aalala niya na baka kung ano ang mangyari dito. Again, his emotions is attacking him. Mahal niya ang babaeng nakaluhod sa harapan ng altar. Hindi na lamang ang sarili niya ang kalaban kundi ang Panginoong Diyos. Still, hindi niya mapigilan ang sariling umibig dito.
"Papa susundan ko lang si Chelle. Okey ka lang ba na mag-isa dito?" patanong niyang paalam sa tiyuhin.
"Okay lang ako anak. Don't worry she's a fighter. Kaya huwag kang mag-alala anak. Just follow her I know she'll go to the chapel," tugon ni Cyrus sa pamangkin.
Hindi na siya nag-aksaya ng oras at sinundan niya ito. Mula pa lang sa bungad ng chapel ay nasaksihan na niya ang pagluhod nito at sinabayan nito ng dasal. At sa kaisipang iyon ay kinantiyawan siya ng sariling isip. Aminado naman siyang kahangalan ang unti-unting nabubuo sa isipan niya dahil sa nalalapit nitong pagbabalik sa Vatican City for her ordination. Subalit talagang hindi niya mapigilan ang sarili na ibigin ito.
"Kaya mo ba siyang agawin siya kay Ama?" tuloy ay kantiyaw sa kaniya ng sarili.
Kabaliwan na kung kabaliwan ngunit tumango-tango siya habang nakatingin sa imahe ni Jesus at inilipat sa dalagang nakaluhod. Alam niyang taimtim itong nananalangin.
"Bossing, alam kong napakalaking kasalanan ang kalabanin ka pero puwedi bang ibalato mo na lang siya sa akin? I know I don't have right to ask You like this pero ngayon lang Bossing, please? Kailanman ay hindi ako nakaramdam ng ganito sa ibang babae ngunit tanging si Rochelle Ann ang pumukaw sa puso ko. I love her so much, Bossing. So please forgive me and grant my wishes," out of the blue ay bulong niya habang nakatingin sa harapan kung saan nakaluhod ang dalagang taimtim na nagdarasal. Without knowing that someone heard what he says.
Pero ang hindi niya alam ay dinig na dinig ito ng nasa likuran niya dahilan para mapailing ito habang nakatingin din sa kaniya. Mga tinging nababahala dahil sa makamundong pagmamahal sa magmamadre.
Nakahinga silang lahat ng maluwag ng ideklara ng doctor ang kaligtasan ni Weng. They praised and rejoiced all to Him. For all they know that He saved her.
"Ikaw ba ang kamag-anak ng pasyente?" tanong ng doctor kay Cyrus na hindi umalis sa harapan ng emergency room kung saan nila ipinasok ang asawa.
"Yes, doctor. Kumusta ang asawa ko?" agad namang sagot at tanong ni Cyrus.
"She's a fighter indeed, Mr Aguillar. Because the bullet hits besides her chest and we know how dangerous it is to be hit there. But she managed to survived. Well, any moment from now ay ililipat na siya ng mga nurses sa private room which she will use. I'm going, Mr Aguillar. May iba pa akong pasyente." Tinapik-tapik ng doctor ang balikat niya.
"Maraming salamat , doctor," masayang sagot ni Cyrus. Ngunit hindi na sumagot ang manggagamot bagkus ay tumango-tango na lamang ito.
Hindi nga naglipat minuto ay dumating ang dalawang unipormadong female nurses para ilipat ang pasyente.
"Miss nurse, puwedi bang makisuyo muna ako sa inyo? Just wait for me here for a while tawagin ko lang ang anak ko sa chappel bago natin ilipat si misis sa ibang room." Pakiusap ni Cyrus sa dalawang nurses.
"Sige po, Sir. Wala po namang problema. Sige lang po wait ka namin dito and besides we still need to disconnect all para sa kaniyang paglipat. Anyway what's your name, Sir?" magalang na sagot at tanong ng isang nurse.
"Ace Cyrus Aguillar, Miss and my wife name is Rowena Aguillar. How about you ladies?" balik-tanong niya.
"Ako po si Annie at siya naman po si Gracie" magalang na tugon ni Annie saka itinuro ang kasama.
"Okay guys and thank you. Pakihintay lang ako saglit total malapit lang naman ang chappel dito sa emergency," tugon niya at may pagmamadaling nagtungo sa chappel.
Nasa pasilyo pa lamang siya pero tanaw na tanaw na niya ang anak o ang anak sa pagkadalaga ng asawa ngunit itinuring na rin niyang tunay na anak. Kitang-kita niya ito na nakaluhod sa harap ng altar na nakataas ang mga palad at nakatingala ito sa imahe ni Jesus.
Tahimik siyang lumapit sa binatang nasa pintuan na sadyang hinihintay na matapos ang dalaga na magdasal. Pero hindi niya inassahan ang kaniyang narinig mula dito. Aware silang lahat sa damdamin nito para sa dalaga ngunit ang marinig mismo mula sa labi nito ang mga katagang iyon ay iba sa damdamin.
"Bossing, puweding ibalato mo na lang siya sa akin? I know I don't a have right to ask you like this pero ngayon lang, Bossing, please?" dinig niyang bulong nito kaya naman ay natigilan siya.
"Diyos ko tulungan mo po silang pareho para malabanan ang lahat ng pagsubok habang nandito sa labas ng Vatican ang anak ko," piping sambit niya.
Ayaw pa sana niyang ipaalam ang kaniyang presinsiya dahil ayaw niyang isipin nito na narinig niya ang binitawang salita at higit sa lahat ay ayaw niya itong mapahiya. Pero ng maalala ang asawa na nasa emergency room ay hindi na siya nag-atubling tinapik ito sa balikat.
"Garrette anak, ligtas na sa kapahamakan ang Tita mo. Tara na sa emergency para mailipat na siya sa kanyang room," aniya.
"Thank you, Lord. Mabuti naman po kung ganoon. Wait lang---"
Hindi na natapos ni Garrette ang sinasabi o ang pagsasabi sana na sabihin kay Chelle ang balita. Hindi na niya ito nasabi dahil parang may pakpak itong tumayo at nag-about face at agad na yumakap ama nakalakhang ama.
"God is good, Papa. Hindi niya ako binigo. I asked Him to cure Mama and thanks to Him he did it. I'm so sorry Papa sa ginawa kung pagdala kay Papa Rafael sa bahay. I'm so sorry po," sensero nitong paghingi ng paumanhin. Patunay lamang na hindi ito magkandatuto sa pagsasalita.
"No, Iha. You don't have nothing to be sorry. Siguro nga nagkasala ang Papa Rafael mo sa Mama mo pero ginawa mo lang din ang tama anak. Dahil nitong mga nakaraang araw ay naging balisa rin siya. Nagpaparamdam daw sa kanya ang nakaraan which ang Papa mo pala ito. Tama lang anak na dinala mo siya sa bahay upang magkapatawaran na silang pareho. Dahil hindi ako sanay na nalulungkot ang Mama mo and besides it's been more than three decades since then. Stop blaming yourself anak saka ligtas na sa kapahamakan ang Mama mo kaya't tara na sa emergency dahil mga nurses ang naiwan doon." Hinaplos-haplos ni Cyrus ang likod ng dalaga. She's not his blood and flesh pero itinuring niya itong galing sa kaniya.
Para namang hinaplos ang puso ng binata sa nasaksihan hindi dahil sa ligtas na ang tiyahin niya kundi sa pagmamahal at respeto mayroon ang dalawa na kung tutuusin ay hindi naman sila magkadugo. Ang huling kasong hinawakan niya bago napasakamay ang kaso ng ama ni Chelle ay ang paggahasa ng ama sa anak ng asawa sa naunang asawa.
Pero bago pa lumipad pauwi ng Baguio ang isipan niya ay tinapik na siya ng kaniyang tiyuhin.
"Tara na anak sa emergency pa ang tiyahin mo. At mukhang natutulala ka na saganda ng pinsan mo ah." Biro pa nito halos ikinaubo niya.
Hindi na lamang siya umimik dahil nasa awkward place sila. Pero sa isipan niya gustong-gusto niyang aminin dito na mahal na niya ito not as family but a woman to be love for the rest of his life. Ilang sandali pa ay sabay-sabay na silang nagtungo sa emergency room kung saan naroon ang pasyente na ililipat sa private room.
ITUTULOY