Sa ikalawang pagkakataon ay nakaranas ng pagkatakot ang dalagang si Rochelle Ann. Noong una ang Papa niya ang kukidnap kuno sa kaniya and this time ay ang taong hindi niya makita ang mukha. Pagkakuha sa kaniya ng hindi niya kilalang tao sa loob ng sasakyan niya pauwing Nueva Ecija ay wala na siyang matandaan. Ang pasasalamat lamang niya ay hindi siya sinasaktan o kahit ano man na pambabastos. Naalimpungatan nga lamang siya sa pag-uusap nila. "Diyan n'yo siya ikulong pansamantala habang hinihintay natin ang order ni Boss," dinig niyang wika ng isa. Wala siyang makita kahit ano dahil nakatakip ang kaniyang mga mata. Naramdaman lamang niya na tumigil sila at inalalayan siyang makababa sa sasakyan. Kahit ang pagbaba niya ay ramdam na ramdam niya ang pag-iingat nila. Nagpapasalamat siya dahil