Makaraan ng ilang buwan o mas tamang sabihing dalawang buwan simula kusang sumuko si Attorney Carpio ay handa na rin silang dakpin at huliin ang lahat ng nasa blue book. Gusto rin naman nilang mabuhay ng matiwasay. Ang walang inaalala, kaya't tulong-tulong silang lahat para sa ikauunlad ng kaso. Isang araw, naisipang kausapin ni General De Luna ang binatang abogado na si Garrette. Malapit naman kasi siya sa pamilya nito kaya't hindi na iba ang turing niya rito. Idagdag pa na pamangkin ito ng isa sa mga best friend niya. At higit sa lahat ay ito ang abogado ng kampo. "Anak, be professional. Hindi sa pakikialam ngunit payong magulang mo ay huwag mo munang ihalo ang personal mong damdamin sa trabaho. To tell you, Garrette Iho, this is a big break for you. Ang lipulin sila ang mga superio