Isang gabi na naman ang lumipas na wala si Bella. Mag-isa sa kaniyang silid ay panibagong gabi na naman na hindi siya makatulog at walang magawa kundi ang maiyak dahil sa kanyang pagka-giliw at pag-aalala sa kaniyang anak. Nakayakap siya sa sarili niya habang nakaupo sa kama. Mahinang umiiyak habang iniisip ang kaniyang anak. Hindi madali ang kaniyang pinagdadaanan ngayon, subalit kailangan niya pang mas tatagan ang kaniyang loob. Iniisip niya kung ano pa ang maari niyang gawin, maliban sa pakikipagtulungan sa N.A.M.G dahil bukod doon ay parang malabo na asahan niya lang ang mga grupo sa Polaris. Marami pa rin ang naghahanap kay Ace dahil sa kaniyang pabuya. Maraming sindikato sa Polaris ang nagsagawa ng paghahanap rin kay Ace, kapalit ng katungkulan bilang bagong mamumuno sa Polaris. G