"Answer me what are you doing here!" Hinawakan niya ang magkabilang braso ko ng mahigpit. Napaurong ang dila ko at napapikit ako sa labis na sakit. Tiyak na magkakapasa ako neto sa lakas ng kanyang pagkakakapit sakin. Tumawa muli ang babae. Hindi ko na alam ang gagawin ko at halos mawalan na ako ng lakas sa ginagawa ni David. "Bakit hindi mo sabihin sakanya ang totoo David? Ang totoo na masahod kapa sa demonyo at ganito rin ang sasapitin niya sa mga kamay mo kapag nag sawa kana." Sabi nito. "Shut the f**k up! I'm not talking to you!" Sigaw nito sa babae. "Bakit natatakot ka bang malaman ang sekreto mo? Walang magmamahal sayo David! Walang mag mamahal ng totoo sayo at lahat ng babaeng mapapaibig mo ay mamamatay lang!" Sabi nito. "f**k! I said shut your mouth you witch!" Sigaw ni Da