Kaagad din akong humiwalay ng halik ng matauhan ako. Siya nama'y parang natuod na at hindi makagalaw. Napalunok ako, bakas parin ang pagkagulat sa mga mata niya. Ang seryoso niyang mga mata na hindi mo makikitaan ng kahit anong emosiyon ay biglang nag bago na para bang nag liwanag, nagkaron ng buhay na hindi ko maintindihan. "S-sorry." Nasabi ko nalang. Gusto ko ng kainin ng lupa dahil sa labis na hiya na nadarama ko. Siya nama'y kaagad ding bumalik sa ulirat at hinatak ako. Nanlaki nanaman ang mga mata ko sa pagkagulat ng hawakan niya ang magkabilang mukha ko at siniil ng halik. Sa unang pagkakatao'y nakita kong ipinikit niya ang kanyang mga mata, na para bang dinadamdam ang bawat sandali. Hindi na ako makahinga. Hinahalikan niya talaga ako. Totoo ba to? Hindi naman siguro panaginip to