Chapter 9 Aki's POV "Sus! Epal," narinig kong bulong ni Tachi. "Ang dami pang bakanteng upuan doon tapos makikisiksik ka rito!" medyo malakas niyang parinig dito. "Ay, nako, Muring, huwag ako!" Ako tuloy ang nahiya. Mukha naman kasing mabait si Muring. Ang amo kasi ng mukha. "Hindi naman kasi Muring ang pangalan ko, Tachi, Ara!" nakangiting pagtatama niya rito. "Nagsisidatingan na rin kasi ang ibang mga estudyante e..." "Eh di, unahan mo sila. Ang daming arte nito," mahinang bulong naman ni Hachi. "You can sit beside me, Ara," biglang alok ni Murfin sa kaniya. Umusog kaunti si Murfin sa tabi ko para may maupuan siya. Nakangiting pinunasan pa niya ang uupuan nito. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero kaunting galaw ko na lang ay malalaglag na ako rito sa kinauupuan ko. Medyo madulas