Ashton's 4 years later... "Ano to? Kailan ka pa nagsimulang uminom nito? Seriously, Adriana?!" I stared at her unbelievably. Ang buong akala ko kaya hindi siya nabubuntis ay dahil sa sakit niya noon. The doctor said maliit lang daw ang tsansang mabuntis siya dahil sa epekto ng colonoscopy na isinasagawa sa kanya yearly to monitor her condition. "E-eh... Ka-kabibili ko pa lang naman niyan ka-kaninang umaga. H-hindi ko pa naman n-naiinom." My jaw tightened. Tinapon ko sa kung saang direksyon ang botelyang may lamang pills. "So kung hindi ko pa 'yon nakita, iinumin mo? God! Anong gusto mong mangyari, Adrianna?!" "E-e-eh..." Kung sa ibang pagkakataon lang siguro nayakap ko na siya. Para siyang bata na naghahanap ng palusot. And it frustrates me. Ayaw niya bang mabuntis? "God! Mag-asawa