Ashton's Day 1 Sana hindi magagalit si Bessy 'pag madiskubre na niyang tumakas ako ng hospital. Batid kong hindi niya ako papayagan kung magpapaalam pa ako sa kanya. Naaawa at nahihiya na ako sa kanya. Alam ko namang nahihirapan na siyang alagaan ako. Masakit man, pero kailangan kong tanggapin ang kapalaran ko. And this time, I have to make things right, at humingi ng tawad sa taong nasaktan ko ng lubos. Naglakas loob akong puntahan sa opisina niya si Benedict. Humingi ako ng tawad ngunit hindi niya ako pinakinggan. Naiintindihan ko naman siya, sa laki ba naman ng kasalanan ko sa kanya. Masaya ako dahil tinanggap pa rin niya ako at pinayagang makasama siya sa iisang bubong kahit isang buwan lang. Kontento na akong masilayan siya araw-araw kahit katulong lang ako sa kanyang mansyon. Nara