4

1120 Words
                                                                        CHAPTER FOUR                                                                                                                                       HER "No! It's a big no Lucienne. You don't have to do that." I sigh. Nakakainis na. Bakit ba ayaw nya ko'ng payagan? Naman! "Auntie. Please. Ngayon lang ako humiling."  "No. Bakit ba kailangan mo pa mag apartment? Eh, ang laki laki naman nitong bahay ah, and besides, gusto kitang kasama dito, parang anak na ang turing ko sayo, wala naman rason para mag apartment ka, so wag na, please wag na." She said firmly and crossed her arms.  Napapikit nalang ako. Ang hirap nyang pumayag, konting pilit pa Helena. Makukuha mo din ang kiliti nyan para pumayag.  Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya, Hindi ako kailanman nagpakita ng emosyon simula nung nabubuhay pa si tanda. Tanging si Kyle at Auntie lang ang nakakakita ng ganito. "Auntie, please. Let me do this. I know that you're just caring about me, pero gusto 'ko na maging independent, ayokong umasa nalang sayo habang buhay." Mahinahon ko'ng sabi, but still, kita parin sa mukha nya na ayaw nya.  "Hindi ka naman umaasa sakin. I'm doing this kasi parang Mama mo narin ako. This is my responsibility. I know hindi 'ko mapapalitan ang Mommy mo, i know what you feel sweetie. I grew up without a mother beside me, kaya you can't blame me." "Auntie. I know, but my decision is final."  "But Lucienne." She looked at me then sighed. "Fine." Lumawak naman agad ang ngiti ko ng marinig 'ko yon.  Yes! After of two weeks ng pagpilit 'ko sa kanya, finally pumayag na sya!  "Thankyou Auntie!" I said and hugged her.  "Teka. Kelan ka lilipat?" Napangisi ako sa sinabi nya.  Tumingin ako sakanya atska ngumiti ng wagas. "Bukas!"  Nanlaki bigla ang mata nya,kaya tumakbo na 'ko papunta sa kwarto 'ko. Alam 'ko na yan. I'm expecting that reaction actually. Kasabay ng pag sarado ko ng pinto ang pagtawa 'ko dahil sa sigaw nya.  "Lucienneeeeeeee!"        ---- "Lucienne, bakit naman ngayon na agad ang alis? Pwede naman next week diba?" I chuckled. I know, ayaw nya talaga 'ko paalisin.  "Kasi auntie, baka magbago ang isip mo." I said while laughing and packing my stuffs.  "Hay na'ko. Bata ka talaga. Just be sure to be safe there. Okay?" I nod.  She suddenly hug me. "Be safe. Even, i'm not your real mother, i still care and love you as if i am."  Niyakap 'ko din sya ng mas mahigpit. I will surely miss this hug.      ---- "Dito ang kwarto, dun sa kaliwa ang banyo, yung dirty kitchen sa kanan. Kung may kaylangan ka puntahan mo lang ako, sa 5th floor ako yung dulong pinto don. Eto ang susi ng apartment mo. Sa susunod na katapusan ako ulit maninigil ng renta. May tubig na yung banyo at lababo."  I nod. "Sige po." I said emotionless.  "Sige. Alis na ko." Tumango lang ako nilock ang pinto pag alis nya. Hayy!  Pumasok ako sa kwarto at inayos ang gamit ko sa maliit na cabinet. Okay naman tong nalipatan ko. Malapit sa school, supermarket, palengke, at iba pang mga establishments. Hindi na 'ko mahihirapan. Madali akong makakapag ipon kung ganito ang set up.  Pagkatapos ko'ng ayusin ang mga gamit 'ko, naligo ako at nagbihis. Ngayon na siguro 'ko bibili ng mga kaylangan ko. I wore white pants and blue shirt nag sandals nalang ako at inipit ang buhok 'ko.  Kasabay ng paglabas 'ko sa pinto ay ang paglabas din ng isang lalaki.  He has a blond hair, fair complexion, siguro mga nasa 6 ft sya. Tangkad men. But he's kinda weird. Nagkibit balikat nalang ako at pinagpatuloy ang pag lo-lock ng pinto.  "Hi. You must be one of my new neighbor?" Napatigil ako at napatingin ako sakanya.  He's smiling differently.  Quite familiar and comfortable.  Ewan 'ko ba, baka imagination 'ko lang yon.  Tumango ako at nagsimula nang maglakad, sumabay naman sya. Hindi 'ko nalang sya pinansin, siguro lalabas din sya. Isa lang kasi ang exit nitong mga apartments. May isang elevator pero kung ayaw mo mag elevator, may dalawang stairs naman papunta sa ground floor.  "Hey." Nakakainis pa sya, sumasabay na nga ang daldal pa. "Hey. Missy." Lakad lang Helena. Don't mind him. Just walk. "I said hey." Napatigil ako sa paglalakad ng hawakan nya 'ko sa braso.  Matalim 'ko syang tinignan. "Don't fvckin Touch me." Mukhang nagulat naman sya at binitawan ako, pero ngumiti pa din sya.  "I'm Jacob." He said.  Tinaasan ko naman sya ng kilay. "So? Am I asking? Halata ba na hindi ako interesado?"  Pero imbis na mainis sya sa sinabi ko, lalo pa syang ngumiti at inextend ang right hand nya. "And you are?"  Bwisit to! Nagugutom na ko e! "You don't have to know." Yun lang at naglakad na ko. Buti nalang at di na sya sumunod, kung hindi, sasapakin ko na talaga sya. Pake 'ko kung Jacob ang pangalan nya? Tinatanong 'ko ba? Yayaman ba 'ko don? Hindi naman diba? So manahimik sya. Nakaka imbyerna.  Pinakalma 'ko nalang ang sarili 'ko at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa Supermarket.       ----- "Kapagod!" Agad ako'ng umupo sa sofa pagdating na pagdating ko sa apartment. Grabe! Mag aalas'otso na ko nakauwi. Pero ang saya non. First time ko makapamasyal ng ganon. Yung lahat ng gusto ko nagawa ko. Sobrang saya pala ng pakiramdam ng malaya. Malaya sa problema at lahat ng iniisip.  Pagkatapos ko'ng magpahinga,naligo na ko ulit at nagpalit ng damit, tska dumiretso sa kusina para magluto ng kakainin ko ngayo'ng gabi. Medjo nagugutom na kasi ako. After less than an hour, natapos din ako. Adobo nalang niluto 'ko. Favorite ko kasi to e. Naghain na ko at umupo. Pero napatigil ako ng may maalala 'ko. Hayy nako.  Lucienne. Go na.  Ayoko! Di 'ko gagawin yon!  Kaya ba ng konsensya mo? Tsk. Tsk.  E-eh, bakit ba? Anong pakielam 'ko?  Sus. Sige na kasi.  Nakakainis ang inner self 'ko. Dapat ako nag papasunod sa kanya e. Pero baliktad yata ang nangyayari. Tumayo na 'ko kahit ayoko.  Kumatok ako sa isang pinto. Wala pa'ng ilang minuto, narinig 'ko na sya.  "Sandali!" I sigh. Paghintayin ba naman ako?  Bumukas naman ang pinto at tumambad ang isang lalaki--na naka apron at may hawak na sandok.  "Uh. Hello neighbor." Naiilang syang ngumiti at napakamot sa batok. "Nag luluto kasi ako eh." Tumingin sya sa relo na suot nya. "Isang oras na ko nag tatry magluto. Kaso laging palpak." I mentally laughed. "Ano pala ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?" Nakangiti parin nyang tanong.  Tinignan 'ko lang sya. "Tara."  Kumunot naman ang noo nya sa sinabi 'ko. "Tara saan?"  "Sa bahay." Sabi 'ko at tumalikod na. Pero napatigil ako ng maramdaman ko na hindi sya sumusunod. "Ano ba? Sinasayang mo oras 'ko." Mukhang nagulat naman sya at agad na sumunod. Parang ewan to'ng lalaki na to. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD