HINDI maalis-alis ni Seth ang kaniyang mga mata sa dancer ng nightclub habang nagpo-pole dancing ito sa taas ng stage. Tila nabuhay lahat ang kaniyang muscles sa katawan. Lalo na sa kaniyang ibaba. The woman has the power to awake the lust in him. Binubuhay nito ang pananabik niya sa tawag ng laman na matagal-tagal na rin niyang iniwasan. He'd quit having s*x to his women since he left New York. Nagbagong buhay siya rito sa Pilipinas, though he did not plan to start a new life. Ngunit alang-alang kay Devine, pinilit niyang kinalimutan ang kaniyang masasamang bisyo.
Kinailangan niyang baguhin ang ilang dating kinagawian para sa nakababatang kapatid.
Pinilit niyang iwinaksi sa kaniyang isipan ang iba pang detalye tungkol kay Devine. Ayaw niyang sumama ang pakiramdam at masayang ang masayang gabi dahil sa alaala ng nakaraan. Bagamat hindi niya makalimutan ang taong kaniyang isinumpang pagbabayarin, naisip niyang hindi dapat sa lahat ng oras ay kaniyang isipin. Hindi naman siya pumapalya sa pag-iimbestiga para matagpuan na ang taong 'yon.
Ngunit kahit ngayon lang, gusto niyang makalimutan ang sitwasyon na kaniyang kinakaharap.
Ilang taon na rin ang lumipas simula nang kalimutan niya ang kaniyang sariling buhay at ituon ang pansin sa paghahanap at paghihiganti sa isang taong nagkasala sa kaniya. Ang taong responsable sa pagkasira ng buhay ni Devine.
Ipinilig niya ang ulo at pilit itinuon ang pansin sa entablado.
Halos maglaway ang lahat ng mga lalaki nang bumaba ang babaeng dancer mula sa stage. Marahan itong naglakad habang sumayaw at umiindak sa malamyos na tugtugin patungo sa direksiyon ng isang lamesang nasa bandang gilid ng club.
Natigilan si Seth nang masilayan niya nang malapitan ang babaeng responsable ng pagkabuhay ng kaniyang p*********i. He was curious with this woman. Hindi pa niya nasilayan ni minsan ang mukha nito dahil sa lagi itong nakasuot ng maskara pag-akyat sa entablado para sumayaw. He did try to ask the manager para mai-table ito at mailabas pero ayaw daw ni Mariposa. At duda siya kung ito nga ang tunay na pangalan.
Akma siyang tatayo nang marahan siya nitong pigilan sa isang braso. Mas nalantad ngayon sa kaniya ang perpektong kurba ng katawan nito. Makinis at maputi ang malaporselanang kutis ng pole dancer. Mas lalo tuloy siyang nag-init at mas lalong nanikip ang harapan ng kaniyang pantalon.
She touched his handsome face and draw a line in his lower lip with her fingertip, bago pumulupot ang isang braso nito sa kaniyang leeg. Naramdaman niya ang malambot at maumbok nitong dibdib sa kaniyang batok. Tila hindi kayang itago ng maliit na pirasong saplot ang kalambutan ng dalawang bundok na may katamtamang tayog doon. Damn! Baka kung ano pa ang magawa nito sa babae kapag hindi pa ito lumayo sa table niya. Lalong nagwala at nagsikip ang kaniyang kahandaan.
Ngunit tila balak naman siya nitong asarin at lalong pagdusahin sa paninigas dahil mula sa kaniyang likod ay pinadausdos nito ang isa nitong kamay mula sa kaniyang dibdib, pababa sa tiyan bago nito hinawakan ang bakal ng kaniyang sinturon.
He groan.
She gave him a wicked smile.
"Damn you, woman. Retreat now or I will f**k you right on this table, in front of all these perverts!"
Mahina pero mariin at halos maubusan si Seth ng hininga dahil sa matinding pagtitimpi.
Hindi nagsalita ang babae. Saglit niyang pinagtagal ang kamay nito sa kaniyang sinturon. "You're a nice guy." Bulong nito sa kaniyang punong tainga bago muling pinadausdos ang kamay nito pataas sa kaniyang matipunong dibdib.
Matapos ay humarap ito sa kaniya. She gave him a sweet, innocent smile—ngiting tila nagpapasalamat. For what? He wasn't sure. Natapos na rin ang tugtog. Ngunit bago ito tumalikod at umalis ay inulit nito ang sinabi kanina.
“Tsk! Nice guy?” Gusto niyang matawa sa sinabi ng dancer. He doesn't deserved that word in-terms of treating a woman. Lalo na kapag ang trabaho ng isang babae ay katulad ng mga babaeng nasa loob ng nightclub na ito.
HINDI MAALIS SA ISIP ni Aleli ang lalaking kaniyang sinayawan kanina. Hindi niya inasahang ito ang magbabanta para layuan niya ito. Ang hindi alam ng lalaki ay usapan lang nila ng manager ng club na subukan ang p*********i nito sa pamamagitan ng pagsayaw niya sa mismong harapan ng lalaki.
Gusto niyang matawa kay Courtney dahil sa pinagawa sa kaniya. Una ay hindi niya alam kung ano'ng pumasok sa isip ng kaibigan at naisipan nitong paglaruan ang isang customer nila.
Mukhang mayaman ito, pero kahit bayaran pa siya ng malaki para mai-table at mailabas ay inaayawan niya. Hanggang pagsasayaw lang ang trabaho niya sa Dark Butterfly, ang nightclub na pinangangasiwaan na ng kaniyang kaibigang si Courtney. Ayaw sana ni Courtney na magtrabaho siya bilang dancer tuwing gabi sa club, pero nagpumilit siya. Gusto niyang suklian kahit sa maliit na paraan lamang ang kabutihan ng kaibigan sa kaniya. Hindi sa pagmamayabang, pero mas dinagsa ang club ng kaibigan nang pumasok siyang pole dancer doon.
Muntikan nang magsara ang Dark Butterfly noon dahil sa kokonti na ang mga customer na pumupunta roon. Unti-unti nang lumulubog ang negosyo ng kaniyang kaibigan noon. Hindi pa gano'n kabihasa noon si Courtney sa pagpapatakbo ng club dahil sa biglaang pagkamatay ng tiyahin nito na siyang tunay na may-ari at nangangasiwa sa club.
Si Courtney ang naging sandigan niya nang wala na siyang ibang taong makapitan at mahingan ng tulong. Hindi siya hinusgahan ni Courtney tulad ng panghuhusga sa kaniya ng mga kamag-anak niya. Sinisi siya ng lahat ng kaniyang mga kamag-anak sa pagkamatay ng kaniyang ina. Sa kabila ng kalagayan ay umalis siya sa kanilang lugar ay napadpad sa lugar ng kaibigan.
Labis ang pasasalamat niya dahil natagpuan niya ang katulad ni Courtney.
"Hey! What's up?" Nakangiting salubong sa kaniya ni Courtney pagpasok niya sa loob ng staff room.
Nagkibit balikat siya at dumeretso sa wardrobe. "Binantaan niya akong tumigil kundi..."
Hindi na niya itinuloy ang huling salita. Gusto niyang matawa nang maalala ang reaksiyon ng lalaki kanina. He was tormented.
"Kundi, ano?" Courtney snapped. Halatang atat na atat sa report niya tungkol sa customer na sinayawan niya.
"Oh, Courtney. Kilala mo naman ang mga lalaki." Kinuha ang isang mini dress mula sa wardrobe at tinungo ang change room.
"Pervert! At hindi ako nagkamali ng hinala sa ungas na iyon. Freak, pervert, arrogant—"
“I guess he’s not, Courtney. He was a nice,” kontra niya.
Kahit hindi niya makita ang reaksiyon ni Courtney, alam niyang umismid na naman ito. Ganoon naman ito lagi pagdating sa lalaking iyon.
"Bakit ba ang bigat ng dugo mo sa kaniya?" Hindi niya napigilang itanong. Tapos na siya sa pagbibihis at mabilis na binalikan si Courtney na nakapamaywang na sumalubong sa kaniya.
"Aleli, sinasabi ko na sa iyo. Baliw ang lalaking iyon. Alam kong hindi tamang manghusga pero ramdam kong may masamang binabalak iyon."
"Kanino? Sa iyo? Courtney, baka mali lang ang impression mo sa kaniya. Pakiramdam ko naman ay mabait siya. Kung katulad siya ng ibang mga customer natin, maybe binastos na niya ako kanina.” Ngumiti pa si Aleli para maniwala si Courtney. "Kung nagsisinungaling ako, baka hindi ako makangiti ngayon sa harap mo. Alam mo namang ayaw na ayaw kong nagpapahawak sa mga customer natin. Dancing is enough to satisfy them."
Napalabi si Courtney. Kahit pa ano'ng magagandang salita ang ikabit ni Aleli sa likod ng lalaking iyon, hindi pa rin maiwaksi sa isipan niya ang hinala. "Seth Alejandre Villareal, Sino ka bang talaga?" bulong ni Courtney.
Nailing na lamang si Aleli bago nagpaalam kay Courtney na mauuna nang umuwi. Jex might be sleeping right now, kasama si Tess.
"I gotta go, Courtney, twelve midnight na. May aasikasuhin pa ako bukas nang maaga sa flowershop."
"Okay. Ako nang bahala dito. Ingat. Kiss Clinton Jex for me."
"Sure. Take care." Si Aleli, sabay halik sa pisngi ng kaibigan at naglakad nang palabas ng staff room.
NAKAILANG busina na si Seth sa itim na kotseng nakaharang sa tapat ng gate ng Villareal's Mansion, ngunit tila bingi ang driver ng sasakyan at ayaw nitong umalis o tumabi man lang para sana'y makapasok siya sa gate.
"What the f**k!" pikon na mura ni Seth at mabilis nang bumaba ng kaniyang kotse at galaiting tinungo ang itim na kotse para komprontahin ang driver nito.
"Hey! Open, bastard!"
Halos mabasag na ang tinted glass ng wind shield ng kotse sa lakas ng pagkalampag niya rito. Matitikman ng hinayupak na driver ang kamao niya kapag pinabuksan siya. Tamang-tama at bad mood siya ngayon dahil sa ibinalita ng kaniyang secret agent. Ang galit na nakalaan kay Margo ay ibubuhos niya ngayon sa tarantadong nasa loob ng itim na kotse.
Ngunit gayon na lamang ang pagkagulat niya nang bumaba ang wind shield ng itim na kotse. Biglang nalusaw ang galit niya nang makita kung sino ang nasa loob n'yon.
"Mukhang masama yata ang timing ko." Nakalolokonng ngiti ng lalaki ang bumungad sa galit niya.
"Clark?!" bulalas ni Seth nang makita ang kaibigan. "Damn! When did you arrive?"
"Yesterday. Mukhang mainit ang ulo mo. Tungkol na naman ba kay Margo?" Si Clark na agad bumaba mula sa kotse at nakipagyakapan sa kaibigan.
"Oh, that b***h! Lagi nang sumasakit ang ulo ko sa kahahanap sa kaniya." Bakas ang galit sa mga mata ni Seth ng bigkasin ang pangalan ni Margo.
" Take time, buddy. Mahahanap mo din iyon. Anyway, how is the prosecutor?" Nakangiting si Clark.
"Great! At masaya ako sa pinili kong profession. Ikaw, kumusta ang New York?"
"Mabuti naman. Kaya lang naging boring na ako doon nang wala ka na."
"But Dominique is a good company. Kumusta na pala siya?"
Bumuntong hininga si Clark. Bakas ang kalungkutan sa mukha nito. "She's quite fine. As usual busy siya sa kaniyang career."
"Well, baka sinusulit lang niya ang magtrabaho sa ngayon, dahil kapag kasal na kayo ay baka makulong na lang siya sa bahay." Ramdam ni Seth na may dinaramdam ang kaibigan niya sa fiancee nitong si Dominique.
"Siguro," sabay kibit ng balikat. "Kumusta na si Devine?"
Mukhang ayaw nitong pag-usapan nila ang buhay pag-ibig nito.
"She's doing good now. Hindi na tulad ng dati, tulala at hindi makausap."
"I'll pay her a visit some other time."
"Tara sa loob ng bahay at doon magkuwentuhan. Marami akong gustong ikuwento sa iyo, buddy."
Masayang aya ni Seth kay Clark sabay tapik sa balikat ng kaibigan.
“JEX, HINTAYIN mo na lang muna ako dito, ha. Pupunta lang ako sa washroom,” bilin nito sa inaanak.
Kasalukuyan silang kumakain sa McDo ni Jex, ang limang taong gulang na anak ng kaniyang kaibigang si Aleli.
Hihintayin na lang sana niya ang bata hanggang sa matapos nitong kainin ang spaghetti nito, pero hindi na niya mapigilan pa ang biglang pagtawag sa kaniya ng kalikasan. Kapapasok lang nila sa loob ng McDo nang mag-umpisang sumakit ang kaniyang tiyan. Hindi na siya umurong pa nai-treat si Clinton Jex dahil nandoro'n na sila sa loob. Naisip na lamang niyang bilisan ang pagkain at umuwi na agad. Kahit plano sana niyang ipasiyal pa si Clint. Ngunit kauubos pa lamang niya ng kaniyang in-order na pagkain ay hindi na niya ay umatake na naman ang kaniyang tiyan at ngayo'y hindi na basta sakit lang ng tiyan iyon. Kaya't agad na siyang tumakbo patungo sa washroom.
Sinundan na lang ng tingin ni Clint si Courtney matapos tumango pagkatapos sabihin ang bilin nito.
Nagtagal din ng ilang minuto si Courtney sa loob ng cubicle bago muling humupa ang sakit ng kaniyang tiyan. Agad niyang inayos ang kaniyang sarili bago lumabas ng washroom at binalikan si Clint.
Patungo na siya sa kanilang ukopadong mesa nang mapansin niyang mabilis na tumayo si Clinton Jex at tinungo ang exit ng establisimento.
"Oh s**t! Where is he going?" Mabilis niyang hinabol abg bata.
Mabilis na nakalabas ang bata at dere-deretso ito hanggang sa gilid ng daan. Kinabahan si Courtney sa pag-aakalang tatawid ang bata, kaya't malakas niyang tinawag ang pangalan nito.
"Clint!" Ito ang palayaw sa kaniya ng bata. Dahil ayon kay Aleli, ito ang first name ng ama ng bata. Nasabi rin nito na kamukha ng bata ang dating katipan ng kaibigan. Kaya naman naisip niyang tawagin itong ‘Clint’.
Hindi siya nito nilingon, pero tumigil naman ito sa paglakad. "Oh, God!" Napahawak siya sa kaniyang dibdib at mabilis na humakbang para puntahan si Clint, pero nakadalawang hakbang pa lamang siya nang bigla siyang bumangga sa matigas na braso ng isang lalaki.
"Ouch!" angil niya habang sapo niya ang nasaktang ilong.
"Oh, I'm sorry, Miss," ani ng lalaking nakabangga niya at mabilis namang umalalay sa kaniya.
Magsasalita sana si Courtney nang balingan ang lalaki nang marinig ang boses ni Clint.
"Ninang," tawag ni Clint ang umagaw sa atensiyon ng dalawa. Babalik na sana ito sa loob ng McDo matapos maibigay ang sampung piso sa isang batang namamalimos sa gilid ng daan nang makita niya ang kaniyang ninang Courtney.
"Clint!" si Courtney na agad na bumaling sa bata.
Biglang napakunot-noo ang lalaking nakabunggo ni Courtney nang makita ang batang tinawag ng babae na CLINT. May eksenang nagpakita sa kaniyang balintataw nang masilayan ang mukha ng bata. Biglang sumakit na naman ang kaniyang ulo dahil sa matinding pag-iisip nang hindi niya maintindihan kung ano'ng pangyayari ang biglang bumalik sa kaniyamg alaala. Kung naging bahagi ito ng kaniyang buhay ay bakit hindi niya maalala? What happened in the past?
This question remain unanswered dahil pati ang pamilya niya ay walang alam sa nangyari. Gustuhinan man niyang maalala kung sino ang kamukha ng batang nasa harapan niya ngayon at ang pangalan na matagal na niyang itinatanong sa sarili kung sino at ano ang kaugnayan niya sa taong nagngangalang CLINT na laging laman ng kaniyang mga panaginip ay hindi niya maalala. Hindi niya kayang bigyan ng kalinawan at kasagutan ang mga bagay na matagal nang bumabagabag sa kaniya.
Lahat ng mga taong kilala niya, pakiramdam niya'y may inililihim sa kaniya. Bumalik siya sa Pilipinas para alamin ang tunay na nangyari sa kaniya at nang masagot ang katanungang gumugulo sa kaniyang isip.
Sino siyang talaga?
Sino talaga si CLARK RAFERTY HERRERA?
Ito ang pangalan niya nang magising mula sa mahabang pagkakatulog ngunit bakit parang may mali. Lalo na kapag naririnig niya ang pangalang CLINT. The faces in his dreams. The two young boys, and the rest. The rest was merely shadows, blurred images. But those strange things puzzles him a lot. And sometimes they're hurting, haunting him. And he doesn't know why.