ITINAGO NI CLARK ANG MAKAHULUGANG ngiti sa pamamagitan ng paghigop ng kape. “You are attracted to her. Sounds foreign, dude.” He said to his friend Seth.
Kilala niya sa pagiging palikero ng kaibigan. Ngunit may standards ito pagdating sa pagpili ng ikakama.
"Geez! Hindi naman sa gusto ko siya, pero tangina, buddy, ang sexy! Seth while in picturing the pole dancer in his mind.
Tuluyan nang natawa si Clark sa kaibigan. Kilala niya ito sa pagiging playboy. Ang hindi niya inaasahan ay ang tila nahuhulog na ito sa isang babae, na malayo naman sa tipo nito. Hindi tulad ni Seth ang mahuhulog sa isang babae, bagkus mga babae ang laging hulog dito. Bagay na pinagkaiba nilang magkaibigan.
Kilala sila sa pagiging babaero ngunit sa kabila ng pagiging mapaglaro sa babae—sa kanilang dalawa, siya lang ang nagseryoso sa isang babae. Si Dominique, his childhood sweetheart and now his fiancee. Habang si Seth ay hindi pa kailanman nagseryoso o nahulog sa bitag ng kalahi ni Eba.
“Sinasabi ko sa iyo, buddy. Ang kurba ng katawan, makinis at magaling sumayaw. Hinuha ko, maganda siya.”
Napakunot-noo si Clark sa huling sinabi ng kaibigan. “Hindi mo nakita ang mukha?”
Nagkibit-balikat ito, "Actually hindi pa. Laging nakasuit ng maskara kapag sumasayaw, e.”
Napangiti at tila na-curious din bigla si Clark sa babaeng sinasabi ni Seth. How mysterious was that woman?
"By the way, aren't you busy tonight?" Tila biglang may naisip si Seth.
"Nope. Wala naman akong gaano pang kakilala rito kundi ikaw lang,” nangingiting tugon niya.
"Good. Sama ka sa akin sa Dark Butterfly, nang makita mo ang babaeng sinasabi ko."
"Oh c'mon, Seth, she's all yours," tanggi niya.
Tumawa ito. “Tingin mo seseryosohin ko? Curious lang ako sa babaeng iyon, buddy.”
"At ako ang itutulak mo?"
Makahulugan itong ngumiti.
"Hindi, pero single na single pa ako at walang balak magpatali. Samantalang ikaw, ikakasal ka na kay Dominique. Kaya bakit hindi mo muna sulitin ang pagkabinata bago ka maging devoted na asawa?”
Saglit na napaisip si Clark. Napangisi siya. Sobrang busy ng kaniyang fiancee sa career, na halos hindi na siya maalala. At ang kasal... may kung anong bagay ang gumugulo sa kaniyang damdamin. Siguro nga ay dahil nalalapit na ang kasal nila ng nobya. Pero bakit may kung anong bumabagabag sa kaniya? Dumarating siya sa punto na kinukuwestiyon ang pagmamahal niya sa kasintahan. Dahil sa abala naman sa career si Dominique, ibinuhos na rin niya ang buong atensyon sa negosyo nila.
Dahil sa busy sa negosyo ay nakalimutan na niya ang mga kalokohan nilang magkaibigan. Simula nang umalis sa States si Seth ay natigil na rin siya sa pambababae, lalo na nang ma-engaged sila ni Dominique.
Bakit nga ba hindi muna siya mag-relax? Nandito siya para sa misteryo nbg kaniyang nakaraan. Ngunit hindi naman masamang aliwin niya muna ang sarili habang single pa siya.
"Okay, mamayang gabi." Tumango siya kaibigan.
FIFTY BASKETS OF RED AND WHITE ROSES. FIFTY bouquets of Tulips, and a cascading hydrangea bouquet.'
Iyon ng nakasulat sa note na nakita ni Aleli pagdating niya sa floristry shop. Nakadikit 'yon sa lamesa niya sa loob ng kaniyang opisina. Nakasulat din doon ang kompletong address kung saan ipapadala ang mga order na bulaklak. "It must be a wedding," naisip niya. Kinuha niya ang maliit na papel.
Napansin niya na may nakasulat pa sa likod nito, 'Three baskets of white stargazer lily". Pero ipinagtaka niyang walang address kung saan idedeliber. Naisip niyang baka 'for pick up' ang mga ito. "And this is for funeral," usal niya.
Kung ganoon pala'y marami siyang dapat asikasuhin ngayong araw. The orders must be delivered tomorrow morning.
Bago siya nag-umpisa sa pag-aayos ng mga order na bulaklak ay tinawagan muna niya ang driver ng delivery truck para siguruhin na maayos at walang problema ang sasakyan. Mas mainam nang ngayon pa lang ay maayos na kung sakali mang mayroong problema para walang aberya bukas sa pag-dedeliver ng mga order.
Matapos makausap ang kaniyang driver ay masigla na niyang hinarap ang mga sariwang bulaklak para ayusin at salansanin.
Nasa kasagsagan na siya ng pag-aayos ng mga ito nang makita si Jex mula sa glass door ng shop. Patakbo itong pumasok.
"Mommy!" Malakas na tawag ng anak at agad yumakap sa kaniya.
"Jex!" aniya at mahigpit ding niyakap ang anak. Kinarga niya ito at pinupog ng halik sa pisngi. "Bakit ang aga mo ngayon?"
Nakasuot pa ito ng uniporme ng nursery school na pinapasukan nito.
"Maaga akong sinundo ni ate Tess, e." Sabay lingon sa tagapag-alaga nito na papasok na sa shop.
"Ang bilis mong tumakbo, Jex."
Si Tess na karay-karay ang maliit na school bag at hinihingal dahil sa paghabol sa alaga.
"Hay naku, ang bagal mo naman kasi, ate. Isa pa missed ko na si mommy." At lalo pa itong nagsumiksik sa ina.
Napangiti si Aleli,
"Okay, sige... dahil na-miss din kita, ibibili kita ng ice cream bago kayo uuwi ng ate Tess mo." Sabay lapag ng anak sa isang upuan.
"Hindi ka ba sasabay sa amin pauwi, ate?" Si Tess.
"Hindi muna, Tess. Maglalamay ako dito sa pag-aayos ng mga bulaklak, e. Ang dami kasing order at kailangang maideliber na bukas ng umaga"
Nag-dial siya ng numero sa kaniyang hand phone at umorder ng meryenda, kasama ang ice cream na ipinangako sa anak.
"Mommy, late ka na naman bang uuwi?" Biglang nalungkot ang kanina'y maaliwalas na mukha ni Jex.
"Oo, sweetheart, pero bibilisan kong tapusin ang mga order na bulaklak para makauwi ako nang maaga at sabay tayong matulog." Hinaplos-haplos niya ang buhok nito.
Nakauunawang tumango-tango naman ang bata. Naantig siya muli sa reaksiyon ng anak. Ngunit pinigil niya ang sarili na malungkot sa harap nito. Ayaw niya makita itong malungkot. Kahit na gustuhin niyang full-time na alagaan ang anak ay hindi maaari dahil working mom at single parent siya. Kailangan niyang magtrabaho para sa ikabubuhay nilang mag-ina.
Clinton Jex was her strength. Kung wala ito, hindi na siguro niya kaya pang mabuhay. Sa kabila ng mapait na kahapon ay pinilit niyang magpatuloy sa buhay dahil kay Jex. Ang alaala na iniwan sa kaniya ng lalaking tanging minahal at pinag-alayan niya ng kaniyang sarili. The man whom once she said her 'forever'. The only man she will love in her lifetime. At muli niyang naalala ang tagpo kung saan at kailan nabuo si Clinton.
The warmth in his arms. His sweet kisses. His gentle touch. The tidal wave of excruciating pleasure that swept through her. The explosion in furious sweep of ecstacy. The screams of extreme pleasure.
Napapikit siya nang mariin nang para pigilan ang luha. Sariwa pa rin ang sugat. Kahit ilang taon na ang nakalipas ay masakit at nagdurugo pa rin ang kaniyang puso sa tuwing naaalala niya. Nabibingi siya sa sigaw—hindi sa sigaw ng kaligayahan na saglit na ipinaranas ni Clint, but the screams of the truth—the lies, and betrayal.
Wala sa hinagap na sa oras na maakyat nila ang langit ay kasunod naman ang pagbulusok niya pabagsak sa lupa. Sa oras na iyon nalusaw ang init na saglit niyang naramdaman kay Clint. Kung kailan niya naabot ang langit ay saka naman siya binitiwan ni Clint at hinayaang lumagapak sa lupa. She crashed and broke into pieces when she reached the bottom. Sinampal siya ng katotohanan. Ang katotohanang niloko siya ng lalaking tanging minahal.
"Dominique, you've got it wrong. She meant nothing to me. I don't know her. I swear!"
Muling umalingawngaw ang mga katagang narinig niya mula kay Clint nang matapos ang mainit na pag-iisa nila.
"You deceived me! You scroundel! Big liar! I hate you!"
Ang pagwawala ng mestisahing babae sa loob ng isang silid kasama si Clint. The door was ajar, kaya't malaya niyang narinig at nakita ang lahat.
At ang sumunod na tagpo na labis na nagpahina sa kaniyang tuhod, dahilan para bumagsak siya sa sahig—hinalikan ni Clint ang babae. Tila sinaksak siya ng ilang libong beses sa dibdib dahil sa tagpong iyon. At nang maagaw ang atensiyon ng mga ito dahil sa biglang pagbukas ng pinto at pagbagsak niya sa sahig, Clint grabbed her by the hair and shouted her to leave. Sinigawan siyang isang mababang babae at pulubi. Hindi pa ito nakontento, dumukot pa ito ng lilibuhing pera at isinampal sa kaniyang mukha at kinaladkad palabas ng malaking bahay.
“Mommy,” Mumunting tinig ni Clint ang nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. "Bakit ka umiiyak?"
Napasinghot siya at mabilis na nagpahid ng luha. Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya. She did promise to herself not to cry at all kung tungkol sa nakaraan. But she couldn't control the tears. Masakit na masakit pa rin ang katotohanang iyon.
"Ah, napuwing lang ako, sweetheart. Gutom ka na ba?" pang-iiba niya sa usapan.
Tumango naman ang anak. Ilang saglit pa'y dumating na ang mga in-order niyang mga pagkain.
Pinilit niyang maging masigla, kahit nginangatngat pa rin siya ng sakit sa pagkaalala sa ama ng kaniyang anak. Ayaw niya muling makita ni Clint na umiiyak siya.
"WHAT?!" MALAKAS NA BOSES ng isang lalaki ang bumungad kay Courtney sa loob ng kaniyang opisina.
Kausap ito ng kaniyang assistant na si Merly.
Medyo na-late siya ng pasok sa nightclub dahil ipinagluto pa niya ng pagkain si Clint at dinaanan na rin ng hapunan si Aleli sa floristry shop.
"What is it, Merly?" Agad siyang lumapit sa mga ito.
"E, ma'am, gusto po nilang mai-table tonight si Moriposa," sagot ng kaniyang assistant.
"She's not coming tonight." Tila lumukso ang dugo niya nang masilayan ang mukha ng lalaking nagpapairita sa kaniya sa tuwing mapadpad ito sa kaniyang club.
Kahit kailan ay hindi mag-iiba ang impression niya sa lalaking ito. Arogante at mayabang ito saan mang banda niya ito tingnan.
"Damn it! Ngunit bakit?" Si Seth na halatang hindi nagustuhan ang sinabi ng manager ng nightclub.
Nagkibit balikat si Courtney. "I'm not sharing any personal affairs of my girls to any customers," she said. Hindi niya maitago ang inis sa kaniyang mukha.
Nagsalubong ang mga makakapal na kilay ni Seth nang tumitig ito sa mukha ni Courtney. Pagkuway ngumisi ito saka pasimpleng sinuyod ng malagkit na tingin ang kabuuan niya. Pagkatapos ay humakbang ito palapit sa dalaga. Hindi pa nakontento ito at inikot pa niya si Courtney habang sinusuyod niya ito ng tingin, head to toe. Nag-init ang pisngi ni Courtney dahil sa ginawang panunuri ng lalaki. Sa inis ay pinamaywangan niya ito at pinanlakihan ng mga mata.
“If you have nothing to do, puwede ka nang lumabas sa aking opisina. Marami pa akong dapat asikasuhin.” mariin nitong pagtataboy kay Seth.
"Nice butt," mapanuksong anito na hindi pinansin ang kaniyang pagtataboy, habang nakatutok ang mga mata nito sa maumbok na pang-upo ng dalaga.
"Aba't!" Halos umusok ang ilong ni Courtney. Kung kumakain lang siya ng tao ay malamang kanina pa niya nilamon ang manyak na customer. Ito lang ang lalaking customer na may lakas ng loob para gawin sa kaniya ang ganoon. Lahat ng mga nagpupunta roon ay kilala si Courtney at kahit ganoon ang klase ng kaniyang negosyo ay iginagalang siya.
"Hindi ka ba talaga lalabas?" asik na niya rito. Tuluyan na siyang nawalan ng pasensya.
"Lalabas ako kung gusto ko. At kung..." sabay hakbang pa palapit sa kaniya. Hindi siya umatras, bagkus nakipagtagisan siya ng titig dito. Ayaw niyang isipin nito na natatakot siya sa tangkad nito o dahil lalaki ito at babae siya.
Matangkad ito at kahit matangkad siya at naka-heels ay nagmistula pa rin siyang kinulang sa height nang makaharap ito. Napasinghap siya nang maamoy ang mamahaling pabango nig lalaki. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit bigla siyang nakaramdam ng paggapang ng kuryente sa kaniyang mga ugat sa pagkakalapit ng mga katawan nila. Tila gusto niyang magsisi kung bakit hindi siya kumilos kanina. Ngayon ay tila siya naipako sa kaniyang kinatatayuan at hindi na makagalaw pa.
"You know what..." Titig na titig ito sa kaniyang mga mata habang palapit ang mukha niyto sa kaniyang mukha. Napaawang ang kaniyang mga labi at tila nanuyo ang kaniyang lalamunan nang masamyo nito ang mainit nitong hininga. Napapikit siya nang ilang pulgada na lamang ang pagitan ng kanilang mukha sa isa't isa. "I'm not going to kiss you," bulong nito sa kaniyang punong tainga.
Namula ang kaniyang mga pisngi dahil sa labis na pagkapahiya sa lalaki. Hindi agad siya nakahuma. Naitikom niya nang wala sa loob ang kaniyang napahiyang mga bibig.
Mabuti na lamang at siya ring pasok ng dalawang maskuladong bouncer na tinawag ni Merly. Hinawakan agad ng mga ito si Seth sa magkabilang braso. Doon ay nagkaroon ng ideya si Courtney kung paano gantihan ang lalaki at makabawi siya sa pagkapahiya rito.
Bago pa ito mahatak ng mga bouncer palayo sa kaniya ay mabilis niya itong sinipa sa bayag.
"Ah!"Napasigaw ito't namilipit sa sobrang sakit. "Damn you, woman!" Galit siya nitong binalingan pero mahigpit na hinawakan ito ng dalawang bouncer.
Ngumiti siya ng nakaloloko. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa mukha nitong hindi maiguhit sa sobrang pamimilipit bago bumulong ng, "Next time, behave yourself."
Bakas sa mga mata nito ang galit at tila gusto siya nitong tirising parang kuto pero kinaladkad na ito ng dalawang bouncer palabas ng opisina ni Courtney.
"We're not done yet!" Narinig pa niyang banta nito bago ito tuluyang mailabas sa kaniyang opisina.
NASA KALAGITNAAN PA PAGHIHILIK si Clark nang dahil sa puyat nang nagdaang gabi nang bulabugin ng sunod-sunod na pagtimbre ng pinto.
Wala siyang sapat na tulog. Wala ring magandang nangyari sa lakad nila ni Seth kagabi. Imbes na mag-enjoy sila ng kaibigan sa nightclub ay sakit pa ng katawan ang inabot nila dahil napalaban si Seth sa dalawang bouncer ng club. Dahil sa nakitang pagkaladkad kay Seth palabas ng club ay napasugod agad siya sa kaibigan at binigyan ng suntok at tadyak ang dalawang bouncer.
Nanlaban ang isa kaya't napasubo na silang magkaibigan sa gulo. Narinig niya ang sunod-sunod na tunog ng doorbell pero hindi siya nag-abalang bumangon para pagbuksan kung sino man iyon. Ngunit makulit ang istorbo niyang panauhin at wala yatang balak na umalis. Bagkus may balak yatang sirain ang kaniyang doorbell, lalo na ang kaniyang eardrum.
"Damn it!" Galit siyang napabangon sa kama. Hindi na siya nag-abalang magsuot ng roba o T-shirt man lang. Tanging boxer short lamang ang suot niya at tuluyang tinungo ang pinto.
Halos mapudpod na ang hintuturo ni Aleli dahil sa kapipindot at kadidiin ng doorbell ng bahay ng umorder ng mga bulaklak pero ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ring nagbubukas ng pinto. Naisip niyang walang tao nang mapagod siya sa katitimbre, kaya tumalikod na siya't humakbang palayo nang siya namang biglang pagbukas ang pinto.
Napalingon siya agad sa pintuan at gayon na lamang ang pagkagulat niya nang makita ang lalaking nakatayo roon.