Chapter 19

2396 Words

Pinagmamasdan ko ang mukha ni Ari na mahimbing na natutulog sa tabi ko at nakayakap sa akin. Bahagya pang naka-awang ang bibig niya at namumula pa din ang mga labi niya. Hindi maalis sa mga labi ko ang mga ngiti habang sinusuri ko ang bawat detalye ng kaniyang mukha. Kahit oras-oras kong makita ang mukha niya ay hindi ako magsasawa na kabisaduhin ang buong detalye ng hitsura niya. Isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya saka pumikit. Gumalaw naman siya at mahigpit akong niyakap na para bang ayaw na akong pakawalan kahit kailan. Parang gusto niya akong ipasok sa katawan niya ngayon. "Jill? Umorder kami ng pizza. Gusto niyo?" Rinig kong sabi ni Ellie mula sa labas ng kwarto. Narinig ko din ang mga katok nito kaya nag-mulat ako ng mata. Inilayo ko ang ulo ko kay Mishari at tumingin sa ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD