Hindi na naka-angal pa si Mishari nang sunduin nga ako nila Crizette sa unit niya. Nagpupumilit pa siyang sumama ngunit hindi talaga pumayag ang tatlo. Hindi ko alam kung bakit biglang nagyaya ang mga 'to na lumabas ngayon. Na-miss siguro nila ang bonding naming apat dahil madalang na lamang kaming nakakagala nitong mga nakalipas na buwan dahil pare-pareho kaming naging abala sa school. Lalo na at pare-pareho na kaming graduating. "Bago man lang sana mag-start 'yong OJT natin, makapag-outing tayo, 'no?" Pahayag ni Trisha habang naglalakad-lakad kami sa loob ng mall. Pare-pareho na din kaming may mga hawak na paper bag galing sa iba't ibang boutique dito. Pero mas maraming hawak si Crizette dahil bawat makita niyang pasok sa panlasa niya, binibili niya. Hindi ko nga alam kung hindi siya