Nang ihatid ako ni Ari sa bahay ay nadatnan namin si Mommy sa may living room na may ka-video chat. Mukhang kausap niya si Ate Pauleen. Humalik ako sa pisngi niya nang makalapit ako sa kaniya. Gano'n din naman ang ginawa ni Ari. Napairap pa ako nang iharap ni Mommy ang screen kay Mishari para ipakita sa kapatid ko. Tuwang-tuwa pa ito ngayon habang pinapakita si Ari kay Ate Pau. Pinaupo pa niya ito sa tabi niya at ipinakausap sa kapatid ko. Imbes na ako, 'di ba? Sino na ba ang anak niya ngayon? Si Ari na ba? Pero natutuwa talaga ako dahil ganito na siya kay Ari ngayon. Hinahayaan na niya kami sa kung ano man ang gusto naming gawin. Kapag nga nag-aaway kaming dalawa, ako pa 'yong gustong mag-sorry ni Mommy kay Ari. Alam na din ni Mishari ang naging dahilan kung bakit naging tutol siya sa