"Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Mishari habang naka-upo kaming pareho sa harapan ng mesa ng isang resto. Pagdating niya kanina sa apartment ay kaagad na niya akong niyaya na mag almusal sa labas. Sinasama pa namin si Ellie pero tumanggi siya dahil uuwi daw siya sakanila ngayon. Iniwan namin doon 'yong sasakyan na regalo niya sa akin at mas ginustong sakyan ang fortuner niya. Ibinibigay ko sakanya 'yong susi no'ng honda civic pero ayaw naman niyang kunin. Itago ko nalang daw kung talagang ayaw kong gamitin. Tsk. "Kung ano 'yong sa'yo, gano'n nalang din 'yong akin." Tumango ito at inabala na ang sarili sa pagpili sa menu na hawak niya. Matapos niyang mag-decide kung ano ang kakainin naming dalawa ay tinawag na niya ang isang waiter para idikta ang mga order namin. Sinusulyapan pa ni