Wala akong imik na nakaupo sa harapan ng mesa kasama ang mga magulang at kapatid ko. Mataman ko lang silang pinakikinggan habang nagku-kwentuhan silang tatlo, at halata sakanila ang tuwa lalo na kay Daddy dahil may gustong mag-invest sa company niya. May gusto pa din magtiwala sakanya sa kabila ng nangyari noon. Paminsan-minsan naman ay kinakausap nila ako, pero tipid na tipid ang sagot ko; lalong-lalo na sa ama ko. Masisisi ba niya ako kung ganito ako ngayon? Nang dahil sa larawan na nakita ko, parang ayoko muna na kausapin ang Daddy ko. Para bang ako pa 'yong nahihiya, eh. Pero mas nananaig pa din 'yong inis at sakit sa sistema ko. Kapag tumitingin ako sa nanay ko ay nakakaramdam ako ng awa. Pero paano ba niya nagagawang kausapin na puno pa din ng pag-ibig si Dad? Paano niya nagagawa n