Mariing nakatikom ang mga labi ko habang binabagtas namin ang daan tungo sa training site ko. Pinanatili ko ding diretso ang paningin ko sa kalsada dahil ayokong lingunin ang lalaking nasa driver's seat ngayon dahil baka hindi ko mapigilan ang pagtawa ko. Pero kahit hindi ko siya lingunin, nakikita ko sa sulok ng mata ko ang pagkabugnot sa mukha niya. Para bang hindi ito nakatulog nang maayos kagabi. At alam kong naiinis siya sa akin. Pumayag kasi ako na do'n siya matutulog sa kuwarto ko at pumayag din ako na gawin namin ang bagay na 'yon do'n kapag tulog na ang mga tao sa bahay. Ang kaso, nakatulog ako at nai-double lock ko pa ang pintuan. Inaya kasi siyang uminom ni Kuya kasama si Dad after naming mag-dinner. E, ang tagal nila bago matapos kaya, ayon. Wala na ngang nangyari, mag-isa pa