Hindi ko maiwasan ang hindi mapamura habang nakatingin sa phone ko. Ngayon pa talaga siya namatay! Bakit hindi ko napansin na malapit na na ma-drain ang battery niya? f**k! Ni wala akong dalang power bank or kahit charger man lang. Balak ko pa naman sanang tawagan si Mishari at magpasundo na lang dito. Bukod pa do'n, gusto ko nang unahan si Vlad sa pagsasabi kay Ari sa nasaksihan niya. Baka kasi bigyan niya iyon ng ibang kahulugan. O baka isipin niya na niloloko ko ang pinsan niya kahit na hindi naman. Hindi naman tsismoso at sumbungero 'yon, ngunit base do'n sa ekpresiyon ng mukha niya kanina, pakiramdam ko ay iniisip niya na nanlalalaki ako. Ilang minuto ang inilagi ko sa loob ng cubicle bago ko napagpasyahang lumabas. Sinuri ko ang hitsura ko sa salamin at inayos muna ang buhok ko. H