"Itatago niyo ulit ang tungkol sa inyo?" Tanong ni Crizette habang nakaupo kami sa loob ng cafeteria ng University. Ngayon pa lang namin naisipang kunin ang mga grades namin kahit noong isang araw pa na-release. Masyado kasi kaming naging abala sa buhay namin kaya late na kaming kumukuha ng mga grades namin ngayon. "No. Sasabihin ko ang tungkol sa amin sa mga magulang ko. Kukuha lang ako ng tiyempo dahil alam nilang may girlfriend na si Mishari," tugon ko. Wala na akong balak itago ang tungkol sa aming dalawa ngayon. Kukuha nalang talaga ako ng tiyempo. "Alam din nilang may girlfriend si Mishari noon," matabang niyang sabi. Tipid akong ngumiti dahil ginapangan ako ng guilt. Siniko siya ni Trisha at pinandilatan ng mga mata. "Very good, Jill. Ayaw na naming maulit 'yong nangyari years a