Hindi maitatago sa hitsura ng mga kaklase ko ang excitement habang pinag-uusapan ang mga company na pumili sa kanila. Halos kaming lahat ay napadalhan na ng email at magsisimula na kami sa OJT namin next week. Mabuti nga at pareho kami ni Jeric. Hindi ako masyadong natatakot pero hindi ko pa din maiwasan ang hindi kabahan habang naiisip ko ang tungkol do'n. "We're about to step in to the big world!" Wika ni Aicel na hindi mabura ang ngiti sa mga labi. "True! Pero ang swerte mo, ha? Sa company ka nila Mishari!" Maarteng pahayag ni Jeric saka pa ngumuso. "Hindi naman sure na makakasama ko siya. Same lang kami ng company pero hindi naman siguro kami pareho ng gagawin do'n," ani Aicel. "Babantayan ko na lang si Ari do'n, Jill." Baling nito sa akin saka pa kumindat. Tinawanan ko lang siya.