Chapter 1

1227 Words
Mabigat ang katawan na bumangon si Kathleen mula sa napakalambot niyang kama. Hindi dahil tinatamad siya nong araw na iyon kundi sa literal na bigat ng kaniyang katawan; in short, sa katabaan niya. Actually, paiba-iba ang palayaw sa kaniya ng mga tao tulad ng: tabachingching, chubby, healthy, dambuhala...at cute. Simula pa lang n'ong bata ay madalas na siyang tampulan ng tukso dahil sa pangangatawan niya. Pero ni minsan ay hindi niya sinubukan ang magpapayat o mag-diet man lang. Kasi ang sabi ng kaniyang mga magulang ay mas okey na daw `yong ganon siya. Atleast, wala daw ang magkakamaling manligaw sa kaniya. Natatakot kasi ang mga ito na magka-boyfriend siya dahil baka maudlot ang pagmamadre niya. Oo, bata pa lang siya ay alam na niyang darating ang araw na mahihiwalay siya sa mga magulang para maglingkod sa Diyos. Hindi pa man daw kasi siya noon ipinagbubuntis ay inialay na siya ng kaniyang mga magulang sa Diyos bilang 'pambayad kasalanan.' Parehas noong nasa kumbento at seminaryo ang mga magulang niya nang magkagustuhan. Kaya bilang kabayaran sa pagtalikod sa mga tungkulin ay nangakong ang magiging anak na lang ang ang magpapatuloy sa naiwang tungkulin. Gan'on pa man, kahit "ibinigay" na siya sa Diyos, lagi pa ring pinapaalala ng mga magulang niya na higit na mas mahalaga ang kaligayahan niya. Na nasa kaniya pa rin ang huling desisyon. Desisyon na makakabuti sa kaniya. Basta ba `wag lang daw siyang magsinungaling. Aminado si Kathleen na noong una ay may pagtutol siyang naramdaman sa kaniyang puso at ilang beses na sumubok na baguhin ang kapalaran niya. Dahil pagiging teacher talaga ang pinaka-una niyang maging. Humahanga kasi siya sa mga magulang niya na parehas college professors. Pero dahil masunuring anak ay um-'oo' si Kathleen. Mahal na mahal din niya ang kaniyang mga magulang at hindi niya kayang biguin ang mga ito. Saka isa pa, wala naman siyang nakikitang mali kung maging tagapaglingkod man siya ng Diyos. Kaya kinalimutan niya ang totoong gusto ng kaniyang puso. Kahit paminsan-minsan ay nakakaramdam siya ng pag-alinlangan. Napabuntong-hininga ang sixteen-year old na dalagita bago hinahapong bumaba ng kama at ilang sandaling nagdasal sa harap ng altar. Pagkatapos ay pumunta ng banyo para maligo. Linggo ngayon at araw ng pagsisimba. Hindi siya puwedeng pumalya sa pagsisimba dahil miyembro siya ng church choir. Pagkatapos maligo at mag-ayos ng sarili ay masaya ng bumaba si Kathleen. Naabutan niyang naghahanda ng almusal ang kaniyang Mommy Alessandra at ang kaniyang Daddy Arnold naman ay nagkakape. "Hmmm. Amoy pa lang ula-lam na, ah!" nakangiting wika ni Kathleen saka lumapit sa mga magulang. "Good morning, sweetie!" sabay na bati ng mga ito sa kaniya saka siya niyakap. Palibhasa'y solong anak siya kaya punong-puno ng pagmamahal. "Ito ang mami-miss ko kapag pumasok na ako ng kumbento," nalulungkot niyang saad habang tinitikman ang niluluto ng kaniyang Mommy na home made embutido. "Mami-miss ka rin namin pero sigurado namang mapapaganda ang buhay mo doon kasi malapit ka sa Diyos," tugon ng Mommy niya. "Wala ka naman sigurong boyfriend na hahabol `di ba kapag dumating ang araw na `yon. Ilang buwan na lang at ga-graduate ka na ng high school," panunudyo ng Daddy niya. Biro iyon pero alam ni Kathleen na may bahid iyon ng paalala. Hindi man aminin ng niyang mga magulang ay nararamdaman naman ni Kathleen na ayaw na ng mga ito na ulitin niya ang "pagmakamali" nila. "Si Daddy talaga. Huwag po kayang mag-alala dahil hindi uso sa'kin ang pag-i-pag-ibig na `yan," puno ng kasiguruhan niyang sagot. Iyon ang totoo dahil umabot lang siya ng fourth year high school na hindi nagka-interes sa mga lalaki. Dahil bukod sa imposible rin namang magustuhan siya ng mga ito dahil sa katawan niya ay talagang isinara na niya ang puso para sa ganitong bagay. Ni hindi nga niya alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'love' pagdating sa kaniyang opposite s*x. Hindi rin siya aware sa kung ano ang dapat na maramdaman para masabing inlove ka sa isang lalaki. Matagal na niyang tinanggap sa kaniyang sarili na tatanda siyang dalaga. Saktong katatapos lamang nilang kumain nang may dumating na bisita-mula sa katabi nilang bahay. "Good morning po!" Ang maaliwalas na mukha ng bestfriend ni Kathleen ang sumalubong sa kaniya sa bukana ng kusina. Ito si Jakob Eirik Andreassen o Jakob for short. Sadyang kakaiba ang tunog ng pangalan nito dahil isa itong half Filipino-half Norwegian. Hindi lang din ang pangalan ni Jakob ang naiiba kundi maging ang hitsura nito na namana sa amang foreigner. He has a fair skinned, dark brown hair, and green-browned eyes. `Di hamak din na mas matangkad ito kung ikumpara sa ibang mga lalaking kaedaran nila. Ito ang mga katangian ni Jakob ang madalas na dahilan kung bakit ito habulin ng mga babae. Idagdag pa ang pagiging sweet ng binatilyo. Kaya kahit sinong babae talaga ay hindi kayang i-resist ang ganitong ka-guwapuhan. Dahil kahit siya man na kababata ni Jakob ay guwapong-guwapo dito. "Mukhang napalaban ka na naman, ah?" nakangising biro sa kaniya ni Jakob saka pinisil ang mga baby fats niya. Tinampal niya ito ng mahina sa braso. "Tse! Ang aga-aga mong mang-asar." Kunwa'y nagtatampo niya itong tinalikuran. Sumunod na siya sa mga magulang niya papuntang garahe. Doon niya nakasalubong ang kaniyang Ninang Monica at ina ni Jakob; kasunod nito si Thore na bunsong kapatid naman ng binatilyo. Elementary pa lamang sila noong namatay ang Daddy ni Jakob. Ang pagkakaalam ni Kathleen ay namatay ito sa isang uri ng sakit sa baga na namamana. Nakuha daw iyon ng Daddy ni Jakob sa amang Norweigian. Bago tuluyang sumakay ng sasakyan ay hinarang siya ng bestfriend niya. Sinapo nito ang nakasimangot niyang mukha at tinitigan siya. As he stared at her, his friendly eyes suddenly changed into sadness. "Joke lang `yon. Para namang hindi mo alam na cute na cute ako sa'yo. Sorry na, please?" Her heart was began to skip a beat. Ganito ang epekto sa kaniya ng pagkakalapit nilang dalawa ni Jakob. At hindi niya alam kung bakit. "S-sige na nga. Pasalamat ka at linggo ngayon, bawal magalit." He opened his arms. "Then hug me..." "Mamaya na lang sa church. Kapag nagbigayan ng peace offering," biro ni Kathleen saka ito binunggo ng kaniyang tiyan kaya napaatras ito ng kaunti. Napakamot ito sa ulo. "Grabe! Ang powerful talaga ng tiyan mo, cute." "Talagang cute ako. Bakit? May ganito ba silang tiyan?" pagbubuhat niya ng sarili bago gumiling-giling. Bilang bestfriend ni Jakob kaya malakas ang loob niyang magloka-lokahan. Nakakalimutan niya ang insecurities sa katawan kapag ito ang kasama niya. Lalo pa't alam niyang si Jakob lang-bukod sa pamilya niya-ang nakakakita ng tunay niyang kagandahan. Kunwari lang siyang nagtatampo kapag inaasar ni Jakob dahil ang totoo ay sanay na siya sa pagiging alaskador nito. Alam din naman kasi niya na paraan lang iyon ng kaibigan niya para lambingin siya. Dahil katunayan, ito pa ang tagapangtanggol niya kapag may nanlalait sa kaniya. "Oo na po! Wala ng kokontra diyan," pagsasang-ayon niJakob bago siya inakbayan. Maya-maya pa'y sakay na sila ng kanilang van. Ganito sila tuwing linggo, sabay-sabay na nagsisimba. Hindi man sila tunay na magkadugo ay para na rin silang iisang pamilya. Matalik kasing magkaibigan ang kanilang mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD