DIANE POV Nagulat din ako nang sabihin ko kay Denver na mahal ko siya kahit na ang totoo ay hindi rin ako sigurado kung ito nga talaga ang nararamdaman ko. Kung tutuusin nga, puro halikan lang naman ang ginawa naming dalawa kaya nahihiwagaan pa rin ako kung bakit ko siya mabilis na nagustuhan. Lumipas ang mga araw na naging normal na sa amin yung asaran at pagbabati. But this time, wala na kaming kiss na ginagawa. Hindi niya ako hinahalikan. Alternate days ang tulog namin sa kwarto, pag Monday, siya, pag tuesday ako naman. Ganito ang naging set up naming dalawa. Minsan nga gusto ko na lang matulog sa sofa pero malikot kasi ako matulog at madalas mainit. Hindi na nga ako dapat magreklamo dahil mabuti pa ako ay may matutulugan samantalang ang ibang tao, namomroblema kasi sa lansangan si