A/N: They're talking in Russian. Marimar Oquendo's Point Of View "O? Kto eta zhenshchina?" ( "Oh? Who's the woman?" ) Agad na kumunot ang noo ko nang marinig ang sunod na sinabi ng lalaki. Bakit pakiramdam ko dagdag sa sakit ng ulo na naman ang taong 'to? Bumaling ako kay pandesal, hayon! At busy kumain ng niluto ko. Para bang walang paki-alam sa taong kararating lang at naging dahilan nang mas pagbigat ng atmosphere nang kusinang kasing laki na nang bahay namin 'don sa probinsya. Nasabi ko na rin ba na combination ng dirty white, beige at brown color ang kusina? Napalingon naman ako kay Yakov na kararating lang dito sa lamesa, naupo pa siya sa mismong tabi ko't inilapag any mangkok na hawak niya. Ako naman 'eh tahimik lang na nakikiramdam. "Kakogo cherta ty zdes' delayesh', Maks