Marimar Oquendo's Point Of View Tahimik lamang ako na nakaupo sa isang uri ng sofa na hindi ko lubos maisip na mauupuan ko pala. Jusko, ang hirap paniwalaan na nasa loob ako ng isang kastilyo—I mean, mansion pero sh it naman kasi! Yung exterior ay mala kastilyo! Parang 'yung castle sa opening ng bawat disney movie na napapanuod ko. As in ang laki, ang ganda at hindi kapani-paniwala ang itsura! Grabe, ang swerte-swerte ko naman hihi. Tatlong oras na ang nakalilipas mula nang umalis kami sa hotel at bumyahe ulit. Natulog lang ako sa tatlong oras na 'yon at ganoon din naman si Levi—actually, hanggang ngayon ay natutulog pa ulit si Levi. At nakahiga siya sa tabi ko sa ngayon. Bumalik kasi siya sa pagtulog pag-pasok namin sa mala-kastilyo na kinaroroonan namin ngayon. Kaya heto ako'