"Hi, Petrus pwede ba akong umupo sa tabi mo?" magiliw kong hingi ng pahintulot sa kaniya ngunit para lang akong nagsasayang ng laway dahil wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya.
"Hey, pwede ba?" ulit kong tanong ngunit hindi niya pa rin ako pinapansin.
Nilingon ko si Ergie nang marinig ko itong humahagikhik.
Kaya pinanliitan ko ito ng mga mata dahil sa inis ko sa kaibigan.
I immediately sat down next to Petrus even though he still didn’t agree.
Wala namang silbi kahit magpaalam pa ako dahil hindi naman ito sumasagot sa akin.
Susubo na sana ako nang bigla niya akong tiningnan ng masama. Parang na bad trip yata sa akin dahil nakakunot na ang kanyang noo at salubong na ang kanyang mga kilay.
Ngunit hindi pa rin nabawasan ang kagwapuhang taglay nito.
Nang mapansin kong galit na ang ekspresyon sa mukha niya ay napangiti ako ng alanganin.
"Bakit?" nag-aalangan kong tanong rito.
Pero gaya ng dati ay wala pa rin itong kibo sa akin.
Hindi pa nga ako nakakapagsimulang kumain ay umalis na agad ito.
Bagsak ang mga balikat ko habang sinusundan ko ito nang tingin.
Parang gumuho ang mundo ko nang makitang palabas na ito ng canteen.
"See, I told you," paalala sa akin ng aking kaibigan.
Binigyan ko siya ng masamang tingin kaya tumahimik na lang ito.
"Mapapansin rin ako no'n." pagmamayabang ko sa kanya.
"Asa ka pa!" tumatawang sagot ng aking kaibigan. Kaya sinamaan ko ulit ito nang tingin.
"Kontrabida ka talaga! Tsk, mamaya manunuod tayo ng practice nila." Aya ko kay Ergie dahil ito lang naman ang gusto kong yayain dahil alam kong wala itong pagnanasa sa Petrus ko.
"What? Ayaw ko nga! Ang galing mo rin, noh! Nagdedisisyon kang mag-isa," mabilis niyang reklamo.
"Ano ka ba? Nando'n naman 'yong Kuya mo. Bakit ayaw mong manuod?" reklamo ko sa kaniya at ginawa ang lahat para mokumbinsi siya.
"Hindi na kailangan, practice lang 'ang gagawin nila ngayon," pinal nitong sabi sa akin.
"And that's the point, because you need to show your support on behalf of your brother," pagdadahilan ko rito para lang makumbinsi siya.
Nginisihan niya ako ng nakakaloka at ang mga titig niya ay may halong panunukso.
"Sige na nga! Ngayon mo pa nga lang nakita si Gavallo na miss mo na agad, kawawa ka naman!" panunukso nito sa akin at ginulo ang ayos ng buhok ko.
Gaya ng napag-usapan namin ni Ergie ay sabay kaming nagtungo sa gym.
Kung saan nagpa-practise si Petrus kasama ang team niya.
Matapos ang isang oras na panunuod ay nawalan na ng interest si Ergie.
"Matagal pa yata sila, mauna na ako sa 'yo Dawn," paalam nito sa akin para bang nagmamadali.
Patayo na sana siya nang bigla ko itong pinigilan. "Teka lang hintayin na lang natin matapos ang practice," pagmamakaawa ko rito.
Hinawakan ko siya sa kamay at nakiusap.
"Eh, sa nababagot na ako rito, eh! Wala naman 'yong boyfriend ko r'yan. At saka ano ka sinuswerte? Gusto mo ikaw lang ang kiligin!" she rolled her eyes and blew the hairs falling on her face.
"Ergie, h'wag ka ng magtampo bukas promise do'n tayo sa boyfriend mo. Sasamahan kitang manunuod ng practice nila."
"Talaga lang ha!" paniniguro nitong tugon. Kaya mabilis akong tumango.
"Oo, promise babawi ako sa 'yo."
When I saw that they were done in practice. I immediately pulled Ergie so that we could approach Petrus immediately.
I walked in a hurry to offer him something to drink.
"Water?"
"Meron ako," sagot niya habang tinataas ang hawak na tumbler upang makita ko.
Ininom niya ang dalang tubig nang dahan-dahan hanggang sa naubos niya ang laman.
Kinuha niya rin ang face towel at pinahid sa namamawis niyang mukha.
"Gan'on ba sayang naman 'to," malungkot kong tugon sa naging sagot niya.
There wasn’t a day that I didn’t watch his basketball practice.
I'm waiting for him to finish so we can be together even just at the gate
Naubusan na rin ako ng oras sa iba naming mga kaibigan dahil siya lang ang lagi kong inaatupag.
Nagsasawa na rin si Ergie na samahan ako dahil nagsasayang lang daw ako ng oras.
Mabuti na lang dahil nakumbinsi ko ito ngayon pero agad din akong pinabayaan ng lapitan ko ang lalaking gustong-gusto ko.
Petrus is now a graduating student, while I was still in second year college.
It's sad to think that he is about to graduate but we still don't have a good relationship.
Ang isiping aalis na siya sa unibersidad ay nasasaktan na ako.
"Dawn, nangungumusta pala 'tong bunso namin sa 'yo." Pigil sa akin ng lalaking kaibigan ni Petrus ng makita nilang paalis na ako.
Madalas nila akong binibiro kay Julle. Gwapo naman ang binata at halos nasa kanya na ang lahat ng katangiang gusto ko sa lalaki.
Nagkataon lang talaga na si Petrus ang una kong nagustuhan at iba ang t***k ng puso ko kapag kaharap ko siya.
At kahit hindi ako pinapansin ni Petrus malabo nang maibaling ko ang tingin sa iba.
"Okay lang naman," I answered but my eyes were just looking on Petrus who was about to leave.
"Oh! Sa'n ka pupunta?" nagtatakang nilang tanong sa akin.
"I'm sorry." Hingi ko ng paumanhin bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Susundan ko lang si Petrus," mabilisan kong tugon at kaagad din silang tinalikuran.
I looked at Petrus from a distance and deliberately stretched my neck. So, that I may not lose my sight of him.
"Oy, kawawa naman 'tong bunso namin basted agad," pagbibiro nila sa akin.
"Sa iba na lang may Petrus na kasi ako," nakangiti kong sabi at hindi siniseryoso ang mga pagbibiro nila.
Naghiyawan sila dahil sa tugon ko at mas lalo lang nilang tinutukso ang binata na tinutukoy nilang bunso sa team.
Nakita ko ang pamumula ng mukha nito at halatang nahihiya na sa inasta ng mga kasama.
Habang nagtatawanan sila ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras upang lapitan si Petrus.
"Petrus, pauwi ka na ba? Sabay na tayo!" hinihingal kong wika dahil sa paghabol sa kaniya.
"Nasa'n ba 'yong kotse mo?" inis nitong sabi at biglang tumigil sa paglalakad.
Tinitigan niya ako ngunit salubong ang kaniyang mga kilay.
Inangat niya ng konti ang kaniyang pulsuhan para makita niya ang oras.
"Those are not mine and the driver won't pick me up now. Nagpaalam na ako kay Mommy at Daddy kasi nga sasabay ako sa 'yo," paliwanag ko sa kanya dahil totoo namang hindi iyon akin.
"Ang pagmamay-ari ng magulang mo ay pagmamay-ari mo rin."
Mga magulang ko ang mag-ari ng mga kotse na 'yon ngunit mukhang hindi siya kumbinsido.
"Tsk, ibang klase ka rin, ano?" napailing na lang siya at parang hindi makapaniwala sa aking sinabi.
"Totoo!" madamdamin kong sabi.
"No! Tawagan mo ngayon" matigas nitong utos.
Sa tinig ng boses niya ay sigurado na akong hindi ko siya mapapapayag.
"Please," pagmamakaawa ko rito.
"Walang aircon sa jeep," pagmamatigas niya at hindi ako binabalengan nang tingin.
"Alam ko!"
"Mainit sa jeep, hindi mo kakayanin mag-commute," pagdadahilan nito at base sa itsura niya sinisiguro niya sa akin na hindi siya nagsisinungaling.
"Alam ko," tipid kong sagot.
Tumitig ito sa akin at umiling. Makikita sa kaniyang mukha na buo na ang kaniyang pasya.
"It's not my first time, okay!" pagdadahilan ko rito.
He massaged his forehead and he was obviously running out of patience with me.
Matalim ang ginawa niyang tingin pero sa huli ay napabuntong hininga na lang ito at napasuko kahit na halatang ayaw maniwala sa 'kin.
"Binalaan na kita, kaya h'wag na h'wag mo akong sisisihin mamaya," wika niya at nilampasan lang ako.
First time kong mag-commute pero syempre nagsinungaling ako.
Halata namang ayaw niya akong kasama at may palagay ako na kaya ko siya napapayag ay dahil sa kakulitan ko.
"Oh, ito." Mahina niyang siko sa akin. Nagtaka rin kung bakit may inabot siya sa akin.
"Para sa'n 'to?" nagtataka kong tanong.
"Pinapawis ka," masungit nitong sagot sabay turo sa noo ko.
Kinunutan niya ako ng noo nang makitang napapangiti ako.
"Thanks," inabot ko agad ang panyo upang mapahiran ang mga pawis ko sa noo.
Lihim akong napapangiti dahil sa ginawa niya. Kahit pala strikto siya ay may pagka-sweet din naman pala.
Inayos ko ang buhok ko at mahigpit na tinali sa likod.
Para kahit papano ay mabawasan ang init na nararamdaman ko.
Masyadong traffic at dikit na dikit na rin ang mga pasahero sa jeep.
Kaya mas lalo lang akong pinagpawisan ngunit tumahimik lang ako at hindi na nagreklamo dahil kasama ko naman si Petrus.
Para sa akin ay chicken lang ang lahat kapag kasama ko si Petrus.
"Magkano ba ang bayad?" tanong ko kay Petrus.
Nilapit ko pa ang mukha ko sa bandang tenga niya para marinig niya ako dahil madyadong maingay ang paligid.
"Ako na," seryoso nitong sagot.
Kanina pa siya tahimik. Pero para na akong nasanay dahil kahit kailan ang tipid niya talagang magsalita.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Ang puso ko ay parang tumatalon dahil kinilig.
"Sa susunod mo na lang ako ilibre," paliwanag nito sa akin.
"Ibig mo bang sabihin ay may next time pa tayo?" mangha kong tanong at hindi mapigilang ngumiti sa harap niya.
Hindi na niya ako kinibo pero ang huling sinabi niya ay sapat na sa akin para gumanda ang buong araw ko.
Inabot niya ang pamasahe sa unahan at sinabing mga estudyante kami para maka-avail kami ng discount sa student fair.
Ilang saglit lang ay huminto ulit ang jeep dahil may nagpara na pasaherong gustong bumaba.
Nang bumaba na ang katabi ko ay may umakyat din na bagong pasahero.
Napasinghap ako sa gulat dahil bigla na lang akong hinawakan ng lalaki sa hita.
At pasimple niya iyong ginawa upang walang makapansin sa kaniyang iba.
Umusog ako kay Petrus dahil sa takot at nandidiri ako sa ginawa ng lalaking katabi.
Nang mapansin kong hindi pa rin siya tumitigil ay binigyan ko ito ng masamang tingin pero nginisihan niya lang ako.
Tiningnan ko ang mukha niya at mukha naman siyang matino.
Ngunit ang nakakapagtaka ay bakit para itong may sakit sa utak.
Nakakatakot siyang tingnan at ang mukha niya ay napakamanyakis.
Ayaw ko mang humusga ng kapwa pero mukha niya pa lang suspek na kahit wala pang krimen.
Bata pa ang lalaki at kung pagbabasehan ang kaniyang suot ay isa itong estudyante sa ibang unibersidad.
Kinagat niya ang ibabang labi niya dahil kung bakit ako napapitlag at napahawak sa braso ni Petrus dahil sa labis na takot.
Pakiramdam ko tinakasan na ako ng dugo sa aking mukha. At nararamdaman ko ang panlalamig ng aking mga kamay.
Pakiramdam ko ay hindi ko matatagalan ang katabi ko ngayon. Pinagpapawisan na nga ang buo kong katawan dahil sa ginawa niya.
"Okay, ka lang?" nagtatakang tanong sa akin ni Petrus ng mapansin niya ang inakto ko.
"Ha, ah, oo," nauutal kong sagot at sana lang ay hindi nito nahalata ang pagsisinungaling ko sa kaniya.
Ito ang unang beses na nakasakay ako ng jeep at kasama ko pa ang lalaking gusto ko.
At ayaw kong masira ang magandang alaala na nakasama ko siya dahil sa lalaking katabi ko.
Halata sa boses ko na nauutal pero hindi na ako nagreklamo dahil binalaan na niya ako kanina.
Natatakot rin akong magsumbong na baka kapag nalaman niya ay hindi na matuloy ang next time namin.
Baka hindi na siya pumayag na isama ako sa pagko-commute.
Nang marinig ng lalaking katabi ang sagot ko ay ngumiti ito sa kin.
Mas lalo pa niyang pinagsamantalahan ang pananahimik ko.
Mas lalo pa nitong diniinan ang kamay sa hita ko dahilan kung bakit napakapit ako nang mahigpit kay Petrus.
Sunod-sunod ang ginawa niya nang paghawak sa hita ko, pasimple niyang hinihimas at gustong-gusto ko na talagang sumigaw.
Lalo na ng sinadya niyang gaanan ang haplos kaya napausog ulit ako sa tabi ni Petrus.
Halos masiksik ko na siya sa dulo ng jeep malapit sa pinto dahil hindi ko mapigilang matakot para sa seguridad ko.
"Bakit ba?" tiningnan niya ako ng masama dahil meron siyang pagdududa.
"Wala," pagmaang-maangan ko rito kahit na ang totoo ay gusto ko nang umiyak.
Pero kahit na nagsinungaling ako ay halatang hindi siya naniniwala sa akin.
Kunot noo niyang tiningnan ang katabi ko at nakatiim bagang na ang kaniyang mga panga.
"Sigurado ka?" Tumango ako agad at nginitian siya.
"Malapit na ba tayo?" nahihirapan kong tanong at mas lalo lang akong pinawisan ng malamig.
"Heavy traffic kaya medyo matatagalan tayo," tugon niya sa akin at napapikit na lang ako bigla sa aking mga mata dahil sa narinig.
Matagal-tagal bago ko minulat ang aking mga mata at pilit na kinakalma ang aking sarili.
Naghalo ang takot at inis dahil matatagalan pa ang pagtitiis ko sa manyak na katabi ko.
"Palit nga tayo," sabi ni Petrus sa akin nang biglang huminto ang jeep.
Dinig ko ang matunog niyang hininga na para bang nawawalan na ng pasensiya.
At kanina ko pa siya nakikitang nakakuyom ang mga kamao.
Tumango ako at hindi na nagdalawang isip pa para makipagtalo sa kaniya.
Para akong nabunutan ng tinik dahil makakaiwas na ako sa panghihipo ng lalaki.
Napangiti ako at umayos nang upo pero laking gulat ko nang bigla na lang na galit si Petrus sa lalaking katabi ko kanina.
Hinaklit niya ang damit ng katabi at ilang beses na nagmura.
"Putang*na mo," galit na saad ni Petrus sa lalaking ngayon at halos kainin na niya ito ng buhay.
Kinabahan ako sa nakikita ko dahil bigla na lang siyang nagalit kahit na wala naman akong sinumbong.
Kung pwede lang sanang hindi siya tingnan ay ginawa ko na dahil parang konting-konti na lang masasapak na niya ang katabi.
Takot na takot ang binata at nagmamadaling tumayo sa inuupuan.
Halatang guilty sa kanyang ginawa. Ngunit hinatak siya ni Petrus pabalik at mahigpit na hinawakan sa kwelyo.
Bakas sa mukha ng binata ang kaba ngunit desidido na si Petrus na h'wag itong pakawalan.
"Ma'am, Sir, sorry po," naiiyak nitong sambit at nagmamakaawa sa akin.
Sinigawan ako ni Petrus. "Hinawakan ka ba?!" galit at malakas ang ginawa nitong tanong.
Nakatulala lang ako kaya mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak nito sa kwelyo.
Nataranta ako at 'di magawang kumibo. Maging ang lalaki kanina ay labis ang pagkakabigla.
Wala naman akong sinabi kaya laking gulat ko kung paano niya nalaman?
Bago pa ako sumagot ay binalik niya sa lalaki ang nanlilisik niyang paningin.
"Gago, ka pala! Ang lakas ng loob mong manghipo pero takot ka naman pa lang mahuli!" galit na sigaw ni Petrus sa lalaki.
Halos hindi na pakahinga ang binata dahil sa mahigpit nitong hawak sa leeg. Kulang na lang ay sakalin niya ito ng tuluyan.
Sasapakin niya sana niya ang lalaki nang bigla ko itong niyakap sa likod. "Petrus hayaan mo na." Pigil ko sa kaniya.
Mabuti na lang dahil hindi niya tinuloy ang balak. Sinabihan ko siya pakawalan na ito ngunit hindi siya nakinig sa akin.
Inutusan niya ang driver na sa presinto na kami ibaba.
Nang makarating sa presento ay hinila niya ang binata papasok sa loob.
Kahit anong pagmamakaawa nito ay hindi siya pinakawalan. Nakaramdam din ako ng awa ngunit buo na ang naging pasya ni Petrus.
Pinaintindi rin nito sa akin na dapat itong maturuan ng leksyon upang hindi na ito umulit pa sa iba.