Parang matutunaw na naman ako sa paraan ng ginagawa ni Mark na paninitig sa akin kaya mas lalo akong hindi makagalaw ng maayos at makapagsalita! “Yung mga nangyari sa atin dito sa unit mo ay hindi ko ginawa sa iba,” pagpapatuloy niya. Mas lalo akong napapamura sa isip dahil seryosong seryoso siya sa pagsasalita at mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko! “Kagaya ng sinabi ko kanina… Hindi ako nagpapadalos dalos sa mga ginagawa ko. Hindi ko lang mapigilan pagdating sayo,” pagpapatuloy niya. Hindi ko alam kung paanong mag rereact sa sinabi niya kaya tumango lang ako at saka yumuko para ituon ang buong pansin sa pagkain kahit na halos hindi ko na malasahan ang pasta na kinakain ko! Ano bang dapat kong isipin dahil sa sinabi niya? Dapat ba ay matuwa ako na sa akin niya lang ginawa ‘yon