Nagpatuloy si Mark sa panonood sa akin habang nagluluto kaya sa halip na abutin lang ng kalahating oras ang pagluluto ko ay medyo natagalan dahil naiilang ako sa mga paninitig niya. He was assisting me while preparing the pasta sauce. Hindi ko tuloy maiwasan na pakiramdaman ang kilos niya lalo na at kumukunot ang noo niya at mukhang ayaw talagang maniwala na marunong akong magluto! Sa kakalingon ko sa kanya ay nabitawan ko tuloy ang sandok kaya kunot ang noong umalalay siya at inagaw sa akin iyon. “Nailagay mo naman na lahat ng dapat mong ilagay dito sa niluluto mong sauce ‘di ba?” tanong niya habang nakatingin sa akin. Marahang tumango lang ako dahil naiilang talaga ako sa presensya niya. “Tumabi ka na lang. Ako na dito…” pagpapatuloy niya at saka hininaan ang apoy at saka ipinagpatulo