Kumunot ang noo ko nang makitang busy pa rin si Justin sa pakikipag-usap sa kliyente nila. Nakaharap silang dalawa sa bundok at mukhang tungkol sa pag-akyat doon ang pinag-uusapan dahil nakikita ko pa ang ginagawa nilang pagturo doon. Napangiwi ako at walang wala sa isip na aakyat ako sa bundok ngayong araw! Ang plano ko sana ay panoorin lang si Justin na mag paraglide at pagkatapos ay tatanungin ko siya tungkol sa na-experience niya. Hindi ko naman akalain na gusto niya pala akong sumama sa pag-akyat sa bundok! Kinagat ko ang ibabang labi at napatingin sa suot ko. Sa suot ko pa lang ay mukhang hindi naman ako aakyat sa bundok kaya bakit ba naisip ni Justin na balak kong samahan siya sa pag akyat ng bundok?! Nang muling pasadahan ko ang suot ko ay mas lalo lang akong naiinis. I am weari