Dahil sa ginawa ni Mark na biglaang pagpunta sa opisina ko dito sa LEF ay buong maghapon yata akong wala sa sarili at parang nakalutang sa kung saan. Hindi mawala sa isip ko ang itsura niya matapos niya akong halikan at kausapin kanina. “Did you just come here just to… say that?” Kahit na malakas na malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko at sobra-sobra pa rin sa pag-iinit ang mga pisngi ko ay hindi ko mapigilan na titigan ang mukha niya. Ilang araw ko lang naman siyang hindi nakita pero bakit parang miss na miss ko siya? Ilang sandaling natahimik siya at nanatili lang ang tingin sa akin. Ilang sandali pa ay gumalaw siya at nag-iwas ng tingin. “Hindi,” sagot niya pero mahinang mahina lang. Kumunot ang noo ko at nanatiling nakatitig sa kanya. Hindi siya makatingin sa akin kaya mas lalo k