Hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng pabor na hiniling ko kay Mark. Ang alam ko lang ay simula noong nag-usap kami at sinabi ko sa kanya na tulungan niya akong makalimutan si Justin ay hindi ko na kailanman naisip si Justin. Ang isip ko at buong pansin ko ay napunta sa kanya kaya tuluyang nawalan ng pagkakataon na makapasok si Justin sa isip ko. Ngayon naman ay nagsisimula na akong mamroblema dahil pakiramdam ko ay mas lumalalim ang attraction na nararamdaman ko para kay Mark. Ilang araw na hindi kami nagkita at nag-usap sa personal pero nagagawa niya pa ring pasukin ang isip ko. His wisdom and his take on things is something that I started to admire about him. Sa ilang araw na pag-uusap namin sa phone ay nalaman ko na ang ilang detalye tungkol sa kanya at sa pamilya niya. H