THELIA'S POV Agad akong lumapit kay Jinx at naluha dahil ngayon nasigurado kong ayos na sya. Sa totoo lang ay nag-alala ako sa kanya no'n. Akala ko ay mawawala na ang baklang mataray sa 'kin. Pero gano'n pa man nakakunot ang noo nya sa 'kin na nakatingin habang ako naman ay nakangiti parin. “Hindi pa ako patay bakla ka,” sita nito sa 'kin. “Alam ko. Natuwa ako kasi buhay ka pa. At least, hindi ka pa tanggap sa langit.” “Aba? Jombangan kita d'yan makita mo,” sabi nito na ikinatawa ko naman. Umalis si Sven na hindi kami nililingon at napakunot ng noo sila Zapanta dahil do'n. Hindi ko na nagawang magsalita o nagpaliwanag pa. Lumapit si Midori sa 'kin at saka ako nito niyakap. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit kailangan pa nya akong iligtas gayong hindi rin naman a