TIARA'S POV Pilit kaming kumakawala kay Midori dahil kinulong nya kami sa sariling hawla nya. Masyadong magaling ito sa paggawa ng sarili na maging hawla. B'wisit ka talaga, Vrino. Sa oras na makawala ako dito papatayin talaga kita. Habang nakikita namin si Thelia na hinahabol ni Vrino ay hindi kami magkanda mayaw na makawala. Sa ganitong sitwasyon hindi namin magawang isipin na halos nataasan nya na ng kapangyarihan si Maximo at Vrino. Mas malakas sya kesa sa dalawa na 'yon at nakita ko kung paanong nasipa nya ng malakas si Maximo. Sa totoo lang alam kong may kapangyarihan sya na higit sa dalawa. Pero hindi ko aakalain na mas higit pa sa nakita ko. Ang kapangyarihan nya ay hindi gaya ng kila Maximo. Ang kanyang tapang ay nababalutan ng takot at alam kong ayaw nya lang 'yon ipaki