Wala siyang pakialam kahit naka paa lang siyang naglalakad sa Leonardo's Hotel ang mahalaga makaalis na siya sa lugar na iyon. Hindi na niya kayang magtagal pang kaharap si Matteo Leonardo na ultimo ang kinakain yata niya sa araw-araw ay napa imbestiga na nito. Umiiyak siya nang sumakay sa elevator. Pinagpasalamat niyang walang ibang tao roon, kaya naman malaya siyang umiyak ng umiyak sa sama ng loob. Pagdating sa lobby pinagtitinginan siya ng mga nadadaanan niya, marahil dahil nakapaa lang siya at umiiyak pa. Nagyuko na lang siya ng ulo at binilisan ang paglalakad palabas, para hindi na lang pagtinginan pa. Nag taxi na siya paglabas at nagpahatid siya sa pinakamalapit na mall para na rin makabili ng sandals niya at damit na ipamamalit sa mamahaling dress na suot niya. Tiyak kasi na pag