Agad niyang pinaupo si Aaliyah sa sofa nang makapasok na sila at iniwan muna ito para kuhanin ang emergency kit, hindi biro ang mga pasa nito sa mukha ay braso, mukhang napagtulungan ito. Kahit hindi na niya tanungin kung sino ang may gawa nito kay Aaliyah, may idea na siya. Walang duda na ang mga kasama nito bahay ang nanakit sa kawawang dalaga. "Matteo, ok lang kahit sa hotel room na lang ako magpalipas ng gabi, huwag na dito sa penthouse mo," sabi sa kanya ni Aaliyah nang balikan niya ito bitbit ang kahon ng emergency kit, para gamutin ang mga pasa nito. "Wala ka bang tiwala sa akin Aaliyah?" Tanong niya rito at naupo sa tabi nito at binuksan na ang box. "Hindi naman sa ganon Matteo, nakakahiya kasi sa iyo, hindi mo naman ako talaga kakilaala, para patuluyin mo dito sa bahay mo," lit