Pagkahatid niya kay Aaliyah sa bahay ng tiyahin nito agad na ring siya umuwi para magpahinga na. Pagod rin siya sa maghapong pagtatrabaho sa opisina. Kaya naman pinuntahan niya si Aaliyah sa school nito para makasama ang dalaga. Maganda naman para sa kanya ang kinalabasan ng pamamasyal nila ni Aaliyah sa Mall, kahit na may naging aberya dahil nakasalubong nila ang pinsan nito at napatunayan niyang hindi talaga maganda ang trato ng pamilya ng tiyahin ni Aaliyah rito. Napaka maldita at kontrabida ang dating ng pinsan ni Aaliyah. Kahit kanina palang niya kanina ang babaing iyon ay nakaramdam na siya ng inis agad at pagka disgusto. Alam niyang tinitiis lang ni Aaliyah ang kalupitan ng kaanak nito, dahil wala naman itong mapupuntahan pa. Ayon s PI niya ay wala ang sa pilipinas ang nanay ni Aa