Episode 9

1890 Words
Episode 9 Pinagpatuloy ni Trevor ang kanyang pagta-trabaho sa tindahan ni Pektong. Pero hindi ibig sabihin na may trabaho na si Trevor ay hindi na ako maghahanap ng sa akin. Ayaw ko na ibigay nalang sa kanya ang responsibilidad, gusto ko din tumulong at isa pa ako naman dapat talaga ang may trabaho. Nandito pa ako ngayon sa apartment ko. Tapos na kaming kumain ni Trevor sa aming breakfast at naghahanda na siya ngayon papunta sa palengke upang magsimula na ulit mag trabaho sa tindahan ni Pektong. Pinadalhan ko na din ng extra t-shirt si Trevor at bimpo kasi hindi maiiwasan na pawisan siya sa kanyang trabaho ngayon. “Hindi ka ba sasama sa akin doon?” tanong niya sa akin. Maliit akong ngumiti at umiling. “Magpapahinga lang ako dito sa loob. Ayoko din na makaistorbo sa’yo sa trabaho.” Hindi ko sinabi kay Trevor na maghahanap ako nang trabaho ngayon. Kasi baka mag volunteer na naman itong samahan ako at maka absent na siya sa kanyang trabaho. “Ganun ba, hindi ka naman istorbo sa akin sa trabaho eh. Mas nagaganahan nga ako mag galaw-galaw kapag nakikita kitang nakatingin sa akin.” Nakangiti niyang sabi. Mabilis naman akong umiwas nang tingin at lihim na kinurot ang aking sarili. Ayan na naman ang malakas na pagtibok ng aking puso! Nakakainis naman kasi si Trevor, bakit kailangan niya pang sabihin ‘yan sa akin?! “U-Umalis ka na nga lang!” Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. “Bye, crush! See you mamaya.” Sabi niya at kinindatan ako bago lumabas sa apartment at pumunta na sa kanyang trabaho. Nang makaalis na si Trevor ay agad akong dumiretso sa aking kwarto at nagbihis. Marami na akong inapplyan na trabaho online at luckily, may isang nag reply sa akin at ito ay ang Music Beat Agency. Isa itong music agency at ang trabaho na inapplyan ko dito ay mag handle ng isang singer. Nang tapos na akong makapagbihis ay umalis na ako ng apartment at sumakay ng aking kotse at pumunta doon sa building ng Music Beat Agency. Pagkarating ko doon ay may pinakita lang akong isang papel sa guard na pinapunta ako ng kompanya kaya mabilis din nila akong pinapasok. Agad ko namang tinanong kung nasaan si Ma’am Sheila, ito ang sumagot sa aking email at sabi niya ay hanapin niya ako kapag nakarating ako dito. Tinulungan naman ako ng isang babae dito sa building at sinamahan ako papunta sa opisina ni Ma’am Sheila. Nakarating kami sa 3rd floor at pumasok kami sa isang maliit na opisina. Nang makapasok kami ay may nakita agad akong babae na nasa 30s niya na ata na nakaupo ngayon sa kanyang table habang busy sa pag ti-tipa sa kanyang computer. Napatigil naman ito nang mapatingin siya sa amin. Ngumiti siya at tumayo. “You must be Ms. Uy?” nakangiti niyang tanong sa akin. Maliit akong ngumiti. “Yes, Ma’am.” Magalang ko na sabi. “Are you willing to work here, Miss Uy?” Mabilis akong tumango at ngumiti. “Of course, Ma’am!” Choosy pa ba ako? Mukhang maganda naman ang magiging trabaho ko dito at formal. “Good! Bago kita dalhin sa magiging trabaho mo, bibigyan muna kita ng little background sa Music Beat Agency. Actually, Music Beat Agency is part of the G Coleman Entertainment Company. Ang focus lang sa agency na ito ay alagaan ang mga singers, mag produce ng albums at humanap ng mga bagong talents! Maraming mga Subsidiaries ang G Coleman Entertainment Company, kagaya ng G Coleman Modeling Group, G Coleman Design Group, Coleman Artist Agency at marami pang iba.” Pag ku-kwento ni Ma’am Sheila. Hindi ko naman mapigilang mapanganga sa kanyang sinabi. Ang swerte ko pala dito! Pagmamay-ari pala ito ng mga Coleman. Bakit hindi ko natanong ito kay Naime?! Grabe, ang yaman talaga ng mga Coleman. Kung anu-ano nalang ang mga business nila at kahit saan ka tumingin ay may makikita ka talagang establishment o buildings na pagmamay-ari ng mga Coleman. “Bakit po G Coleman Entertainment Company ang pangalan, Ma’am?” pagtatanong ko. “G Coleman, stands for Gideon Coleman Entertainment Company. Pagmamay-ari ito ng bunsong anak nila Sir Anderson and Madam Rachel Coleman. Mahilig kasi kumanta ang bunsong anak ng mga Coleman kaya nakaisip si Sir Anderson na gumawa ng isang entertainment company para sa kanyang anak.” Napanganga ako. Wow! Grabe. Hindi ko kinaya ang sinabi ni Ma’am Sheila ngayon. Mahilig lang kumanta ang bunsong anak ng mga Coleman, ginawan na agad nang isang kompanya?! Grabe… ibang klase ang kayaman nila. “Nasaan po ngayon ang bunsong anak ng mga Coleman?” muli kong tanong. “Hindi namin alam. Matagal na naming hindi nakikita si Sir Gideon at madalang lang siyang pumupunta sa mga meetings, hindi ko nga matandaan ang mukha niya. Sabi pa sa mga balita ay binansagan itong the living boy version of Dora, mahilig kasi ito mag adventure.” Ito ata ‘yung naikwento ni Naime sa akin noon na pasaway na anak ng mga Coleman. Wala akong masyadong alam sa kanila kasi hindi naman ako mayaman at wala akong pakialam sa kanila. Nalaman ko lang naman ang pamilya nila dahil kay Naime kasi close ang pamilya niya sa mga Coleman at may pagtingin din siya sa panganay na Coleman na si Alec. Pagkatapos kwentuhin ni Ma’am Sheila ang tungkol dito sa kompanya ay agad niya akong sinamahan sa magiging table ko. Sa ngayon ay ang trabaho ko muna ay mag ayos ng mga files at mag encode, pero pagkatapos ng training ko dito ng isang linggo ay gagawin na akong scout ni Ma’am Sheila para makahanap ako ng mga new talents. Hindi si Ma’am Sheila ang big boss ng kompanyang ito, siya lang ang naatasan na mag lead sa mga new staff ng agency kagaya ko. 4 PM na nang matapos ang trabaho ko sa Music Beat Agency. Hindi ko mapigilang mamangha no’ng paalis na ako kasi may nakita akong isang sikat na singer na papasok sa loob. Marami palang mga talents ang agency na pinagta-trabahuan ko ngayon kaya hindi ko mapigilang ma excite kahit hindi naman ako mahilig talaga sa music at magaling kumanta. Sumakay na ako sa aking kotse at mabilis na umuwi sa apartment. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang wala pa si Trevor pagkarating ko. Agad akong nag bihis pambahay at naghanda ng makakain namin sa dinner. Habang naghihiwa ako ng gulay dito sa may kusina ay narinig ko ang pagkatok ng aking pintuan, kaya pumunta ako doon at binuksan ito. Nakita ko naman si Trevor na mukhang pagod sa kanyang trabaho. Maliit siyang ngumiti sa akin at agad na napaupo sa may couch at napasandal dito. Hindi ko pa pala na bibigyan ng susi si Trevor dito sa apartment. Kailangan ko na siyang mabigyan kasi may trabaho na din ako at baka ma late ako ng uwi. Nakita kong nakapikit na ngayon si Trevor pero alam ko naman na hindi pa siya tulog ngayon. Dumiretso nalang ako sa may kusina at kumuha ng malamig na tubig para ibigay kay Trevor. Bumalik ako sa may sala at bahagyang tinapik ang mukha niya. Napamulat siya sa kanyang mga mata at napatingin sa akin. Binigay ko naman ang baso ng malamig na tubig sa kanya at agad niya din itong kinuha at ininom. “Thanks,” sabi niya nang matapos niya itong maubos. Inigay niya naman ito may console table. Umupo ako sa kanyang tabi at hinarap siya. Napatingin naman siya sa akin habang nakakunot ang noo. “Okay ka lang?” tanong niya. Bumuntong hininga ako bago ko sabihin sa kanya ang tungkol sa aking trabaho. “May trabaho na ako.” Sabi ko. Nakita ko ang tuwa sa kanyang mukha. “Wow! Really? Congrats!” masaya niyang sabi at agad akong niyakap. Natigilan naman ako sa kanyang ginawa at muli ko na namang narinig ang malakas na pagtibok ng aking puso. Bahagya kong itinulak si Trevor kaya natigil na din siya sa pagyakap sa akin at muling bumalik sa kanyang pwesto. “Saan ka magta-trabaho?” tanong niya. “Sa Music Beat Agency ako mag ta-trabaho.” Napakunot ang kanyang noo. “Music Beat? Ano ‘yan, recording company?” Tumango ako at ngumiti. “Magaling ka bang kumanta?” muli niyang tanong. Nawala ang ngiti sa akin labi. “Bakit, marunong lang bang kumanta ang pwede mag trabaho do’n?!” “Chill! Nagta-tanong lang naman ako kung marunong ka bang kumanta. Ang simple ng tanong ko, pwede lang masagot nang oo at hindi tapos naiinis ka nalang bigla jan!” Nainis ako bigla. “’Yung tono kasi ng boses mo! Para kasing nang-i-insulto ka sa akin!” “Hindi kaya! Nag ta-tanong lang naman ako kung marunong kang kumanta, ba’t ka galit?!” “Hindi ako galit!” “Bakit ka sumisigaw?!” Tumigil ako sa aking pagsigaw at huminga ng malalim at pinakalma ang aking sarili. Nawawala talaga ang pagiging dalagang Pilipina ko sa lalaking ito, nagiging dalagang demonyita ako bigla kapag nanggigil ako kay Trevor. “Stop na, mawawalan ako ng boses nito.” Mahinahon kong sabi. Inirapan niya ako. “Ikaw naman ang nagsimula, tinatanong lang naman kita kanina.” “Hindi nga, hindi ako marunong kumanta!” inis kong sabi. Ngumisi siya at bahagyang lumapit sa akin kaya bahagya akong napaatras sa aking inuupuan. “Talaga? Ako, marunong akong kumanta.” Sabi niya at kumindat sa akin. Napakunot ang aking noo. “Bakit mo alam?” “Sinubukan ko lang kumanta tapos narinig ako ni Pektong, sabi niya maganda daw ang boses ko. Gusto mo bang marinig akong kumanta?” Bigla naman akong na excite sa kanyang sinabi. “Sige nga…” Ngumiti siya at nagsimula nang kumanta. Hey Beautiful, beautiful, beautiful, beautiful angel Love your imperfections, every angle Tomorrow comes and goes before you know So I just had to let you know The way that dress fall off you is amazing Love a miracle, a beautiful creation Baby come a little closer let me taste it You came a little closer now you're shaking Never ever gon' mislead you Don't believe the lies they feed you Stop and stare like a sculpture Painted in your colors Beautiful, beautiful life right now Beautiful, beautiful night right now Beautiful, beautiful by my side right now, yeah Habang kinakanta ni Trevor ngayon ang chorus ng kanta ni Bazzi na Beautiful ay hindi ko mapigilang matigilan at mapatitig sa kanya. Malakas pa din ang pagtibok ng aking puso ngayon at hindi ko talaga mapigilang ma attract sa kanya ngayon habang kinakantahan niya ako habang nakatingin sa akin. Maganda ang boses niya at malambing. Nakakawa ng problema ang boses niya kapag kumakanta siya, parang lumulutang ka sa ulap sa ganda ng kanyang boses. Mas lalo siyang guma-gwapo kapag kumakanta siya at hindi ko talaga mapigilang mapatulala. “How was it? Okay ba ang boses ko?” Napakurap ako sa aking mga mata at huminga ng malalim bago tumango. Hindi ako makapagsalita ngayon. Mukhang nahulog na talaga ako sa kanya, Trevor has already entrapped me! TO BE CONTINUED... 'Yung kinanta po ni Trevor ay Beautiful by Bazzi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD