Chapter 23 CLOVETT SALMIGAN POV: Sa kabila ng lahat ay nanatili pa rin akong positibo. Ano mang masalimuot na nangyari sa akin nitong nakaraan ay alam ko na malalampasan ko rin ito lahat. Hindi madali sa totoo lang… dahil nandoon na naman yung trauma na akala ko tapos ko ng maranasan pero hindi pa pala. Babalik at babalik ito pero kung hindi mo kayang labanan, talo ka..laging talo. "Kumain muna tayo love bago tayo umalis!" Paalala ni Carlos sa akin. Ngayon kasi lalabas si mama sa kulungan. Nakulong kasi siya ng ilang araw at hindi ko naman maasikaso dahil nasa state pa ako ng trauma. Halos ayokong kusapin ang lahat na nakapaligid sa akin. Kahit makita ang mukha ni mama ay hindi ko kaya, dahil naaalala ko pa rin. Nakapagpiyensya si mama sa tulong ni Carlos at ng kanyang mga magul