Chapter 24 CLOVETT SALMIGAN POV: Binilisan ko ang paglakad para makasakay na ako ng taxi. Mabuti na lang at may paparating sa gawi ko. Pero bago pa ako makapara ay may humablot na agad sa braso ko. "Where do you think you're going?" aniya. Hindi ko siya pinansin at pumara pa ulit ng taxi pero bigo ako dahil may kasakay. "Wait! Saan ka pupunta? Nasa parking area pa ang sasakyan natin!" nagulat siya dahil sa biglaan kong paglingon. Matalim ko siyang tinititigan. "Bakit nandito ka pa? Puntahan mo doon yung babaeng panay love sa'yo." sabi ko sa galit na boses. "Huh? Nandito sa harapan ko ang love ko." mas lalo akong nanggagalaiti na tumingin sa kanya. "Did I do something wrong? Nagtatampo ka ba dahil matagal akong nakabalik?" ito talagang lalaking ito, ang bagal makuha ang pinupunto k