“BAKLA ka siguro no?”
“Ha? Ako bakla? Hindi ako bakla no.”
“Sige nga kung hindi ka bakla. Umakyat ka nga riyan sa puno.”
Napatingin ako sa mataas na puno ng mangga. Habang pinagmamasdan ko ‘to tila ba nakikita ko ‘yong bawat madidilim na pinakasulok ng mga sanga-sanga nito sa pinakataas pa. Maraming mga bunga ‘to. Nakausli lang ‘yong malaking bahagi ng sanga ng puno dito sa labas ng bakod. Kanina pa kasi namin binabato na mga tsinelas namin kaso hindi naman tinatamaan—at ‘yong tsinelas ni Horsy napunta na sa kabilang bakod kaya naman nakayapak na ‘yon isang paa niya ngayon na meron pang kulay pula kasi bago kami maglaro rito sa labas kanina pinakialamanan na naman niya ‘yong ginagamit ng nanay niya sa paglilinis na kuko. Kung minsan nagdadala siya at pinipilit niya akong lagyan niya rin ng kulay ang kuko ko kaso ayaw ko kasi sabi ko nga hindi naman ako bakla kagaya niya.
Pero—sa totoo lang, nahihiya lang akong sabihin o aminin kasi nga magugulpi ako ng tatay ko at ng mga tito kong tambay doon sa kantong Masikip. Nagtitipon-tipon sila roon na parang laging meron silang pinaplanong masama sa lahat ng mga dayong napapadaan dito sa baranggay namin.
“Baka makita ako ni mang Goryo. Pagagalitan tayo noon.” Sagot ko’t habang pumaupo naman sa malaking bato si Horsy. Tusko lang sa kaniya ang Horsy kabayo kasi ‘yong tatay niyang lasinggero na kalasingan din ni tatay mahilig ‘yon tumaya sa karera doon sa kabilang baranggay kaya tinawag at tinutukso siyang kabayo—at bukod pa roon siya ang pinakamabilis tumakbo sa amin—at nagiging mukha na rin talaga siyang kabayo kasi naman parang humahaba ‘yong nguso niya. Pero mabait naman siya—at hindi madamot laging may dalang pagkain galing sa ref ng tita-tita niyang mayaman na meron malaking tindahan.
“Eh bakla ka pala eh. Takot ka duwag. Duwag.”
“Eh meron bang masama sa pagiging bakla? Ikaw n***o ka ha. Nakakainsulto ka. Bakit hindi ikaw ang umakyat diyan? Ikaw ata ‘tong baklang n***o eh.”
“Hoy tumigil ka baklang kabayo. Hindi ako bakla. Lalaki ata ‘to no at may syota na ako.”
“Yeeeh. Sabi na magsyota na kayo ni Anna Marie araw gabi walang panty.” Kantyaw pa ng isa pa naming kasama—napatingin tuloy kaming lahat kay Anna Marie. Parang nahihiya siya na kinikilig kasi nga crush niya rin ‘tong si Boy n***o. Hindi naman ‘to pogi. Leader-leaderan lang kasi talaga siya kaya siguro nagugustuhan ni Anna Marie at siya ata pinakamatanda sa amin o baka sadyang malaki bulas lang siya kagaya ng kuya niyang malaking tao at ‘yong tatay niyang malaki rin pati tiyan, kahit nanay niya malaking babae rin ‘yon at malaki rin ang dede.
“Kiss kiss kiss!” Pagpapatuloy na panunukso ng iba pa naming kalaro. Nasa sampo kami ngayon dito at kahit isa sa amin—walang makatama ng hagis ng tsinilas sa bungga ng mangga.
“Iniiba niyo naman ang usapan eh. O’ ano na Sid? Aakyat ka ba diyan pre? O’ hindi?”
“Sige na pare akyat ka na. Ikaw lang ‘tong magaling umakyat sa atin eh. Mana ka kasi sa tatay mong akyat-bahay.”
“Pakyo ka Toryo hindi akyat-bahay ang tatay ko no!” Irita kong pagkakasabi at ang dirty finger pa ako sa kaniya talaga—dirty rin talaga ‘yong bawat dulo ng kuko ko kasi nga naglalaro kami ng piko at patintero sa lupa kanina. Nagutom kami kaya nagkayayaan kaming magpunta rito sa puno ng mangga.
“Eh bakit nabaranggay ang tatay mo na nagnakaw sa kapitbahay nila aleng Mena kung hindi siya akyat-bahay?”
“Hindi siya akyat bahay kasi nga wala naman second floor ‘yong bahay na pinasok ng tatay niya.” Sabi ni Boy n***o at nagtawanan silang lahat—kinuha ko talaga tsinelas ko at pinagpapalo ko sila—dinambahan ako ni Toryo at akmang makikipagsuntukan sa akin pero mabilis na humarang si Horsy.
“Alam mo ikaw Toryo, lagi kang huli sa tsismis no. Napagbintangan lang ang tatay ni Sid kasi napadaan siya sa bahay na ‘yon na lasing. Siya nakita ng mga tanod. Ikaw nga ‘tong magnanakaw ‘di ba?”
“Anong ninakaw ko? Pakyo kang bakla ka ah.”
“Ninakaw mo ang puso ko.” Seryosong sabi ni Horsy at nagtawanan ang iba—kamuntikan na siyang suntukin sa mukha ni Toryo.
“Yeeeh. Kiss kiss kiss!” Kantyaw na naman ng iba habang nagpapalakpakan pa.
Mga bata pa kami—magwawalo pa nga lang ako bukas eh pero sigurado wala na naman handa para sa akin kasi wala naman kaming pera. Mahirap lang kasi si nanay at tatay kaya mahirap lang din ako—kami ni ate. Nag-aaral pa naman kami ni ate, college na siya ako elementary pa lang. Pero ngayon walang pasok kasi nga bakasyon pa kaya rin buong araw, araw-araw hanggang magdamag kaming naglalaro ng mga kasama ko, mga kaibigan ko o baka hindi ko sila lahat talaga kaibigan, mga kalaro lang.
“FINE FINE. Ako na ang aakyat. Nakakahiya naman sa mga lalaking kagaya niyo na bakla pa ang paakyatin niyo.” Sabi ni Horsy at napatingin siya sa akin, “…ibig kong sabihin, ako na bakla pa ang aakyat. At nasa kabila ‘yong tsinilas kong bagong bili ko no. Lagot ako kay father kapag umuwi ako nang nakapaa. Basta ha? Kapag nakita niyo si mang Goryo na papasok diyan sa gate nila sigawan niyo ako taas o sa kabilang bakod para makatakas ako kaagad.”
“Paano mo nalaman na manggagaling sa labas si Mang Goryo? Lagi naman ‘yon nandiyan sa loob ng lumang bahay niya.”
“Ano ka ba Sid.” Umikot mata niya, “…kanina nakita ko siya papunta sa malayong lugar. Basta, sigaw kayo kapag nandiyan na siya.”
“Okay sige. Aakyat na rin ako. Para may taga-tingin din sa taas at para mas marami tayong makuhang bunga.” Pagpi-presenta ko na rin at itinaas ko pa ang magkabilang manggas ng damit kong kanina lang kulay puti ngayon kulay brown na.
Tinulungan naman kami nila Toryo na makaakyat sa bakod. Pumatong kami sa likuran nila habang nakatingin lang talaga ang leader naming si Boy n***o. Kumapit ako sa maliit na sanga. Nakita naman kaagad ni Horsy ang tsinelas niya sa bundok-bundok na tuyong halaman. Napatingin ako sa malaking bahay—luma na talaga at parang meron multo sa loob. Wala nga rin ‘yong sasakyan ni mang Goryo sa paradahan nito. Tapos ang daming manok—ang daming kung ano-anong kahon na kahoy sa bawat gilid ng bahay. Dami rin iba’t ibang uri ng halaman at bulaklak—meron pa siyang nakakatayo na estatwa sa gitna ng damunan na putol ang mga kamay at nakatingin dito sa amin. Malaki rin ‘yon pintuan na meron tatlong hakbang na hagdan bago malapit doon sa pinto. Napatingin ako sa bintana at parang meron akong nakitang pumasilip, pumahawi pa ‘yong kurtina.
“Hoy Sid. Tulungan mo ako, bababa ako.”
“Ha? Ah—parang meron akong nakitang tao sa loob ng bahay.”
“Pinagsasabi mo, wala nga tao riyan. Wala si mang Goryo. Ikaw ha? Bakla ako pero hindi ako takot sa multo-multo na ‘yan. Hindi mo matatakot ang isang kagaya ko at tirik na tirik ang araw oh? Siguro ‘yan mamayang gabi bubuhos na naman ang malakas na ulan niyan. Natakpan mo na ba ‘yon butas sa bubong niyo? Sabi ko sa’yo, lagyan mo lang ng bubble gum ‘yon butas para walang tulo.”
“Wala akong pambili ng bubble gum.”
“Ano ba ‘yan Sid. Ang poor-poor niyo talaga poor pa kayo sa daga. Mamaya kukupit ako sa tindahan ni Tita bibigyan kita. Sige na help mo na muna ako, baba muna ako at huwag kang titingin sa bahay na ‘yan para wala kang nakikita na kung ano-ano. At kung meron kang nakikita talaga, huwag mo na lang sabihin sa akin. Okay?” Umikot na naman ‘yon mata niyang malaki.
Kinapitan ko ‘yon kamay niya—hinigpitan ko ‘yon hawak ko sa sanga. Maingat siyang pumabababa sa kabilang bakod.
“Hoy, mga bakla. Ano na? kumuha na kayo ng bunga. Gutom na kami.”
“Mga patay gutom. Maghintay kayo! Kukunin ko pa tsinelas ko.” Sigaw sa kanila ni Horsy—at pumabitaw siya sa akin at lumundag sa kabila medyo mataas pa kaya bumalintong talaga siya sa lupa, “…aray ko! bakit mo ako binitawan Sid?!”
“Ikaw ‘tong bumitaw.”
PUMITAS ako ng mga bunga. Sinasalo naman nila Toryo ang hinagahis ko sa kanila—napatingin ako sa baba at nakita kong nagmodel-model pa si Horsy sa estatwa. Meron na siyang bulaklak sa tainga niya na malamang pinitas niya sa tanim ni mang Goryo.
“Hoy, bakla. Tara na rito—”
“Kaya mo na ‘yan Sid. Grabe ang lawak pala dito sa loob no? Sarap maglaro rito ng ten-twenty o kaya one by one. Ganda ng damo hindi makati sa paa.”
“Umakyat ka na kaya rito.”
“Sid!” Sigaw ni Toryo—
“Oh?” Napatingin ako sa kaniya—pumaturo siya at nakita ko ‘yong mga tanod. Nakita silang mga nasa baba at pinagsisita naman sila—nagsipagtakbuhan silang lahat.
“Anong nangyayari diyan?” Taranta ni Horsy.
“Shhh! Meron mga tanod.” Sumiksik talaga ako gilid ng sanga—at napansin ko na papalapit dito ‘yong tanod kaya ginawa ko lumundag talaga ako sa kabilang bakod. Tumama ‘yong balakang ko sa bato at sobrang sakit pala talaga ‘yong malaglag. Kaagad naman lumapit sa akin si Horsy. Umaaray pa ako—pero tinakpan niya bibig ko ng maruming kamay niya.
“Shh. Huwag ka maingay. Malalaman nila na nandito tayo. Isusumbong nila tayo kay mang Goryo.”
“Hoy mga bata—umalis kayo riyan sa bahay ni Mang Goryo. Lagi kayong sinusuway puntahan pa rin kayo ng puntahan dito.” Naririnig namin sa kabilang bakod.
“Anong gagawin natin? Susumbong tayo kay Mang Goryo at sa mga nanay at tatay natin.”
“Shh... alam ko na.” Sabi niya’t— “…meow. Meow. Meow!”
Napakunot talaga noo ko sa ginawa niya—kaya naman nag meow-meow na rin ako.
NANG mapansin namin na nag-alisan na ‘yon mga tanod. Tumigil na kami sa pag-meow-meow.
“Hindi ko alam na meow pala ang sinasabi ng kabayo.” Sabi ko’t pinalo niya braso ko.
“Alam mo hindi ko alam kung friends kita o pini-friend mo lang ako kasi maganda ako.” Sabi niya’t sumama talaga ‘yong mukha ko sa pagkakasabi niya, “…sama ng ugali mo Sid. Ako nga lagi nagtatanggol sa’yo kay n***o tapos hindi mo ako sinusuportahan.”
“Hindi ka naman kasi maganda eh.”
“Gago ka.” Sabi niya’t nagtakip siya ng bibig at pinalo-palo niya labi niya, “…sorry Dear Lord, hindi na ako magmumura. Promise.” Biglang napadasal pa at tumingin pa sa langit kitang-kita ko tuloy ‘yong ngipin niyang parang papalabas sa bibig niya ‘yong tubo, hindi kagaya sa ngipin ko na tuwid lang at papantay na, wala na akong baby teeth, lahat ng pumatutubo ay permanent teeth ‘yon ang sabi ni ate kaya dapat daw ingatan ko at magsipilyo kaso nakakatamad magsipilyo. Hindi talaga maganda si Horsy pero mabait naman siya at matapang kaya siguro kahit bakla siya—hindi siya pinagagalitan ng tatay niyang lasengero.
“Paano kung sabihin ko sa’yong totoo ang tinutukso sa akin ni n***o na bakla ako?”
“Alam ko naman ‘yon.”
“Alam mo?”
“Oo. Ikaw na lang ata hindi nakakaalam.”
“Hoy, sapalagay mo ba alam ni tatay at ni nanay na—kagaya kita?”
“Na kabayo?”
“Ewan ko sa’yo. Umalis na nga tayo rito. Kalimutan mo na ‘yon sinabi ko. Hindi ako bakla. Joke ko lang ‘yon.”
“Ano ka ba, inamin mo na sa akin huwag ka mag-alala, hindi ko ipagkakalat.”
“Okay.” Napangiti ako’t tumayo na kaming dalawa.
Siya ang una kong tinulangan na makaakyat sa pader—pumatong siya sa balikat ko habang pumatatayo ako. Noong nasa taas na siya—sumilip-silip pa siya kung meron pang mga tanod.
“Sid…”
“Oh?”
“Huwag kang gagalaw.”
“Bakit?”
“Basta!” Pagkasigaw niya biglang meron tumahol sa likuran ko. nanindig talaga ang bawat balahibo sa buong katawan ko. napatingin pa ako salikuran ko—meron isang malaking bulldog na parang nakawala sa tali o baka pakawala, “…dalian mo Sid! Kumapit ka sa akin!”
“Hindi ko maabot kamay mo! Sabi ko sa’yo may tao sa bahay eh!”
“Hindi tao ‘yan bulldog ‘yan! Dalian mo—” Sabi niya’t lumulundag-lundag ako para abutin ko kamay niya. Kasu nadudulas ang kapit namin dahil sa takot—mas takot na takot ako kasi lalong lumalakas ang tahol ng aso at ako ‘tong narito sa baba. Mangiyak-ngiyak na ako. Natataranta ako. Hindi ako makapag-isip ng dapat kong gawin.
Biglang bumukas ang pintuan ng malaking bahay.
“Ahhhhh!” Narinig kong sumigaw si Horsy—at basta na lang narinig kong lumagapak siya sa kabilang bakod, “…araykupo. Sakit—hoy, Sid. Ayos ka lang ba diyan?”
“Hindi—mamamatay na ako rito.” Umiiyak na ako talaga. Para na akong mapapaihi sa takot—‘yon aso kasi umaakma-akma na. Nakasandal lang ako sa pader ng bakod.
Tuluyan ng bumukas ang pintuan at lumabas ang isang lalaki na parang ngayon ko lang nakita rito sa baranggay namin. Hindi siya si mang Goryo—parang mama na rin ang isang ‘to pero mukha pa rin naman binata, hindi ko alam hindi ko masabi, kasi basta alam ko kapag malaki na, matanda na sila. Siguro, kaedaran ng mga pinsan kong tambay pero mas pogi siya kumpara sa mga pinsan ko. Nakatingin siya sa akin at parang kahit anong oras uutusan na niya ang alaga niyang aso na ipalapa ako.
“Sid. Tumakbo ka sa gate. Dalian mo!” Sigaw ni Horsy sa kabila—hindi niya pa rin ako iniiwanan talaga.
“Bata, huwag kang kikilos.” Narinig kong sabi ng poging lalaki. Napu-pogian talaga ako sa kaniya—ngayon lang ako napogian ng ganito sa lalaki, may bigote at meron pang balbas sa baba, maitim ang buhok na magulo tignan. Marami lalaki rito sa baranggay pero siya ata ‘yong nagpatibok sa pusong bakla ko. Humakbang siya sa hagdan—napalunok ako, “…huwag kang aalis diyan.” Napailing-iling ako kasi alam kong ipapakain niya ako sa alaga niya—
At nang maisip ko ang salitang alaga, parang atomatikong lumabas na talaga ang kabaklaan ko’t napatingin ako sa nakabakat na alaga niya sa loob ng manipis na shorts na suot niya. Nalunok ko ang laway ko at sigurado akong nalasahan din talaga ng kaluluwa ko ‘yong laway na nilunok ko. Napatingin ako sa gate at nakita ko si Horsy, bigla na naman nagtitinahol ‘yon aso.
“Huwag!” Sigaw ng lalaking pogi pero napatakbo na talaga ako. Habang papalapit ako sa gate kitang-kita kong nag-aalala sa akin si Horsy. Pagkakapit ko sa bakal—
Damang-dama ko ‘yong sobrang sakit na pagkakasakmal ng aso sa puwit ko.
“ARAY!”
Ramdam na ramdam ko ‘yong matatalim na nginip ng aso na tila pumabaon talaga sa balat ng puwitan ko.
NAILAYO sa akin ‘yon aso ng lalaki. Nakaupo ako sa gate habang hawak-hawak ko ‘yon puwit kong sobrang sakit talaga. nakita kong tinatali ng lalaki ‘yon asong tahol ng tahol pa rin sa gilid ng bahay. Napatingin ako sa kalangitan—nakikita ko na para namang pumababalot ‘yong malaki at maitim na ulap sa kanina lang ay maaliwalas na panahon.
“Sid. Tumayo ka riyan. Umakyat ka na.”
“Hindi ko na kaya—mamamatay na ako.”
“Gago ka.” Sabi niya’t hindi na ako lumingon pa sa kaniya, “…sorry Dear Lord, ‘to kasing si Sid.”
Napapikit ako ng may pumatak na ulan sa mukha ko. Paisa-isa hanggang sa parami ng parami. Napatingin ako sa lalaki at nagmamadali siyang lumapit sa akin.
“Sabihin mo kanila nanay at tatay na nandito ako. Iwan mo na ako, Horsy.”
“Hindi kita iiwan friends tayo ‘di ba?”
“Umalis ka na. Baka madamay ka pa!”
“Babalik ako Sid. Tatawag ako ng tanod.” Sabi pa nito’t tumakbo na siya papalayo bago pa makalapit sa akin ‘yon lalaki. Lumakas na lalo ‘yong buhos ng ulan at basang-basa na ang poging mukha ng lalaking pumaluhod sa harapan ko.
“Sinabi ko naman sa’yo huwag kang tatakbo.” Maamong pagkakasabi niya.
“Wala kang sinabing huwag akong tatakbo.” Sagot ko talaga—
“Wala ba?”
“Wala.” Tugon ko’t bigla niya akong binuhat, “…anong gagawin mo sa akin?”
“Ipapasok kita sa loob ng bahay. Kailangan natin lagyan ng bawang ‘yan kagat sa’yo ni Brutos at basang-basa na rin tayong dalawa ng ulan.”
Hindi na ako nakapagsalita pa. Pumakapit ako sa balikat niya—nakatingin ako sa kaniya habang karga-karga niya ako. Matigas pala ang mga masels niya.
PUMASOK kami rito sa loob ng bahay ni Mang Goryo. Pinaupo niya ako sa sofa. Hindi pala upo—kasi masakit puwit ko. Pinadapa niya lang ako. Kumikirot talaga ‘yong kagat sa akin ng aso nila si Brutos—pakiramdaman ko talaga humihiwalay na ‘yong kaluluwa ko kasi nga sobrang sakit ng kagat ng aso sa puwit ko. Syempre ang kaluluwa ko nasasaktan din at para hindi na siya masaktan iiwanan na niya ang katawang lupa ko at mamamatay na ako.
Nakakatakot ang makagat na aso dahil nakakamatay daw dahil sa rabbies at pakiramdam ko kumakalat na ang rabbies sa buong katawan ko. Kapag namatay na ako ngayon, ipapakain na niya ako ng tuluyan sa aso nila si Brutos. Bata, bata ko pa, mamamatay na ako kaagad. Hindi pa nga ako nakakapagtapos ng pag-aaral ko at hindi na ako makakapaglaro pa. Hindi ko na sila makakalaro baka maging multo na ako at matatakot na sila sa akin. Hindi ko naman gustong takutin ang mga kalaro ko. Magiging malungkot na multo ako at makakalimutan ng mga mahal ko sa buhay habangbuhay.
“Bata, ayos ka lang ba?” Boses nung lalaki. Nakasubsob kasi mukha ko sa malambot na sofa. Ginilid ko mukha ko’t napatingin ako sa hubaran niyang katawan. Mamasa-masa pa rin ‘yon balat niya—bakit naman siya nakahubad? Uh—meron pa naman siyang shorts, hindi pa siya nakapagpalit at mas lalo ko tuloy nakikita ‘yong hulma nang malaking alaga niyang nakapayuko—at ang haba naman nito masyado, “…hoy, bata. Ayos ka lang ba?”
“Mamamatay na ako. Iuwi mo na po ako sa amin.”
“Iuuwi kita kapag tumila ang ulan at lilinisan ko muna ‘yan kagat sa’yo. Huwag ka mag-alala, napabakunahan na namin si Brutos pero syempre kailangan pa rin natin makasiguro.” Sabi niya’t humila siya ng isang upuan na may apat na paa. Pumabukaka siya’t para tuloy nakikita ko ‘yong singit niya. Mamamatay na lang ako—kung ano-ano pang nakikita ko, “…huhubarin ko ‘tong shorts mo ha.”
“Ha?”
“Lilinisan ko ang kagat sa’yo. Lalagyan natin nito—ng bawang.”
“Hindi na ako mamamatay kapag nilagyan mo ng bawang?”
“Oo—o hindi ko alam.”
“Anong hindi mo alam?”
“Nakagat na ako ng aso—ilang beses na noong kaedaran kita. Bawang lang nilalagay sa bawat kagat. Hindi naman ako namatay—kaya hindi ka mamamatay.” Sabi niya’t napaiyak ako, “…hoy, bata—huwag ka nang umiyak.”
“Lagot ako kay nanay at tatay kapag nalaman nilang nakagat ako ng aso. Pagagalitan nila ako—malalaman nilang umakyat ako ng puno dito sa bahay ni Mang Goryo.” Sabi ko habang binababa ko ‘yong shorts ko hanggang sa mailabas ko ‘yong puwit ko. Napatingin ako sa reaksyon ng mukha niya—parang hindi ko nagustuhan, “…bakit? Malaki ba kagat ng aso? Sabi ko sa’yo—mamamatay na ako.”
“Hindi—maliit lang. Malayo sa bituka.”
“Malapit sa bituka ang puwit.”
“O’ siya. Medyo masakit ‘tong gagawin ko ha?”
“Gaano kasakit?” Tanong ko’t bigla niyang piniga-piga ang kagat ng aso—napahiyaw talaga ako sa sobrang sakit lalo pa’t bigla niyang binuhusan ng alcohol. Basta—napahawak ako sa hita niya. Sinumulan niyang kaskasan ng bawang ang puwit ko. Sobrang sakit talaga—pinipilit ko na lang ‘yong sakit para hindi pa ako mamamatay talaga. Hindi ko na namalayan kung gaano niya katagal na pinapahiran ng bawang ‘yong puwit ko.
Tumayo na siya. Tinapalan niya lang ata ng tissue ang puwit ko at nilagyan lang ng scotch type. Huminto na lang din ako sa kakaiyak ko.
LUMIPAS ang ilang oras pero walang dumarating na tulong. Malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas. Napahiram niya ako ng malaking damit niya at shorts niya na sobrang luwang sa akin. Nakasampay ang damit at shorts ko sa hawakan ng hagdan. Nakabukas ang TV at nanunuod siya ng basket na laging pinanunuod ng mga tambay sa karinderya sa sakayan ng mga tryke sa labasan.
“Anong oras na? Kailangan ko na umuwi. Hinahanap na ako sa amin.”
“Kung hinahanap ka. Sana kanina pa nagpunta rito ‘yon mga naghahanap sa’yo. Alam naman noong kaibigan mong tumakbo na nandito ka ‘di ba? Magpahinga ka lang diyan bata. Pagtila ng ulan mamaya—ihahatid kita sa inyo. Maaga pa naman. Madilim lang sa labas.” Sabi niya’t pumatingin siya sa akin. nakadapa pa rin ako sa sofa. Pero meron nang kutson akong kinadadapaan. Pumakikirot-kirot pa rin ang puwit ko, “…alam mo bang papatayin si Brutos kapag nalaman niyang nakakagat ‘to?”
“Ha?”
“Magpupunta rito ang mga magulang mo at magdudulot ‘yon ng pagkainis ni Goryo sa aso. Hindi siya magdadalawang isip na patayin ‘yon.”
“A-anong gusto mong gawin ko?”
“Huwag mo sasabihin nakagat ka ng aso pagkahatid ko sa inyo. Tuwing alas otso ng umaga. Pumunta ka rito para gamutin natin ang sugat mo sa puwit hanggang sa gumaling.”
“Bakit alas otso?”
“Dahil umaalis si Goryo ng ganoon oras. At swerte lang ni Brutos ngayon dahil uumagahin siya ng uwi. Ibig sabihin hindi ka niya maabutan dito sa bahay. Isa pa, kasalanan mo rin naman ‘di ba? Umakyat ka sa bakod namin. Trespassing ‘yong ginawa niyo ng kaibigan mo—mas lalong magiging komplikado at magkakabaranggayan pa. Gusto mo bang mangyari ‘yon bata?”
Napailing-iling ako, “…pero sigurado ka bang hindi ako mamamatay?”
“Hindi at sinisigurado ko sa’yo na gagaling ang sugat mo sa puwit at hindi ‘yan magpipeklat na parang hindi ka nakagat ng aso basta araw-araw ka lang magpunta rito para magamot natin ‘yan. Ayos ka ba doon?”
“Okay.”
“Ano nga pa lang pangalan mo bata?”
“Cedrick. Cedrick Centino. Pero tawag sa akin ay Sid. Ikaw—hindi namin alam na may anak si Mang Goryo. Ano pangalan mo?”
“Hindi anak ni Goryo. Nakababatang kapatid niya ako. Sam. Samuel Salvador.”
[[ 10 YEARS LATER ]]
“SIR, papasok na po tayo rito sa Ngala. Hindi pa po updated sa Locanator ang lugar na ‘to.” Panggigising sa akin ni manong driver na kinontrata ko kanina sa airport. Napatingin ako sa labas ng bintana. Magdadapit hapon pa lang naman. Nasa kahabaan pa kami ng highway talaga. Napatingin ako sa malaking signboard na meron nakalagay na Ngala pakaliwa, “…pasensya na po kung naabala ko kayo sa pagtulog niyo. Gigisingin ko pa rin kayo kasi nga hindi ko alam kong saan ko po kayo mismo ibababa.”
“Ayos lang po manong. Pasensya na nakatulog ako. Sige po, ituturo ko na lang sa inyo pagkapasok po natin sa loob at hindi po Ngala, N Gala po. Nakahiwalay po ‘yong N sa Gala kapag babasahin niyo.”
“Ah ganoon po ba sir. Dalawang beses pa lang kasi nakapagsundo rito sa lugar niyo.” Sabi niya’t sabay iniliko niya ang sasakyan papasok na nga sa dating lugar na kinalakihan ko. napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ko ang mga talahiban na naalaala kong Nadaanan ko rin noong lumabas ako ng lugar na ‘to. Wala pa rin pagbabago sa lugar na ‘to at kagaya nga ng sinabi ni Manong, wala pa sa app ‘tong loob ng Ngala. Maliit lang naman na lalawigan ‘to—kasunod ng San Pedro. Wala pa ata sa kalahati ‘to ng San Pedro. Bago ako umalis dito, sabi-sabi na noon na idi-develop nga raw ‘tong lugar na ‘to pero hindi naman matuloy-tuloy talaga at parang napabayaan na talaga ng panahon ‘yong mga umaasang mapapatayuan ng magandang bahay. Ganunpaman—masaya sa loob NGala, masaya kung taga rito ka pero kung taga labas ka, hindi magiging masaya ang pagbisita mo kaya nga nahirapan akong kontratahin ‘tong si Manong kanina. Meron naman mga bus papunta rito kaso magpupunta pa ako sa Terminal at pagbaba ko sa Terminal sasakay pa ako ulit ng jeep at tryke bago marating sa Baranggay Patay na Lupa.
Nahahati sa tatlo ang NGala. Hindi lang sa lugar kung ‘di pati ‘yong estado ng mga nakatira rito, lugar ng sakto sa buhay sa Bagong Bato o itong bungad, mayayaman sa NCCP na dating Gintong Bato, ‘yon ang nasa gitna—at sa doon kami napadpad sa lugar ng mahihirap sa pinakadulo, sa Dulong Bato, halos malapit na kami sa dagat kaya maraming n***o talaga roon. Meron din namang mga mayayaman talaga sa baranggay namin at sa iba pang parte ng Dulong Bato pero mas marami ang mga buraot na mahihirap.
Dumaan kami sa Tulay na Ginto. Iyong nagdudugtong sa Bago at Dulong Bato. Maarte kasi ang mga taga-NCCP ayaw nila magpadaan sa lugar nila kung hindi taga roon sa kanila. Hindi talaga ‘to tulay, tinawag lang na tulay dahil nga nagdudugtong sa dalawang lugar. Nasa gilid ‘to ng NGala kaya nakikita ko sa kaliwa ‘yong dagat ng San Pedro at nitong lugar namin.
Isang oras mahigit lang ang biyahe mula sa Dulong Bato. Pinasok ni manong ang sasakyan niya sa maliit na eskinita at medyo nabigla siya dahil kung anong tahimik sa nadaanan namin siya namang ingay dito at dami ng tao.
“Bakit maraming tao rito sa lugar niyo sir?”
“Kasi wala naman pong pinagkakaabalahan ‘yong mga tao rito kung ‘di gumawa ng bata.” Pabirong sagot ko pero totoo naman talaga ‘yon. Factory ng mga bata ‘tong Dulong Bato. Hindi uso isang bata lang sa isang pamilya. Kung isa lang anak, asahan na dalawa naman ang asawa o tatlo. Kagaya ni nanay. Kapatid ko lang talaga si ate kay nanay pero magkaiba ang tatay namin, pero ayos naman ‘yong pakikisama sa akin noong naging tatay ko na tatay ni ate. Tatay na rin talaga turing ko sa kaniya.
At dahil sa naka-taxi ako. nakatingin ‘yong mga tsismosa na nagtitipon-tipon pa rin sa ganitong oras. Hindi naman pala talaga sila natutulog, magdamag pala ang tsismisan dito kasi kaliwa’t kanan ang pasugalan.
“…Manong, diyan na lang po sa Kanto Masikip.” Sabi ko’t tinuro ko sa kaniya ‘yong mga tambay na mas marami pa kaysa sa mga sidecar at motor. Dito lang naman sa labasan maraming tao talaga—pero sa looban, kaunti na lang, mga kalahati na lang ng mga nandito sa labas.
Ipinadara ni manong ang sasakyan at lumabas na ako pagkaabot ko ng bayad. Maliit na bag lang ang dala ko kasi hindi naman talaga ako magtatagal sa lugar na ‘to. Hanggang sa mailibing lang talaga si nanay tapos aalis na rin ako.
“Sid.” Pamilyar na boses na tumawag sa akin—at napalingon ako. Tinaas niya ang kamay niya’t gumuhit ang ngiti sa mga labi ko habang papalapit siya sa akin. Nakasuot siya ng itim na polo. Nakapantalon na hapit na hapit—at hindi pwedeng hindi babakat ang malaking alaga niya. Iniiwasan niya ‘yong mga tao hanggang sa makalapit siya sa akin.
Sampong taon na ‘yong nakakalipas at kung paano ko siya noon nakitang papalapit sa akin ganoon pa rin hanggang ngayon. Mas lalo siyang naging pogi ngayon, mas lumaki pa ang katawan niya, ang braso, ang dibdib, ang hulmadong abs niya na nakatago sa polo niya, o hindi ko alam kung may abs ba siya… at tatay na tatay na rin talaga ang datingan niya.
“…hindi nabanggit sa akin ni misis na ngayon ang dating mo, mabuti na lang at lumabas ako rito sa labasan. Kadarating mo lang?”
“Hindi rin po alam ni ate na ngayon ang dating ko. Dapat bukas pa kaso naisipan kong dumiretso na po rito.”
“Ganoon ba? Maligayang pagbabalik dito sa lugar natin, bata.” Pagbati niya’t ginulo-gulo niya ang buhok ko.
“Salamat po, Kuya Sam.”
“Tayo na sa looban.” Sabi niya’t kinuha niya sa akin ang dala kong bag at inakbayan niya ako, “…at masanay ka nang tawagin mo akong… bayaw.”