[[ INTRODUKSYON IV ]]
“MAYROONG pulis sa bahay niyo, Sid.” Humahangos na sabi ni Horsy—at parang galing siya sa malayuang pagtakbo. Pumahawak pa siya sa magkabilang tuhod niya at nakalawit ang dila niya habang patuloy ang pagkahingal niya… para talaga siyang kabayong pagod na pagod na galing sa karera.
“Ha? Bakit? Anong meron? Bakit meron pulis?” natarantang tanong ko rin. Nakikipaglaro ako ng teks sa ibang mga bata na hindi ko kakilala pero nandito naman si Toryo. Kanina pa ako nananalo talaga—isang dangkal na ang teks ko. Meron akong pambili kasi ng teks kasi nabigyan ako ng pera ulit ni tita ni Horsy kahit hindi ako nakipag-usap sa mga doktor ko kahapon, basta lang binigyan niya ako kanina ng pera. Pinalalago ko rin ‘tong teks para sana maibenta ko sa ibang bata.
“Ano ba bata, tira ka na. Talo na ako oh.” Sabi pa ng kalaban kong sinisipon na—meron siyang mga kalarong kasama at ‘yong isa maraming pang-teks, hinihintay niyang matalo ko ang kalaro niya para siya naman lumaban sa akin. Hindi nila ako matalo-talo kasi magaling ‘yong pamato ko.
“Hoy, ikaw bata ka—dayo ka lang dito ha. Itong may pulis nga sa bahay nila tapos gusto mo pa rin maglaro ‘tong si Sid.”
“Hindi siya pwedeng umalis, talo na ako. At kung may pulis sa bahay nila. Usapan ng mga matatanda na ‘yon, ng mga nanay at tatay nila at kung magnanakaw dapat lang hulihin at ikulong.”
“Pakyo. Hindi magnanakaw ang nanay at tatay ko!”
“Pakyo ka rin! Ibalik mo muna sa akin mga teks ko kung aalis ka. Kaya ka siguro na nanalo kasi manduduga ka, kanina ka pa namimektos. Mana ka sa nanay at tatay mo dapat lang ikulong!”
“Pakyo ka!” Binato ko sa kaniya lahat ng hawak kong teks at dinambahan ko talaga siya ng suntok hanggang sa matumba siya’t pinaibabawan ko siya. Biglang dumami ‘yong mga bata sa palibot namin habang si Toryo naman pinagdadampot ‘yong mga nagkalat na text. Hindi makaganti sa akin ang batang dayo. Basta nahila ako ni Horsy—susugod pa sana ‘yong lalaki pero humarang na si Toryo hawak-hawak ‘yong mga teks ko. Umiiyak ‘yong bata at sinasabi niyang magsusumbong daw siya sa mga kuya niya. Hinila na lang ako ni Horsy at tumakbo na lang kami hanggang sa makarating kami rito sa bahay.
Daming tao, mga kapitbahay at nakita kong inilalabas si tatay ng isang pulis. Meron siyang posas—at si nanay naman naiyak. Hindi ko alam kung nasaan si ate.
“Tatay!” Hinarang ko talaga ‘yon mga tao at tumakbo ako kay tatay at niyakap ko siya.
“Sid, anak—doon ka na muna sa nanay mo.”
“Ano bang nangyayari tay? Bakit ka nila ikukulong?” Mabilis lang talaga akong umiyak—napatingin ako sa isang pulis na kalalabas lang ng bahay, nakilala ko siya—hindi pala nakilala, namukukhaan ko siya, siya ‘yong pulis na nang-ihi sa akin noong matagal na gabi na ‘yong lumipas—at nakita ko sa kamay niya ‘yong silver na napulot ko.
“Bata, lumayo ka na sa tatay mo. Dadalhin na namin ‘to sa presinto.” Sabi ng isa pang pulis. Naguguluhan ako—nalilito ako. Walang nagpapaliwanag sa akin sa kung anong nangyayari. Ginawa ko lumapit ako kaagad sa pulis, tumayo ako sa harapan niya. Magkasing-taas sila ni Kuya Sam, malaki ang katawan niya pero hindi ako natatakot sa kaniya. Pinunasan ko ang luha ko, “…bakit mo ikukulong si tatay?” napayuko siya’t napatingin siya sa akin.
Pogi din pala siya. Pogi na kagaya ni Kuya Sam. Pero kahit na pogi siya, masama pa rin ang ugali niya dahil hinuhuli nila si tatay.
“Nakikita mo ‘to bata?” Pinakita niya sa akin ang silver. Tumango ako, “…nakita ko ‘to sa loob ng bahay niyo. Sa akin ang isang ‘to pero hindi ‘to ang dahilan kung bakit namin kukunin ang tatay mo. Kukunin namin siya dahil meron nakapagturo sa kaniya na meron nga siyang pinasok na bahay. May record na ang tatay mo sa baranggay. Bata ka pa para maintindihan ang mga sinasabi ko pero isa rin ‘tong patunay, ‘tong silver na ‘to—na malikot ang kamay ng tatay mo.”
“Sa akin ‘yan!” Sabi ko talaga—at nilakasan ko ang boses ko. napakunot noo siya.
“Paano naging sa’yo ‘to?”
“Ako ang nakapulot niyan. Hindi ‘yan kay tatay. Hindi ‘yan kinuha ni tatay sa’yo. Hindi magnanakaw si tatay.”
“Saan mo napulot ‘to?”
“Sa damuhan kung saan ka umihi.” Sabi ko’t parang napatingin siya sa ibang mga tao, “…gabi ‘yon, gabing gabi na. Hindi mo lang ako nakita. Pagkaalis mo, nadampot ko ‘yan silver mo. Hindi ‘yan kinuha ni tatay sa’yo, nahulog ‘yan sa’yo.”
“Kung ganoon bakit hindi mo binalik kaagad sa akin?”
“Dahil nabasa ako ng ihi mo. Naiihian mo ako ng gabing ‘yon ng hindi mo napapansin.” Lakas loob kong pagsagot at hindi na siya nakapagsalita—parang nahihiya rin siya sa mga pinagsasabi ko dahil nga maraming tao na narito ngayon.
“Hindi ko alam ang sinasabi mo bata. Hindi ako umiihi kung saan-saan lang at hindi ko nahulog ‘to kung saan lang. Isa lang ang dahilan kung bakit napunta ‘to sa bahay niyo, ‘yon ay dahil sa pagiging malikot ng kamay ng tatay mo.”
“Hindi magnanakaw ang tatay ko!” Sabi ko’t pinalo ko talaga ‘yong harapan niya’t natamaan ko ‘yong malaking nakabakat sa pantalon niya’t napahawak din talaga siya. Bigla naman akong kinuha ni nanay.
NAGSIPAG-alisan na sila’t sinakay nila si tatay sa sasakyan nila. Pinapasok na ako ni nanay sa loob ng bahay at sinarado naman ni ate ang pintuan at ang bintana.
“Ano ba ‘yong mga pinagsasabi mo kanina Ced? Hinuli na nga si tatay, dinadagdagan mo pa ‘yong kakahiyan natin sa mga kapitbahay natin? Pinaratanganan mo pa ‘yong pulis na umiihi kung saan-saan at naihian ka pa?”
“Totoo naman ‘yong sinasabi ko ate. Hindi ako nagsisinungaling.”
“Anong hindi ka nagsisinungaling? Kinausap ni nanay ‘yong sinasabi mong kaibigan mong si Samuel. Wala raw siyang binibigay na pera sa’yo, ngayon, sabihin mo nga kung hindi ka nagsisinungaling? Baka nga mamaya, may kinalaman ka pa sa pagnanakaw ni tatay, baka kasama ka niya gabi-gabi sa tuwing nagnanakaw siya at siya ang nagbibigay sa’yo ng pera.”
“Hindi ‘yan totoo ate!” Bumibilis ang t***k ng puso ko—naiiyak na naman ako. at naiinis din ako kasi—sinabi ko kay Kuya Sam na sabihin kay nanay o kay tatay na siya ang nagbibigay ng pera sa akin.
“Inamin ng tatay mo na kasama siya sa mga umakyat sa bahay doon sa kabilang baranggay.” Mahinahon pagkakasabi ni nanay—at napailing-iling ako.
“Hindi ‘yan totoo nay. Hindi po magnanakaw si tatay. Baka napagbintangan lang po siya—kagaya noon.”
“Narinig mo naman ‘yong sinabi ng pulis kanina ‘di ba? May record si tatay? Ibig sabihin—hindi pala naabswelto ‘yon kaso nila sa baranggay. Pwede ba Cedrick, tanggapin na lang natin na ganoon talaga si tatay. Mabuti na nga ‘yon nakulong siya, wala naman siyang silbi rito.”
“At ikaw ate? Ano bang silbi mo?” Tanong ko’t bigla niya akong nasampal ng sobrang lakas. Bigla akong niyakap ni nanay. Pero humiwalay ako kay nanay—tumayo ako malapit sa pintuan, “…wala ka rin naman ginagawa rito sa bahay mula noong bumalik ka. Tapos lagi ka pang gutom at kung ano-ano pang hinihingi mo kay nanay at tatay kahit wala naman tayo pambili. Hindi mo ba naisip na kaya nagawa ni tatay ‘yong mga bagay na ‘yon dahil sa’yo?”
“Kupal kang bata ka ah! Umayos ka sa pananalita mo, ate mo ako!”
“Gusto kitang bumalik dito—pero ngayon naiisip ko, sana pala hindi ka na lang bumalik dito ate.”
“Tarantado!” Sinugod niya ako’t napaupo ako—tinakpan ko ang ulo ko’t pinagpapalo-palo niya ako sa batok ko, sa bunbunan ko. Nakakuha siya ng tsinelas at pinapapalo ang braso ko, kamay ko, hita ko, lahat ng parte ng katawan ko, “…wala kang respeto! ‘yan ang nakukuha mo sa pakikipaglaro mo sa mga bakla sa labas! Nagiging bakla ka na nga, nagiging bastos ka pa!”
Napahinto siya sa pagpapalo-palo sa akin. napatingin ako sa kaniya—
“A-ray. Uhh…” parang namimilipit siya sa sakit. Napahawak siya sa tiyan niya.
“Rosario—anong nangyayari sa’yo.”
“Nay—ang sakit po ng tiyan ko, nay… ahhhh! Uhhh!”
Meron akong nakitang dugo na tumulo sa hita niya.
“Diyos ko po. Anak—Sid, tumawag ka ng sidecar sa labas. Kailangan madala sa hospital ‘tong ate mo.”
“A-ano pong nangyayari kay ate nay? Manganganak na po ba siya?”
“Uhhh! Ang baby ko nay—”
“Sid! Tumawag ka ng sidecar!”
Napatayo ako’t mabilis akong napalabas ng bahay. Tumakbo ako kaagad sa labasan at nagtawag ako ng motor—dahil naisip ko na mas mabilis ‘yong motor kasya sa sidecar.
MABILIS naman sinakay ni nanay si ate at umalis sila. Naiwanan lang ako rito sa bahay. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko—litong-lito na ako. Si tatay nakulong, si ate manganganak na ata kaya sinamahan na siya ni nanay. Pero hindi pa naman malaki tiyan ni ate, ano bang nangyari? Bakit may dugo si ate? Ano mangyayari sa baby niya?
“Ayos ka lang ba Sid?” tanong ni Horsy, kanina nandito pa si Toryo pero tinawag siya ng nanay niya—parang ayaw ng nanay niya na makipaglaro na sa akin ‘yon anak niya, “…alam kong galit ka pa rin sa akin dahil sa nagawa ko. Hindi ko naman sinabi kanila n***o na bakla ka, si Anna Marie nagsabi.”
“Sinabi mo pa rin kay Anna Marie. Kaya nasabi niya sa iba. Galit tuloy sa akin si ate kasi iiniisip niyang bakla ako.”
“Hindi mo pa rin ba sinasabi ang totoo sa kanila?”
“Anong sasabihin ko? Na bakla ako kagaya mo? Ayaw nga ni ate na makipag-usap sa’yo o makipaglaro sa’yo kasi mahahawa raw ako sa pagiging… bayot mo.”
“I don’t like your sister.”
“English-english ka pa.”
“Sabi ko hindi ko gusto ate mo.”
“Wala akong paki. Bakit ba nandito ka pa rin? Kaya lalo akong natutuksong bakla dahil sa’yo eh.”
“Fine. Pero stay ako rito hanggang hindi nadating ang nanay mo. Hanggang wala kang kasama.” Sabi niya’t kumuha siya ng walang laman na container at inupuan niya ‘to, “…may sasabihin pala ako sa’yo.”
“Wala akong pakialam sa sasabihin mo.”
“Tungkol ‘to kay tita. Alam ko na napunta ka rin sa bahay niya. Matagal na kita gusto kausapin kaso galit ka sa akin.”
“Bakit naiinggit ka kasi pinapakausap ako ni tita mo sa mga doctor at binibigyan niya ako ng pera?”
“Sino nagsabi sa’yong doctor mga pinapakausap sa’yo? At hindi ka naman nila kinakausap ‘di ba? Mga manyakis mga ‘yon at binabayaran nila si tita ng malaking pera. Magkano ba binibigay sa’yo? Kay mama kasi, tig-kahalati talaga sila ni tita.”
“Hoy, ikaw bakla ka. Huwag ka maingay na kay tita mo ako nakakakuha ng pera ha? Ayaw ipasabi ni tita kahit kanino.”
“So, ibig sabihin hindi rin alam ng mga nanay at tatay mo?” Tanong niya’t umiling ako, “…magkano binibigay sa’yo?”
“200.”
“Malaki nga. Binibigay sa akin ni nanay, bente lang pero—may narinig kasi ako habang nag-uusap si mama at si tita. Parang tungkol ata sa’yo.”
“Anong tungkol sa akin? Hindi na ba ako bibigyan ng pera ng tita mo?”
“Hindi ganoon ang narinig ko pero narinig ko na meron gustong umampon daw sa’yo dahil nagustuhan ka raw. Iyon lang ang narinig ko.”
“Sino naman?”
“Sino ba lagi mo nakakausap?”
“Hindi ko naman sila talaga naiintindihan pero meron pinakopya sa akin si Dr. Harrison Hill. Siya ‘yon mabait sa lahat ng mga doktor. Masaya lang siya kapag nakikita niya ako kahit hindi ko na hinuhubad damit ko. Iyong sulat na pinakopya niya sa akin hindi ko naintidihan pero parang gusto niya ipabasa ko sa nakakaintindi ng english.”
“Nakakaintindi ako ng kaunti. Nasaan?”
“Teka—kunin ko sa bag ko.” Tumayo ako’t kinuha ko sa bag ko ‘yong notebook ko. Bumalik din ako kaagad at pinabasa ko kay Horsy, “…gusto ko sana ipabasa ‘yan kay ate kaso mula noong bumalik si ate rito, laging mainit ulo niya at galit siya sa akin kasi nga sinasabi niyang bakla ako.”
“Huwag mo intindihin ate mo. Akina na, babasahin ko…”
“Nababasa ko naman, kaso hindi ko naiintidihan.”
“I will go to your country. I want to adopt you as my son. I really like you, Cedrick. I want to help you.” Mabagal niyang pagkakabasa at napatingin siya sa akin, “…like ibig sabihin, gusto—gusto ka raw niya. At saan ‘yong country? Pupunta raw siya roon eh.” Sabi niya’t napakibit-balikat ako, “…at kailangan niya raw ng tulong mo. Help daw oh. ‘Di ba kapag nagsabi ng help ibig sabihin, hingi ng tulong?”
“Bakit siya hihingi sa akin ng tulong eh parang wala naman siyang problema.”
“I already sent money to Mrs. Marquez. She said she will help your family to process all the documents you will need. She already told me that your family already agreed to it. I even gave one thousand dollars for your family.” Pagkatapos niyang basahin, napatingin lang din siya sa akin at napangiti.
“O’ anong sabi?”
“Hindi ko rin naintindihan, sabi lang bibigyan ka raw pera ni tita.”
“Ah—baka ‘yong binigay niya sa akin kanina. Hindi ko nga nabigay pa lahat kay nanay at tatay kasi biglang hinuli ng pulis. Sa tingin mo kasya ang 500 pesos para hindi na makulong si tatay?”
“Siguro, malaking pera na ‘yon. Ganoon kalaki binigay sa’yo ni tita?”
“Oo. Masaya ako kanina pero ngayon malungkot na ako. Nilibre niya pa nga ako ng pagkain sa tindahan niya kanina. Akala ko nandoon ka, nandoon kasi mama mo.” Sabi ko’t napakulambaba ako sa tuhod ko, “…nahospital pa pala si ate. Paano ko pagkakasyahin ‘yong 500 pesos kay tatay at kay ate? Gusto ko sana kausapin ‘yong pulis, sabihin ko utang na lang muna ‘yong kulang babayaran ko na lang pagnabigyan ako ulit ni tita.”
“Gago ka. Ay sorry dear Lord,” Pinalo-palo niya pa ang bibig niya, “…hindi ka pwede umutang sa mga pulis. At totoo ba talaga na nagnakaw ‘yong tatay mo?” Tanong niyang natingin ako sa mukha niya at sa malaking nguso niya, araw-araw mas humahaba ang nguso niya.
“Mabait si tatay, hindi ‘yon siya magnanakaw. Okay nga lang sa kaniya na maging bakla ako eh. Hindi siya nagalit sa akin, hindi kagaya ni ate.”
“Baka kaya galit ate mo sa bakla kasi bakla rin siya.” Sagot niya’t napakunot noo ko’t basta na lang nagtawanan kaming dalawa, “…sana hindi ka na galit sa akin, Sid.”
“Galit pa rin ako sa’yo kasi pangit na bakla ka.”
“Gago ka.”
Nagtawanan na naman kaming dalawa.
“BATA.” Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko na nagpahinto sa tawanan naming dalawa ni Horsy—si Kuya Sam. Nakatayo siya sa harapan ng bahay. Pogi niya talaga. Matangkad, malaki ang katawan—at laging bumabakat ang alaga niya.
“Oh, ikaw pala Kuya Sam. Wala si ate rito, nasa hospital.”
“Alam ko.”
“Di ba siya ‘yong nagpahabol at nagpakagat sa’yo sa bulldog? Bakit nakikipag-usap ka sa kaniya?” Bulong sa akin ni Horsy.
“Hindi naman kakagatin ng aso si Sid kung hindi ka bumaba sa kabilang bakod. Napapanuod ko kayong dalawa sa bintana noong araw na ‘yon bata. Ikaw ang unang bumaba at sumunod si Sid. Kaya ikaw ang may kasalanan kung bakit siya nakagat ni Brutos sa puwit. Hindi pa sinasabi ata ni Sid na nakagat siya pero sa oras na magsabi siya hindi ako magdadalawang isip na sabihin sa mga tanod na ikaw ang may kasalanan. Paniguradong pagagalitan ka ng mga magulang mo, bata.” Pananakot ni Kuya Sam at parang kinabahan naman si Horsy, “…kaya kung ako sa’yo umuwi ka na sa inyo.”
“Wa-walang kasama rito ang kaibigan ko.”
“Iniwanan mo na siya minsan ‘di ba? Hindi mo naman siya binalikan. Nagawa mo na noon bata, magagawa mo ulit.”
“Hindi ako bumalik kasi hindi na ako pinayagan na lumabas kasi umulan.”
“Kung totoong kaibigan ka, kahit malakas ang ulan, babalik at babalik ka sa kaniya.”
“Kuya Sam, kalimutan na po natin ‘yon. Magkaibigan na kami ulit.”
“Ganoon ba bata? Mukhang tanggap mo ng bakla ka rin kagaya niya.”
“Kuya Sam! Hindi ako bakla. Kapag may kaibigan bakla, bakla na rin?” nainis kong sabi, sa pagkakataong ‘to si Horsy naman pinagtatanggol ko, “…kung wala ka ng sasabihin pwede ka na umalis sa tapat ng bahay namin. May kasalanan ka pa sa akin.”
“Anong kasalanan ko sa’yo bata?”
“Hindi ka tumupad sa pangako mo sa akin na sasabihin mo na sa’yo galing ang perang binibigay ko kanila nanay.”
“Wala akong naalalang nangako ako pero sinabi ko na hindi ko sasabihin sa kanila kung saan mo nakukuha ang pera mo. Magkaiba ‘yon bata—at kaya ako nandito ay para sunduin ka.”
“Ha? Saan mo ako dadalhin?”
“Sa bahay. Nakita ako ng nanay mo habang nakasakay siya sa tricycle sa labasan bago ako magpunta sa palengke. Pinakiusapan niya akong bantayan daw kita dahil kaibigan mo nga ako. Pinagkatiwala ka sa akin—mukhang hindi maganda lagay ng ate mo. Nasabi mo sa aking buntis siya, mukhang nakunan ang ate mo malamang sa katigasan ng ulo mo. Tumayo ka na riyan at sumama ka na sa akin. Isarado mo ‘yan bahay niyo at ikaw batang bakla, umuwi ka na sa inyo.”
“Hindi ko abot ang pako sa taas.”
“Pandak ka kasi.” Sabi niya’t lumapit siya sa bahay—lumayo lang kaming dalawa ni Horsy sa kaniya. Pinahawak niya sa akin ‘yong dala niyang plastik na meron lamang baboy ata ‘to. Pumasok muna si Kuya Sam sa loob at sinarado niya ‘yong binatana. Nagpaalam na sa akin si Horsy at tumakbo ‘to papalayo sa amin. Lumabas si Kuya Sam—sinarado niya ang pintuan, pagkaabot niya ng pako sa taas, tumaas din ang laylayan ng damit niya’t nakita ko na naman ‘yong mabuhok niyang pusod.
NAGLAKAD kaming dalawa papunta sa malaking bahay nila. Kinuha niya sa akin ulit ‘yong pinamili niya.
“Paano po kapag dumating si mang Goryo?”
“Bakit natatakot ka ba sa kaniya?” Tanong lang sinagot niya sa akin. Malapit na kami sa gate—nakita ko ‘yong sasakyan sa loob ng paradahan.
“Masungit at galit sa mga bata si mang Goryo. Kaya takot kaming lahat sa kaniya.”
“Takot ka pero umakyat pa rin kayo sa puno. At hindi naman ata patas na, sa kaniya takot ka—pero sa akin, hindi ka takot.”
“Bakit ako matatakot sa’yo?” Tanong ko’t ginulo-gulo niya lang ang buhok ko. Binuksan niya ang pintuan ng gate at una niya akong pinapasok. Nakita na naman ako ni Brutos at sinalubong na naman niya ako.
“Huwag ka mag-aalala, hindi uuwi si utol. Kaya kung sakaling hindi umuwi ang nanay mo pwedeng-pwede kang matulog dito sa bahay.”
“May multo po ba sa bahay niyo?”
“May nakita ka bang multo noong unang beses na ginabi ka rito?”
“Bakit laging nagtatanong ka kapag nagtatanong ako?”
“Bakit ka nagtatanong kapag nagtatanong ako?”
“Ugh! Ayaw ko na nga magtanong sa’yo.” Sabi ko’t tumakbo ako’t sinundan ako ni Brutos hanggang sa loob ng bahay. Napatingin ako sa hagdan—nakita kong pababa si Yvar. Napahinto ako’t napatingin siya sa akin habang nagkakamot siya ng harapan niya. Magulo ang buhok niya—nakasando lang siya, sabi niya fifteen pa lang siya pero may buhok na rin siya sa kili-kili kagaya ng tatay niya.
“Anong ginagawa mo rito, Sid?”
“Dito muna ang batang ‘yan. Walang kasama ‘yan sa bahay nila ngayon. Nakulong ang tatay niya kanina lang.” Sagot ni Kuya Sam at dumiretso siya sa kusina.
“Paano mo nalaman na nakulong si tatay?”
“Nasa labasan nga ako kanina ‘di ba? Nakita ko ‘yong tatay mo na nakasakay sa mobil ng pulis. Tapos sumunod naman ‘yong nanay at ate mo. Kung hindi kita dadalhin dito, baka ikaw naman ang sunod na ilabas sa labasan.”
“Ano naman gagawin ko sa labasan?” Tanong ko’t pumakibit-balikat lang siya. Nakapasok na siya sa kusina. Lumapit naman sa akin ‘tong si Yvar. Pumatuhod siya sa sahig at gingulo-gulo niya mukha ni Brutos.
“Anong kaso ng tatay mo?”
“Pinagbintangan siya magnanakaw.”
“Tsk. Anong ninakaw?”
“Pinagbintangan nga lang.”
“Anong binintang na ninakaw?”
“Bakit ba matanong kayong magtatay sa akin? Hindi magnanakaw si tatay at hindi ko alam kung anong binintang sa kaniya. Iyong pulis na ‘yon—kapag laki ko, humanda talaga siya sa akin.”
“Sa palagay mo ba lalaki ka pa?”
“Oo. Lalaki pa ako.”
“Sa ngayon, lalaki ka pa… baka bukas, babae ka na.” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko naintindihan pero parang natawa siya. Tumayo siya’t hinawakan niya ang magkabilang balikat ko, “…pahaba ka lang ng buhok, magmumukhang babae ka na, Sid.” Kinapitan niya ang baba ko’t ginilid-gilid niya ang mukha ko, “…kinis ng balat mo bata.” Tinampal-tampal niya, pero hindi naman masakit. Tinalikuran niya akong lumapit sa sofa at binuksan ang TV pagkahawak niya ng remote. Sumunod sa kaniya si Brutos at umupo rin ‘to sa sofa katabi siya.
Pumasok na lang ako sa kusina. Humila ako ng mataas na upuan at napakalumbaba na naman ako sa mesa. Nadala ko rin pala ‘yong notebook. Inilapag ko lang sa mesa.
“Kaya ka minamalas, hilig mong kumalumbaba.” Sabi ni Kuya Sam at inayos ko ang pagkakaupo ko, “…may exam ka ba bukas at dinala mo pa ‘yan notebook mo?”
“Ah—wala Kuya Sam. Ah—kuya Sam marunong ka mag-english?”
“Akala ko ba hindi ka na magtatanong sa akin?”
“Ugh! Iyan ka na naman sa tanong sa bawat tanong ko eh.”
“Oo naman marunong akong magbasa at umintindi ng english, kahit paano. English ba ang exam mo bukas?”
“Hindi—wala, matagal pa ang periodical test namin sabi ni teacher. Meron ako ipapabasa sa’yo tapos itagalog mo po sa akin, ayos lang po ba?”
“Tungkol ba saan?”
“Hay, huwag na nga lang. Panay tanong ang sagot mo sa tanong ko.”
“Tungkol nga saan?” Tanong niya pa rin at binuksan ko ‘yon notebook ko at binigay ko sa kaniya. Binasa naman niya kaagad—napatingin siya sa akin.
“Ano po sabi Kuya Sam?”
Huminga siya ng malalim at binalik niya sa akin ang notebook, “…bigla akong napaisip ngayon bata. Bakit hindi ka pinagkatiwala ng nanay mo sa ibang kamag-anak niyo?”
“Wala po kamag-anak ni nanay dito sa Dulong Bato, nasa NCCP. Iyong mga kamag-anak lang ni tatay. Hindi ko rin naman po gusto na magpunta sa kanila, mas gugustuhin ko po na dito ako sa bahay niyo o kung hindi man, mas gugustuhin ko magsolo sa bahay, hintayin ko na lang si nanay at ate na bumalik.” Sabi ko’t kumalumbaba na naman ako, “…ano sabi sa pinapasabi ni Dr. Harrison Hill Kuya Sam?”
“Gusto ka niyang tulungan. Gusto ka niyang ampunin, bata.”
[[ PRESENT DAY ]]
“INATAKE sa puso si nanay. Biglaan lang din. Wala ako rito sa bahay. Wala rin ‘tong bayaw mo at tulog si tatay dahil lasing siya noong araw na ‘yon. Iyon ang dahilan kung bakit nasa loob ng kabaong ngayon si nanay.” Paliwanag ni ate. Nagsindi pa siya ng sigarilyo niya—nakatayo lang si Kuya Sam malapit sa bintana. Katabi ko naman si tatay at parang nahihiya siya sa akin—siguro dahil totoo na lasing nga siya, “…pero kahit naman meron tao rito, Sid hindi pa rin namin maisasalba si nanay. Ilang beses na siyang inaatake. Baon na kami sa utang dahil nakailang balik na kami sa hospital. Hindi sapat ang sinasahod nitong bayaw mo pang-sustento sa pangangailangan ni nanay. Hindi ka naman namin mahagilap, parang kinalimutan mo na ‘tong pamilyang ‘to. Ikaw ang may magandang buhay pagkatapos mong sumama sa amerikanong ‘yon tapos kinalimutan mo na kami. Doon din talaga nagsimula ang pagkakasakit ni nanay. Sinisisi niya ang sarili niya dahil wala siyang magawa kung ‘di ang ibigay ka sa kano na ‘yon kapalit ng malaking halaga.”
“Kayo ang hindi ko na makontak. Wala kayong mga social media rito. Ilang beses akong sumubok na contact’in kayo.”
“Hindi uso ‘yon dito. Bakit hindi ka bumalik kaagad dito?”
“Hindi naman ganoon kadali ‘yon ate. Minor pa ako, kaka-eighteen ko lang.”
“Hindi mo ba natatanggap ‘yong mga pinapadala namin sulat sa’yo noon?”
“Kailan lang binigay sa akin ni Dad.”
“Dad? Iyong umampon sa’yo?”
“Yes, ate—‘yong umampon sa akin. Inamin niya sa akin na gusto niyang makalimutan ko kayo kaya naman hindi niya binibigay sa akin ‘yong mga sulat niyo sa akin. Kahit ‘yong mga pagtawag niyo sa akin. Kay Dad ko lang din nalaman ang nangyari kay nanay—kaya hiningi ko kaagad ang permiso sa kaniya na bumalik dito. Sa kaniya ko lang din nakuha ang number na ginagamit niyo.”
“Kinalimutan mo pa rin kami, Cedrick.”
“Hindi totoo ‘yan.”
“Kahit ‘yong mga kamag-anak ni nanay sa NCCP walang maibigay man lang na tulong. Kahit ‘yong pamilya ng tatay mo, ‘yong totoong tatay mo, hindi man lang magbigay ng tuloy. Mayaman ‘yon ate mo sa isang tatay mo ‘di ba? Alam mo naman na siguro ang tungkol sa isa pang pamilya ng totoong tatay mo.”
“Kailan ko lang nalaman, I mean, kailan ko lang din nakontak si ate, ‘yong isang ate ko. actually, siya ang unang komontak sa akin, sinabi lang daw kasi ni tatay ‘yong pangalan ko. nakita niya ako sa social media, minissage niya ako para lang sabihin na naka-ICU si tatay.”
“Wow, mukhang magkikita silang dalawa ni nanay sa langit.”
“Ate!”
“Eh ‘yon ate mo, hindi ba siya magbibigay man lang ng tulong dito?”
“Hindi naman niya nanay si nanay.”
“Oo nga naman.”
“Ako nang bahala sa lahat ng gastusin ate.”
“Mabuti naman at lumabas ‘yan sa bibig mo. Iyan lang naman ang gusto kong marinig mula sa’yo. At galing ka ng ibang bansa, wala ka man lang dala-dalang pasalubong.”
“Hindi na ako nakabili—at seryoso ate? Libing ni nanay tapos magdadala ako ng pasalubong?”
“Hindi naman kami lahat nang pupuntahan mo ililibing, pero siguro kung nagtagal ka pa, baka patay na kaming lahat na maabutan mo. Mamatay kami rito sa gutom at kunsumisyon dahil sa kabilaang utang ng pamilyang ‘to. Pumayag si nanay na ipaampon ka pero hindi ka naman nakatulong, sino ngayon sa ating dalawa ang walang silbi, Cedrick?”
Sasagot pa sana ako pero pinatayo na ni Kuya Sam si ate. Pinalabas na niya ‘to. Mababa lang ang luha ko pero pinipigilan ko na lang. Hindi ako umuwi rito para sa ganitong drama—mukhang malaki ang galit sa akin ni ate… lalo pa’t ako rin talaga ang sinisisi niya dahil nakunan nga siya noon.
Ilang araw lang naman akong mananatili rito. Hindi rin ako makakatagal dito kung sakaling magtagal pa ako rito, wala rin akong dahilan para magtagal sa lugar na ‘to. at kung papayag si tatay, isasama ko siya—ilalayo ko siya sa lugar na ‘to.
“Mukhang pagod ka sa biyahe mo, Sid. Tara sa kwarto.”
“Po?”
“Kailangan ko rin kasi magpahinga. Ilang araw na akong puyat. Huwag ka mag-alala, malaki ang kama, kasyang-kasya tayong dalawa.”