PHASE II - KABANATA XVIII-A: HATING KAPATID

4579 Words

PHASE II: HATING KAPATID TUMANGGAP si ate ng perang nakarolyo’t meron ang goma mula kay Kuya Yvar. Patay malisya lang ako pero kitang-kita ko talaga ‘yon abutan na naganap dito sa kusina at nang mapansin ako ni ate bigla silang naglayong dalawa. Lumayo si ate kay Yvar at ang sama kaagad ng tingin sa akin habang papadaan siya sa kinatatayuan ko. Gumilid na lang ako para mapagbigyan siya ng daan. “Bakit gising ka na Sid?” “Hindi pa ako nakakatulog talaga dahil pati pala sa likod bahay meron din mga nagsusugal. Rinig na rinig ko ‘yong ingay nila kahit na isarado ko pa ‘yong bintana. At isa pa, nauuhaw ako.” Sagot ko’t lumapit ako sa mesa. Kumuha ng basong nakatumba at sinalinan ko ng tubig na malamig-lamig. Nakatingin ako sa kaniya habang tumutungga ako at ganoon din naman siya sa akin. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD