NAGISING ako dahil sa malalakas na tahol ng aso at sa boses ng mga lasing sa labas. Napabangon ako’t napatingin ako sa orasan ng phone ko. Hindi ko namalayan na napahaba ang tulog ko. Mag-aala-una na ng madaling araw at wala akong kasama ngayon dito sa bahay. Tumayo ako’t sumilip ako sa labas, malayo na ‘yong mga lasing. Madilim na sa paligid at wala nang katao-tao talaga. Lumabas ako’t napatingin ako sa nakasaradong bahay nila Tito. Nasa likod kasi ‘yong balkunahe kaya hindi ko nakikita si tatay. Napakatay ‘yong ilaw nila, at ganoon din sa ibang mga bahay. Sinarado ko na muna ‘yong pintuan, naalala ko na sa palengke si Kuya Yvar tumutuloy, pero hindi ko alam kung saan doon, alam ko naman kung nasaan ‘yong palengke talaga. Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako rito sa labasan. Na