TA V SA kabila ng ingay at kaliwa’t kanang tagayan sa bawat mesa na narito ngayon ay hindi gusto ni Kuya Sam na alisin ko ang aking palad na nasa kaniyang harapan. Inilalayo ko ngunit ibinabalik niya rin. “Kuya Sam, ano ba?” Ilang kong pagkakasabi’t inilapit niya ang mukha niya sa kaliwang tainga ko. “Hawakan mo lang naman.” Bulong nito’t tila may hatid na kiliti sa aking katawan ang kaniyang hininga, “…lasing na mga ‘yan, hindi na nila tayo mapapansin.” “Ikaw ang lasing kanina ka pa nandito. Umuwi na lang tayo.” Sabi ko’t inayos niya ang pagkakaupo niya. Nagsalin siya ulit ng alak sa mataas na baso niya’t halos punuin niya ‘to ng hindi niya man lang nilalagyan ng yelo’t kaagad niya naman ‘tong tinungga ng tuloy-tuloy. Kitang-kita ko ang pagkakalagok niya rito na para bang normal na tu