TAEKWONDO

1715 Words
Chapter 10   Best Teen Romance Novel by: Joemar Ancheta   Pinatayo kaming lahat ng master namin nang papunta na Asssitant Instructor sa gitna namin. "Kyong ye" malakas na utos ng aming master na nagpakilala sa aming Assistant Instructor. Yumuko ang mga kasamahan ko bilang pagpupugay. Hindi ako makakilos. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Si Faye? Siya! Siya ang magiging instructor ko? Siya ang tatawagin kong Jokyo? Ang kanina ay pinagmalakihan ko sa loob ng locker room ang black belter na magiging instructor ko? Noon ay gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko. Nagdadalawang isip na ako kung itutuloy ko pa ang pagtataekwondo ko. Nangatog ang tuhod ko nang nilapitan niya ako dahil ako lang ang bukod tanging hindi pa yumuyuko. Tumitig siya sa akin. Higit isang dangkal lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Halos maglapat na ang dibdib namin. Napalunok ako at dahan-dahan kong ibinaba ang aking tingin. Ngunit mata ko lang ang umiwas. Ayaw kong yumuko. Ayaw kong magbigay ng respeto. Ngunit sa mga sandaling iyon nagsimula akong pagpawisan. Tinitibag na ng kanyang mga narating sa murang edad ang katiting kong katapangan. Iyon na lang ang meron ako, ang pride. Ngunit ngayon, pati iyon napapasuko na niya. Walang wala ako laban sa kanya. Yabang lang ang meron ako. "Kam sa hap ni da" malakas niyang sinabi iyon sa mismong harap ko. Malakas ang pagkakasabi at alam kong iyon ay para sa aming lahat. "Chon ma ne yo" sagot ng iba pang mga naroon na kasamahan ko dahil hindi lahat ay alam ang ibig sabihin ng kaniyang sinabi at sa katulad ko na unang araw pa lang ay hindi nakapagsalita. Ano naman ang isasagot ko ro’n? Kahit kabisado ko ang lahat ng iyon nang nakaraan gabi, parang nakalimutan ko agad lahat sa kung anong tamang isagot sa sinabi niyang Kam sa hap ni da. Hindi ko na matandaan ang ibig sabihin ng sinabi niya nang nakatalikod na siya sa akin ay mabilis kong tinanong iyon sa nakasagot na kasamahan ko. "Anon a palang ibig sabihin no’n?" tanong ko sa mas maliit na katabi ko. Pabulong. "Ano raw ang ibig sabihin ng sinabi ko at ng isinagot ninyo sa akin? Sabihin nga ninyo para malaman ng baguhan nating kasamahan ang ibig sabihin ng ating pinagsasabi dito." Kumunot ang noo ko. Narinig pa niya iyon? Bulong na ‘yon ah. Ibang klase. Meron pa bang hindi kayang gawin ng babaeng ito? "Kam sa hap ni da ay “Thank you” at Chon ma ne naman Jokyo ay “you're welcome." "Ilang taon ka na?" muli niyang tanong sa katabi ko na pinagtanungan ko. "NIne years old, Jokyo." “Bago ka dito?” “First day ko, jokyo.” “Nakinig ka sa orientation kung ganoon. Nag-aral kang maigi. Nine years old, first day. Alam na niya an gating gagamiting mga salita. At ikaw Santiago, how old are you?" seryosong tanong ni Faye sa akin. Pakiramdam ko nanliliit ako sa pagtitig niya sa akin. Napayuko ako sa hiya. "Huwag mong sabihing pati edad mo hindi mo na rin alam? Hindi na lang tanong iyon. May kasama ng pagpapahiya na sadyang lalong nagpatindi ng pangangatog ng aking tuhod. Narinig ko ang pigil na tawa ng mga kasamahan ko. "Tinatanong kita, Santiago. How old are you?" "Twelve." Mahina kong sagot. "Twelve.” Inulit niya ang sinabi ko. Nakangiti. “Kung ang nine years old pa lang e, alam na ng katabi mo ang mga terminologies na ginagamit natin sa pang-araw araw nating training, ipinagtataka ko kung paanong hindi mo ito alam Santiago? Pareho kayong first day ngayon." "E, sa nakalimutan ko, e.” “Nakalimutan o hindi muna inaral.” “Inaral. Bakit lahat ba natatandaan mo?” “Oo, bakit hindi?” “Saka unang araw palang naman. Huwag mo akong ipinapahiya." Lakas loob kong bulong sa kaniya. Pilit akong nagtatapang-tapangan ngunit sa panahong iyon ay nangangatog na ang tuhod ko. "Sige, kalimutan muna natin ang terminologies, siguro nga hindi mo pa lubusang nakakabisado but what about respect Santiago. Baka lang meron tayo no'n kahit hindi na basahin pa ang booklet na ibinigay namin. Baka lang maari mong maipakita iyon sa mas bata pa sa’yo." Napalunok ako. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo sa pamamagitan ng nanginginig kong mga daliri. “Ang respeto ay ibinibigay ng kusa at hindi hinihingi,” sagot ko. GInaya ko lang iyon kay Lolo Zayn. “Ah talaga?” “Oo at yung ginagawa mo sa aking pamamahiya, hindi iyan nakaka-respeto.” Natigilan siya. Napalunok. Hindi siya nakasagot. Sa unang pagkakataon, nakarinig siya sa akin ng hindi niya masagot. Huminga ako ng malalim. Nakapuntos na ako. Inikutan niya ako. Nanatili siya sa likod ko ngunit alam kong nakatingin siya sa akin tulad ng pagkapako ng tingin sa akin ng mga kasamahan ko. "Okey. You have a point. Pero gustong kong itatak mo sa ising mon a maaring magkaedad tayo, parehong grade six pero dito, iba ang level mo sa level ko, dahil gusto mong matuto, sana marunong kang sumunod at rumespeto." Dumaan siya ngunit malakas niyang binangga ang balikat ko. Huminga ako ng malalim. Kailangan kong magpigil. Bumalik siya sa gitna at ipinagpatuloy niyang i-orient kami. Binigyan kami ng ilang mga techniques. Ngayon ko lang napatunayan na tama siya, magka-edad nga kami ngunit malayo ang lamang niya sa akin. Babae lang siya at lalaki ako ngunit iba ang kaastigan niya sa akin. Napahinga ako ng malalim. Paano ko lalabanan ang ganitong babae. Mahusay siyang magturo at magsalita. Malayo sa edad niya. Nag-uumapaw na katalinuhan ang nakikita ko. Hindi ko maiwasang manliit sa aking sarili. Noon ko napatunayang karapat-dapat nga siyang mapabilang sa Science Class ng aming school. Isa siyang gifted o fast learner kaya siya patuloy na umaani ng parangal at respeto sa kapwa naming mag-aaral at mga guro. Tumingin ako sa kaniya nagtama ang aming paningin at sa pagkakataong iyon ako na naman ang unang nagbaba ng aking tingin. "Ahnjoe" malakas niyang utos. Lumingon ako sa mga katabi ko. Ilan ay naunang nagsiupuan at ang ilan ay katulad ko ding di malaman ang gagawin. Sumunod ako sa ginawa nilang pag-upo. Hindi ba puwedeng Tagalog na lang ang gagamitin? Nagmumukha akong tanga. Bakit ba pinahihirapan pa nila ito e Pilipino naman kaming lahat? "Cha ryuht" muling niyang sinabi habang seryosong inikot ang paningin. Nilingon ko ang mga katabi ko, lalo nilang inayos ang kanilang pagkakaupo. "Anong sabi? Charot? Charot daw baw?" tanong ko sa katabi kong nine years old na nagmamagaling kanina. Kung tama ang dinig ko, ang alam kong Charot na madalas kong naririnig kay Tita Miley kapag nagbibiruan sila ni Mommy Shantel ay salitang bading na ibig sabihin ay wala lang o kaya ay biro lang. Nagbibiro lang ba siya? "Sabi ni Jokyo, attention daw." Bulong nito. Aba magaling nga itong isang ‘to. Pati ‘yon alam? “Hindi ka ba nagme-memorize kuya? “Tinamad kasi akong basahin ang ibinigay sa aking booklet e.” sagot ko. Umiling ako. Kung alam ko lang. Tuloy ngayon nangangapa na ako. Maaring may mga naaalala ako pero nauunahan ako ng nerbiyos dahil alam kong pag-iinitan lang ako ni Faye. Sa totoo lang, nawalan na ako ng ganang ituloy pa ang pag-aaral ng taekwondo. Malas naman oh! "Bago tayo magsimula sa ating training. Gusto kong malaman na muna ninyo ang Principles of Taekwondo. Kailangan ninyo itong malaman dahil ito ang magiging guide ninyo sa inyong training. Nakikinig ba?” Sumagot silang lahat bukod sa akin. “Okey. First principle is HUMILITY. Having humility is one of the characteristics essential in the martial arts. Being humble and not becoming bigheaded no matter what your achievements. Kung nandito ka, para ipagyabang ang iyong mga matutunan o kaya gamitin para gumanti sa tingin mong nanakit sa'yo, wala kang kalulugaran dito. Do you understand?" Paglilinaw niya sa amin ngunit sa akin lang siya nakatingin. Sumagot ang mga kasamahan ko ngunit nanatiling tikom ang aking labi. Huminga ako ng malalim. Nagsisimula na naman yata siyang paringgan ako. "Next is INDOMITABLE SPIRIT. Any martial art practice is extremely difficult and will involve practicing techniques that are exceptionally complex to execute. Your martial art indomitable spirit is your voice inside. Ito ang nagsasabing kailangan ninyong pagbutihin ang pag-eensayo at kayanin ang hirap ng mga trainings. Huwag dapat galit ang motivation ninyo para matutunan ang Taekwondo. Huwag gamiting motivation ang pagganti dahil maari ngang ito ang makakatulong sa iyo na mapadaling matutunan ang techniques ngunit ito naman ang maaring sisira sa'yo." Bakit ba parang sa akin niya sinasabi ang lahat. Ako lang ba ang nasa paligid niya. Sa akin siya laging nakatingin. Minabuti kong yumuko na lang at iwasan siyang tignan. Para kasi talaga siyang nanadya na. "Third principle is PERSEVERANCE. Lahat ng technique na ating pag-aaralan ay pinaghihirapan. Walang sinuman, kahit ako ay magsasabing I already master the martial art fully. There is always something that can be improved no matter how technical or flexible you are. Kaya nga diyan pumapasok lagi ang sinasabi ko kaninang pagpapakumbaba. Iyon ang kulang sa atin. Ang tanggapin ang pagkatalo at isiping may ibang mas nakakaangat pa sa atin. Tama ba ako, Santiago?" Nagdesisyon akong huwag siyang tignan. Nakayuko pa rin ako na parang may binabasa lang ako sa sahig. "Santiago, may gusto ka bang idagdag sa sinabi ko?" lumapit siya sa akin. "Tsk! Wala." Nanatili akong nakayuko. Ako lang naman ang nakikita niya eh. Nakaparami naman namin dito ta's ako lang ang lagi niyang tinitignan at tinatawag. Ako lang ang lagi niyang ipinapahiya. Nakakawalang gana na. Bakt ba kasi nandito pa ako? Dapat pala nang nakita ko na siya umalis na lang ako. "Wala? Gano'n lang ang sagot. Wala! Elosoh!" "Ano daw? Anong Elosoh?" tanong ko sa nagmamagaling kaninang katabi ko. "Hindi ko alam e. Nakalimutan ko." sagot niya sa akin. "Anong Elosoh?" namumula kong tanong kay Faye. "Sabi ko, tayo! Tumayo ka!"   Hindi ko alam kung anong authority meron ang boses niya at napapasunod ako sa utos niya sa akin. Tumayo ako. Hindi ko nga lang siya matignan pa rin ng diretso. KInakabahan na ako. Sasaktan na naman ba niya ako? Posible pala talagag matakot sa babae at ngayon, sa unang pagkakataon sa buhay ko, inaamin ko. Takot na ako sa babae. Kinatatakutan ko na ang maari niyang gawin sa akin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD