Chapter 2

1132 Words
Maria’s POV Palinga-linga ako habang sumasakay sa jeep. Ilang ulit kong pinaalala sa mamang konduktor na sa Plantasyon ako bababa. Hindi ko alam ang eksaktong lugar at kinakabahan ako dahil sa wala akong ideya sa lugar ng Negros. Dumaan kami sa malawak na taniman ng pinya. Ang dami kong nakikitang taong nakayuko at tila ay kumukuha ng bunga. Siguro ito ang oras kung kalian sila nagha-harvest. Sa pagkakaalam ko ang magiging boss ko ang may ari ng napakalawak na taniman dito. Doon ko napagtantio na hindi lang pala taniman ng pinya ang nadaraan naming. “Hindi pa rin ba lumalabas si Sir Travis?” nakarinig ako ng bulong-bulungan mula sa kabilang upuan. Kumunot ang noo ko at pasaring na nakinig sa kanilang usapan. Sa pagkakaalam ko kasi siya ang magiging amo ko. Kilala ata siya sa buong lugar na ito. Syempre sino ba naman ang hindi makakakilala sa ‘yo kung ikaw ang may ari ng napakalawak na lugar sa Negros. S Umismid ang babaeng sa tingin ko ay nasa trentang taon pa lamang, maitim at madumi ang kaniyang mga kuko, “Hindi pa rin, kumare. Ewan ko ba, si Lando muna ang naglilibot sa buong plantasyon,” sagot niya. Lando? Baka kanang kamay niya. Gano’n ba kalawak ang plantasyon dito. Ibig ba sabihin na sa kaniya itong dinadaanan naming? I roamed my eyes, sa tingin ko lahat ng rekados sa pagluluto ay nandirito. Kanina may nakita akong lalaking pumapasan ng bawang sa likuran niya. “Kay gwapo-gwapo naman talaga ni Sir Travis, bakit ba siya nagkakandarapa sa maarteng babaeng ‘yon?” tugon ng kumara niya. Tinuro niya ito at tumango-tango na nagpapahiwatig na tama siya. “Mismo! Tama ka, siguro kasi maganda ‘yon.” Nagtawanan silang dalawa. Sanay na ata ang mga nakasakay sa kasingayan nilang mag-kumare. Ilang minute ang lumipas ng pumara sila. I saw houses, hindi siya kagaya ng sa eskwater na maliit at madumi. Ito’y ay gawa sa mga bato at semento. Alam na alam mong matibay talaga, mabibigyan ko rin ng magandang bahay ang mga kapatid ko. Napayukom ako ng kamao. Pagtingin ko sa katabi ay wala na sila. Nataranta ako bigla, ako na lang pala ang nakasakay. Hindi naman ako inabot ng limang minute bago inihinto ang ang jeep sa tapat ng isang matayog na gate. Napaawang ang mga labi ko. “Miss, dito kana!” sabi niya. “Ah-oo, Salamat po. Pakibaba na lang ng mga gamit ko,” pakikisuyo ko. Hindi ko maalis ang tingin sa napakataas na pader na nakapalibot, para akong nakapunta sa palasyo. Palasyo ng aba? Umikot na ang jeep paalis sa lugar kung saan ako binaba. Wala na kasi silang pasahero. I hold my luggage tightly. Hinakbang ko ang mga paa ko patungo sa mataas na gate. Wala akong makitang ibang tao. Sumilip ako sa loob, napangiwi ako. Ang mga malalaking puno ay nakahilera sa daan. Lalakarin pa ang mansion na nasa gitna. “Ang laki ng bahay,” bulong ko. “Miss, ikaw ba ang bagong kasambahay?” napatalon ako ng may biglang nagsalita. I held my chest, sobrang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa gulat. I roamed my eyes, wala naman akong nakita. Humakbang ulit ako papalapit. “Tao po. Ako po ‘yong kasambahay!” pag-uulit ko ng sinabi. Baka kasi guni-guni ko lang ‘yon. Sumilip ulit ako, wala naman tao. Baka ito ‘yong sinasabi nil ana dewende o ‘di kaya ay kapre. Napakagat ako ng mga daliri. May biglang kumalabit sa balikat ko. Napaatras ako at nilingon ito. Ngumiti sa ‘kin ang lalaking hindi gano’n katanda pero may edad na rin naman. Tumango siya bilang pagbati, “Okay ka lang ba? Mukhang takot na takot ka ah?” sambit niya at nagkamot ng batok. Tiningnan ko ang suot niyang damit. Nakasuot siya ng bota at pantalon na may punit sa tuhod, nakasumbrero din siya ng kagaya sa magsasaka at nakasuot ng manipis na jacket na kulay berde. Siya pala ‘yong nagsasalita. Itinuro ko ang nasa likuran ko, “W-Wala po bang tao dito, kuya?” nauutal kong tanong. “Ah, diyan? Nasa loob lang si sir,” sagot niya sa ‘kin. Binuksan niya ang gate at malakas itong tinulak, “Ikaw pala ang pinadala ni ma’am Tenness.” Hindi ko kilala kong sinong ma’am ‘yan pero ang alam ko lang ay ako ang pinadalang katulong dito. Sumunod ako sa kaniya. Napag-alaman kong si manong Lando siya. Siya ang laman ng balita kanina sa jeep. Ang lawak ng lugar, hindi dito gaanong mainit dahil sa madaming puno, hindi kagaya sa Manila. Kung puwedi ko lang isama ang mga kapatid ko, dadalhin ko talaga. Kahit na dito na lang kami sa bakuran niya. Merong malaking puno ng mangga sa harapan. Hitik sa bunga, makakuha nga dito minsan. “O, siya. Ikaw naman na ang bagong kasambahay, alagaan mo ng Mabuti si sir. Mabait ‘yan sa totoo lang,” sambit niya. Napaangat ako ng tingin sa malaking bahay ng parang gusto kong malula. Ang ganda sa labas pero parang wala akong makita sa loob. “Manong, saan ka po pupunta?” malakas kong tanong sa kaniya. Dumeretso kasi siya patungo ata sa likod ng bahay. Lumingon siya sa ‘kin. Itinuro niya ang dinadaanan niya, “Iikot po ako sa plantasyon, pumasok na kayo baka hindi pa nakakakain si sir,” sabi niya. Binalik ko ang titig sa bahay. Paluma na rin naman ang kulay pero ang ganda ng pagkakagawa. Huminga ako ng malalim at hinila ang mga gamit ko. Parang ayokong ihakbang ang mga paa. Napapikit ako. I knocked the door twice, wala akong narinig na tugon mula sa loob. Sa pagkakaalam ko nagkukulong daw siya sa kwarto, e. So, ibig sabihin walang magbubukas sa ‘kin? Napalabi ako. Ginalaw ko ang doorknob. Nagulat ko na hindi naka- lock ang pintuan, alam ata nila ata pupunta ako ngayon. Pag-apak ng mga paa ko sa loob ay kinilabotan ako. Horror house ba ‘to? Bakit ang dilim? Kinuha ko ang de keypad kong phone mula sa bulsa. Pinaandar ko ang flashlight para makita ko ang nasa loob. Hangin lang ata ang laman ng bahay na ‘to. “Tao po, sir! Ako po ang bago niyong kasambahay!” sigaw ko. Umalingawngaw ang boses ko sa loob ng bahay kaya napatakip ako ng bibig. Humakbang ako at naghanap ng switch. Isang hakbang nagawa ko ng may natamaan akong gamit. Napapikit ako sa pagbasag ng hindi ko alam kung ano ‘yon. Napangiwi ako. “SORRY PO! HINDI KO KASI NAKIKITA!” paumanhin ko. Sana hindi ito mahal. Wala naman akong marinig an tugon mula sa kaniya baka natutulog siya. Napakagat ako ng mga labi. Paano kong magising siya tapos paalisin ako? Hala! Hindi na pala ako sisigaw. ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD