Chapter 1

1136 Words
"Aning, sige na! Magbihis ka na ng uniporme mo," sabi ko. Natataranta na ako dahil sa kanila. Matapos kong magluto ng baon nila ay agad kong inayosan ang bunso namin. Babae kaming lahat. Wala na kaming nanay. "Opo, Ate," sagot niya. Si Aning ay nasa grade 8 pa lang at ito namang bunso namin at grade 6. Kasalukuyang tinatali ang buhok niya. "Ate, sira na ang sapatos ko. Kailan mo ako bibilhan ng bago?" tanong niya sa 'kin. Pagkatapos ko siyang talian ng buhok ay umupo ako sa harapan niya. Kinuha ko ang paa niya at tiningnan ang suot niya. Napaismid ako. "Hindi naman ah? Maayos pa 'yan, mag-aral ka ng mabuti dahil bibilhan kita ng madaming sapatos sa susunod," sabi ko. Nagpunas ako ng noo dahil sa pawis. Ang aga-aga pinagpawisan ako. Nakatira lang kami sa iskwater. Hindi naman gano'n ka pangit ang bahay namin. Mabuti na lang at nakapundar si mama nito bago siya nawala. Kahit papaano, masaya kami. Napapadyak si Luisita habang nakanguso. Hindi yata matanggap na hindi ko siya mabibilhan ng bago. Mas importante ang bigas at pagkain. Kumuha ako ng tinapay sa ibabaw ng pinggan at kinain ito. Gusot- gusot pa rin ang mukha ni Luisita habang kumakain ng agahan. Palibhasa kasi naiinggit sa kaklase. Magkasabay kaming dalawa na napatingin sa gawi ng pinto. May kumatok kasi. Nage-expect kasi ako na si tatay ito pero hindi. Narinig ko ang pagtawag ni nanay Lita sa 'min. Agad akong tumayo mula sa upuan para pagbuksan siya, "Aning, bilisan mo na diyan, andito na si nanay Lita!" sigaw ko. Ang bagal- bagal gumalaw. Ilang hakbang lamang ang ginawa ko bago maabot ang pintuan namin. Pinagbuksan ko siya at pinapasok. Si nanay Lita ang naging nanay na namin dahil magmula ng mawala si mama ay inalagaan niya na kami. Wala naman kaming makukuha kay tatay kung 'di ang pagkalasing nito. "Maria, may trabaho ka na ba?" tanong niya sa 'kin. Inakbayan ko si nanay at nagkamot ng ulo. Napanguso ako. Wala kasi akong makitang trabaho maliban sa maging isang labandera ng mayayaman. Umiling ako sa kaniya bilang tugon, "Tamang-tama, naghahanap ng katulong si Josie. Malaki ang kita," may diin niyang sambit sa 'kin. Tinuro pa niya ang balikat ko bago umupo sa bangko, "Bagay 'yon sa 'yo, kailangan daw nila ng maganda, sexy, magaling magluto at marunong mag alaga," dagdag niya. Nakakurba ang mga labi niya habang nakangiti sa 'kin. Kahit na kulubot na ang balat ni nanay ay malakas pa rin siya. Kulot ang buhok pero lagi itong nakapusod. May katabaan din siya. Napairap ako, "Kailangan ba talaga maganda at sexy?" kuryoso kong tanong. Nanghila ako ng upuan patungo sa harapan niya. "Oo, Maria. Binata kasi ang aalagaan mo, hindi daw lumalabas ng kwarto kaya paamohin mo. Malaki ang sweldo!" napalakas ang boses ni nanay habang hawak ang pulsuhan ko. Lumiwanag ang mukha ko, "Binata? Gwapo ba daw siya, nay?" tugon ko. Napakagat-labi ako at hindi mapigilang ngumiti. Sa edad kong ito hindi pa rin ako nagkakaroon ng boyfriend, madaming nanliligaw pero ayaw ko sa kanila. Nagsimula akong managinip ng gising habang iniisip kung gaano siya kagwapo. "Oo, Maria. 100 thousand daw ang sweldo mo sa isang buwan! Ang gagawin mo lang ay alagaan siya at sundin ang mga gusto niya, naiintindihan mo ba?" aniya. Tinaasan niya ako ng isang kilay sa paghihintay ng sagot ko. My eyes widened as my jaw dropped, "100 thousand? Totoo? Bakit naman sila magbabayad ng ganiyan kalaki?" hindi ako makapaniwala. Kahit kailan hindi ako nagkaroon ng ganiyan kalaki. Parang panaginip lang 'yan para sa 'kin. Mapapaayos ko na ang bahay, mabibilhan ko na ng maraming sapatos si Luisita at mabibilhan ng cellphone si Aning. "Mayaman ang lalaking 'yon. Siya ang may ari ng malawak na plantasyon sa Negros," sagot ni nanay Lita sa 'kin. Napatakip ako ng bibig gamit ang palad ko. Napamura ako sa isip ko dahil sa gulat. "Negros? Malayo po?!" gulat na gulat kong tanong. Ibig-sabihin hindi ko sila makikita kapag nagtrabaho ako do'n? Pero para din naman sa kanila 'to. Nag-aalangang tumango si nanay sa 'kin. Mahina niyang hinaplos ang balikat ko. Binigyan niya ako ng tipid na ngiti, "'Yan lang ang trabahong mag-aangat sa inyo. Makakatawag ka rin naman dito, Maria. Ako ang mag-aalaga sa mga kapatid mo dahil ang ama mo ay laging lasing," sagot niya. Marahang tinapik ni nanay ang balikat ko. Huminga ako ng malalim at tumungo. Tama si nanay, ito lang ang magagawa ko para sa kanila. Ang alagaan ang lalaking 'yon at gawin lahat ng gusto niya.  ******* Puno ng luha ang pisngi ng dalawa kong kapatid. Naaawa man ako sa pag iwan ko sa kanila pero mas maaawa ako kung hindi ko maibibigay ang pangangailangan nila. Binigyan ko sila ng tipid na ngiti at hinaplos ang mukha nilang dalawa. Nagsimulang kumirot ang puso ko. Ang lakas ng hikbi nila. Si nanay naman ay todo alo sa kanila.  Nandito kami ngayon sa airport. Maliban sa lungkot ay kinakabahan din ako, first time kong sumakay ng eroplano.  "Aning, bantayan mo si Luisita, ha? Magtatawagan pa rin tayo," sabi ko. Dahan-dahan siyang tumango at niyakap ako ng mahigpit. Hinaplos ko ang buhok niya, "Okay lang 'yan, babalik din naman ako, e," dagdag ko pa. Napakagat ako ng labi dahil sa biglaang pangingilid ng mga luha ko. Hinalikan ko siya sa ulo. "A-Ate, pangako. Aalagaan ko si Luisita basta tumawag ka ah? Ma-mi-miss kita," pautal-utal niyang tugon.  "Oo, tatawag ako."  Lumingon ako kat Luisita na ngayon ay pinupunasan ang luha niya. Ang batang 'to, nagpe- feeling matanda na. Sumenyas ako sa kaniya para lumapit. Ayaw pa sana niya, arte.  "Sige ka, hindi kita bibilhan ng madaming sapatos!" mataray kong ani sa kaniya. Mabilis pa sa kidlat ang pagkayakap niya sa 'kin. Siniksik niya ang ulo niya sa beywang ko, "Mami-miss ko kayong dalawa. Pakabait kayo, okay?" bilin ko. "Opo, ate," sabay nilang sagot sa 'kin. Sa huling pagkakataon at hinalikan ko silang dalawa sa kanilang ulo na amoy araw na. Bumaling ako kay nanay at ngumiti.  "Salamat, nay. Alagaan niyo po silang mabuti." "Sige, Maria. Heto ang ticket mo. Pumasok ka na, baka maiwan ka pa," natataranta niyang ani. Mahina naman akong tumawa. Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya, "Mag-ingat ka do'n. Umuwi ka kapag ayaw mo na." May pag-aalala niyang bilin sa 'kin. Ang swerte ko dahil merong nag-aalalaga sa 'min.  "Opo, nay." Habang naglalakad papasok ay pilit kong pinapasaya ang sarili ko. Napalingon ako sa kanilang tatlo. Biglang lumabas ang hikbi sa mga labi ko. Nanlabo ang mga mata ko at bumigat ang dibdib ko.  I waved my hands from side to side. Kumaway sila pabalik sa 'kin. Lumandas ang mga luha ko.  "Lalakasan ko ang loob ko para sa inyo," bulong ko sa hangin. Sana ay umabot ito sa kanila, "Sana matagalan ko ang lalaking 'yon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD