Sofia:
Tinawag ni Mam Ruby ang babaeng nasa kusina may dalang juice eto at inilapag sa table ng sala kung saan ay nakaupo kaming dalawa at magkaharap.
"Mam pasensya na po kasi baka di na ako makapag dinner dito dahil ang lola ko po nasa bahay walang magbabantay sakanya" pagdadahilan ko nalang dahil di ko parin talaga feel si Ruby haggang ngayon.
Hindi naman nagkakalayo ang age gap namin ni Mam Ruby dahil 23 palang ang edad neto. Mukang magka age pa nga kami dahil sa babyface siya.
"Ayy ganon ba? Kasama mo pala ang lola mo?" Tanong neto. Tumango naman ako dahil alam kong papayag naman siya. Lord sorry at nagsinungaling ako promise di na mauulit sabi ko sa isip ko.
Tumingin ako sa relo ko malapit na pala mag 5pm at napagdesisyunan ko ng umuwe. Tatayo na sana ako para magpaalam kay Mam ng biglang may nag dorbell.
(Ding dong)
Tumayo agad si Mam Ruby na makikitaan mo ng excitement sa mukha at nilabas niya eto.
Maya maya ay pumasok na sila ng kasama niya kung sino man yun.
Tumayo na ako at lumingon ng magulat ako at parang tuod na nakatayo lang habang nakatingin sakanya.
"Sofia dito kana mag dinner. Sabayan mo na kami ni Sir Alferez." Sabi ni Mam.
Tama, si Nikko Alferez ang dumating sa bahay ni Mam Ruby at nakakapit pa ang kamay ni Mam sa braso neto.
Parang may kung anong kirot ang naramdaman ko ng makita ko silang dalawa. Anong ginagwa ni Nikko dito. Parang nung nakaraan lang napagusapan na namin to ah at sinabe niyang di siya pupunta sa imbetasyon ni Ruby. Bakit ngayon nandito siya?. Sunod sunod na tanong ko sa sarili habang di namamalayang umalis pala si Ruby at inasikaso ang mga pagkain sa mesa. Habang kami ni Nikko ay parang tuod padin at magkatitigan lang.
"Mahal" sabi ni Nikko na pabulong habang titig na titig padin saakin.
Dinaanan ko siya para tulungang mag ayos ng mesa si Mam Ruby. Hinawakan niya ang braso ko ng nadaanan ko siya sabay sabing "let me explain mahal" tinaboy ko ang kamay niya at sinabing "wala kang dapat I explain Sir."
"Babe c'mon dinner is ready" sabi ni Ruby. Ayoko na syang tawaging Mam. What? Tama ba ang narinig ko? Babe ang tawag niya kay Nikko? Sunod sunod nanamang tanong ko sa sarili ko.
Lumapit na si Nikko at magkatapat kami habang magkatabi sila ni Ruby.
"Eto oh pinaluto ko talaga yan dahil alam kong paborito mo yan" sabay lagay ng adobong ulam sa plato ni Nikko. Adobo nga ang paborito ni Nikko na ulam at kare kare naman ang saakin.
Hindi ko na kaya ang nakikita ko. Panay hawak ni Ruby Kay Nikko pati sa pisnge neto.
Ng matapos kaming kumain....
"Mam Sir mauna na po ako. Salamat po sa foods Mam naappreciate ko po yun ang sarap po ng adobo niyo." Yun nalang ang nasabi ko para di sila makalahata.
"Ihahatid na kita" sabi ni Nikko na agad namang pinagtaka ng muka ni Ruby.
"Ayy wag na po Sir. Malapit lang naman ang bahay ko dito tsaka wala pong kasama si Mam." Pagdadahilan ko kahit na parehas naming alam ni Nikko na malayo ang bahay ko.
Pumayag naman si Ruby na umuwe na ako at pinahatid ako sa katulong niya hanggang gate. Habang papaalis ako pilit kong pinipigil ang pag buhos ng mga luha ko.
"Ang tanga mo sofia ang tanga tanga mo." Yun nalang ang nasabi ko sa sarili ko bago ako pumara ng taxi.
Pagkauwe ko ng bahay at agad kong isinara ng mabuti ang pinto pati bintana. Ikinandado ko naman ang gate.
Tumakbo ako sa kwarto ko at humagulgol na ako ng iyak. Iyak lang ako ng iyak.
Napakasinungaling mo Nikko. Patuloy padin ang pag agos ng mga luha ko. First love, first heartache. Masakit pala.
Ibinuhos ko na ang lahat ng sakit sa puso ko haggang sa makatulog ako sa sama ng loob at sakit na nararamdaman ko.
Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa labas. Tumingin ako sa orasan at 2am na pala ng umaga. Ang sakit ng ulo ko at nahihilo ako. Maingay padin sa baba sa labas. Ayoko na sanang bumangon dahil sobrang hilong hilo ako at namumugto na pala ang mga mata ko.
Pero.....
"Sofia mag usap tayo pls! Buksan mo ang gate!" Sabay kalabog sa gate.
Agad akong napabangon ng marinig ko ang boses niya.
Nikko...
"Sofia please! Mahal na mahal kita magpapaliwanag ako please makinig ka"
Di niya padin tinitigilan ang pagkalampag sa gate namin.
Di ko siya pinansin dahil sa sama ng nararamdaman ko. Handa na akong makipaghiwalay sakanya. Hindi ko dapat sirain ang pagkatao dahil lang sa pagmamahal nato.
Naging matapang ako dahil nadin sa gabay palagi saakin ni lola. Naalala ko nanaman ang lola ko. Hay kelan ka kaya uuwi la, miss na miss na kita sabay yakap sa picture niya na nakalagay sa drawer ko.
Di ko na pinansin si Nikko. Bahala na siya sa buhay niya. Wala na siyang dapat I explain dahil tapos na kami. Tinutuldukan ko na ang lahat ng namamagitan saamin.
Natulog ulit ako ng umiiyak at may pait sa puso ko.
Kinabukasan ay sportfest na....
Pumasok ako ng maaga at alam kong magiging abala ako ngayong araw na to.
Pagpasok ko sa school ay nakita ko agad si Nikko na inaabangan ako sa gate ng school. Agad siyang lumapit saakin.
"Sofia please wag mo naman akong iwasan. Magusap tayo mahal."
Lalong uminit ang ulo ko sa narinig ko. Mahal? P*tang*na mong lalaki ka sigaw ko sa utak ko habang tuloy lang sa paglalakad.
7am na ng magkaron na ng mga studyante kaya mas lalo kong binilisan ang lakad ko para di na ako kulitin pa ni Nikko.
8am ng magsimula ang sportfest parade. Ang daming naka costume. Anime ang theme ng parade ngayon kaya naexcite akong picturan ang bawat istudyante kasama ang mga kani kanilang adviser. Ng makita Kong papalapit na ang adviser class ni Nikko at nakita ko siyang nakatingin saakin ay naisip kong umalis nalang at nag c.r muna ako.