Kasalukuyan kong inihahanda ang almusal ko. Katatapos lang namin magusap ni lola mag iisang linggo na pala siyang wala hay nakakamiss si lola sana matapos na niya ang gagawin niya sa Zamboanga.
Nagluto ako ng sinangag, pritong itlog at hotdog. Yun lang kasi ang naisipan ko dahil sa hindi pa pala ako nakakapaggrocery iniwanan naman ako ng pera ni lola kaso sa sobrang busy ko ay di na ako nakapamili.
Pagkatapos ko ay agad akong kumain at binuksan ko ang T.V sa sala ako kumakain habang may nakatimplang kape. "Hay sarap ng buhay" nasabi ko habang humihigop ng mainit na kape.
Tumawag naman sa phone ko si Nikko na ngayon lang nagising 11am na ng umaga not bad napuyat kasi kami kagabi yun ang nasabi ko sa isip ko habang may malaking ngiti na nakaguhit sa labi ko at sinagot ko na ang tawag niya.
"Goodmorning mahal ko. Mahal na mahal kita" yun agad ang bungad niya saakin. Ibinaba ko naman sa mesa ang iniinom Kong kape at napapangiti nalang ako.
"Mahal na mahal din kita Nikko ko" sabi ko naman habang pinipigilan ko ang kilig na nararamdaman ko. Sino ba kasing hindi magkakagusto sa lalaking eto. Naalala ko pa ng una ko siyang makilala.
Flashback:
4th year highschool ako ng magpasya ang lola ko na sa San Antonio University ako mag patuloy ng kolehiyo. Nag enroll ako at si Nikko ang nasa admin area at syang nag enroll sakin. Napatulala lang ako sa napakagwapo niyang mukha tulo na talaga laway ko sa kagwapuhan niya.
Nakapasa ako sa entrance exam ko dun kaya mas lalo pa akong nag pursigi para mapansin ako ni Nikko.
Naging Miss San Antonio din ako dahil nadin sa sobrang patay na patay ako sakanya na magpapansin.
Lagi ako naeexempted sa subject niyang mathematics dahil lagi kong napeperfect lahat lahat ng pinapagawa niya. Graded recitation, quizzes, seat work lahat as in para lang mapansin niya ako.
Ng naging top 1 ako sa klase niya ay napansin kong nagiiba na kung papano siya tumingin sakin at ang ikinagulat ko ay yung ayain niya akong ihatid sa bahay namin.
Dun nagsimula ang lahat sa paghahatid niya saakin. Nahihiya pa ako at sir padin ang tawag ko sakanya. Ngunit nagbago ang lahat ng yon ng minsa'y pauwe nadin ako ng bahay at nakita ko siya sa may iskinita na nakaantay. Binati ko siya...
"Hi sir good evening po." Napaayos siya ng tayo dahil kanina ay nakasandal lang siya sa kotse niya.
Di siya nagsasalita at nakatitig lang sakin.
"Sige sir mauna na po ako" sabi ko at agad naman akong umalis pero nagulat ako ng hatakin niya ang kamay ko.
"Sofia mag usap tayo" sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"P-po? Anong paguusapan natin sir?" Sabi ko naman.
"Please stop calling me Sir or Mr. Alferez"sabi niya.. Lalo akong naguluhan sa mga sinasabi niya.
"Bakit? E you're my professor" sabi ko sakanya at agad na nalungkot ang mga mata niya.
Naghari ang katahimikan saming dalawa at dahil sa di na siya muling magsalita ay nag pasya na akong mag paalam sakanya.
"Sige na po uuwi na po ako" yun nalang ang nasabi ko dahil sa ayaw niyang tawagin ko siyang Sir. What's wrong with him? Yun ang nasa utak ko.
Akmang aalis na ako ngunit hinila niya ang braso ko at hinalikan niya ako. I'm only 16 y.o ng mga panahong yon.
Sa gulat ko ay naitulak ko siya ng malakas. Para siyang nagulat at lumuhod saakin at humihinge ng sorry.
"Ano bang nangyayare sayo?!" Sabi ko hindi ko na nagawang gumalang dahil sa aminado akong magulat ako ngumit di ko mawari ang puso ko na sobrang bilis ng paglukso nito.
Nikko is 23y.o at that time. Niyakap niya ako pero inalis ko yun. Di ko siya maintindihan.
"Sir ano po bang nangyayare sayo?" Paguulit ko pero mahinahon na ang boses ko.
"I love you" yun lang ang sagot niya...
I love you.... I love you...... I love you..... I love you..... I love you....
Parang nagecho sa tenga ko ang mga sinabi niya. Di agad ako nakareact. At humakbang siya papalapit saakin. And this time ay hinayaan ko siyang sakupin ang mga labi ko ng mainit niyang halik. Napahawak ako sa batok niya at ako pa ang mas lalong nagdiin ng mga labi namin. Ngumiti siya at sinabing "mahal kita. Mahal na mahal kita" sabay halik sakin.
Bumitaw ako sa pagkakahalik sakanya at sinabing "mahal din kita Mr. Alferez." Ngumiti siya ng maluwag at tinanong ako.
"Kelan pa Ms. De Ocampo?" Namula naman ako sa tanong niya at napatingin sa iba. Di ako makapagsalita at nagsalita siya ulit.
"Well di na kita tatanungin basta ang mahalaga mahal natin ang isat isa at hinalikan nanaman niya ako.
Doon kami naging official ni Nikko.
End of flashback
Habang naguusap kami ni Nikko ay di ko namalayan na tanghali na pala quarter to 1pm na at napatagal ang usapan namin ng mahal ko. Nagpaalam na ako sakanya dahil may pupuntahan pa ako. Agad naman siyang pumayag at nag paalaman na kami sa isat isa.
3:30pm na ng makarating ako sa bahay ni Mam Ruby. Ang ganda at ang laki ng bahay.
Nagdorbell ako....
(Diiing dooong)
Inulit ko ng 2 beses ang pagddoorbell ko. Ng makita ko ng lumabas si Mam ng bahay niya. Naka spaghetti red siya at naka miniskirt na itim mukang may lakad siya ang ganda niya dahil bumagay ang pula sa sobrang puti niyang balat. Well mas Maputi padin ako sakanya hmp. Umepal nanaman ang pagkamaldita ko.
Hi Mam at nginitian ko siya. Siya naman ay tumingin saakin mula ulo haggang paa at nakataas ang kilay neto. Ano bang masama sa suot ko? Naka dress lang naman ako ng pinkish nude na above the knee ang haba neto. Silk din ang tela niya.
At may maipagmamayabang naman ako dahil sa maganda ang hubog ng katawan ko ipares mo pa sa mala Rosas na parang gatas kong balat. Mahaba at wavy ang buhok ko na sakto naman sa maliit na hugis na mukha ko.
Hay nako Sofia ayan ka nanaman sa kapupuri sa sarili mo. Sabi ko nalang din sa isip ko.
Pagkatapos na mahabang habang pagsuri niya sa anyo ko ay binuksan niya ang gate at pinapasok ako sa loob.
Nalulula ako sa laki ng bahay niya. Halatang anak mayaman eto.
"Mam eto na po pala yung pinagawa niyo saakin ipapaprint nalang po yan at sabay abot ko sakanya ng USB.
Kinuha naman niya eto.
"Ah Miss De Ocampo dito ka nalang kaya mag dinner? Nag handa na dn kase ako mamayang 5pm kakain na tayo" sabi niya at sabay ngiti saakin.